Payo ni Joaquin Domagoso sa mga aspiring stars na galing din sa angkan ng mga artista: "Just be your own person."

"Just be your own person. Kasi ang pagkatao mo ang ibinebenta mo. Don't try to be somebody that you are not. Always try to be you." —payo ni Joaquin Domagoso sa mga nag-aartista na ring anak o kamag-anak din ng mga taga-showbiz.

Photos: @jdomagoso

"Just be your own person. Kasi ang pagkatao mo ang ibinebenta mo. Don't try to be somebody that you are not. Always try to be you." —payo ni Joaquin Domagoso sa mga nag-aartista na ring anak o kamag-anak din ng mga taga-showbiz.

Naging guest ang Kapuso actor na si Joaquin Domagoso sa pilot episode ng Kids Toy Kingdom Show (Season 2) na hino-host ng mga promising Gen-Z stars na sina Sebreenika Santos, Honey Love Johnson, Cheska Maranan, at Tom Leaño.

Ang Kids Toy Kingdom Show ay isang online show na tumatalakay sa toy collections, kabilang na ang moderno at vintage items, ng iba't-ibang celebrities. Ito ay mula sa direksyon ni Perry Esçaño. 

Ang pilot episode nito ay mapapanood ng LIVE sa September 30 (Sabado), 3pm to 4pm sa Kids Toy Kingdom FB Page, with replays on Glitter Channel FB Page at YouTube Channel. 

May portion din ng online selling ng mga pre-loved toy items sa naturang show.

At dahil tungkol sa mga laruan ang show, kaya maman natanong si Joaquin about his growing up years at ayon sa kanya, hindi raw siya iyong tipong pampered ng kanyang amang si dating Manila City mayor Isko Moreno pag dating sa mamahaling laruan.

"Karamihan po kasi sa toys ko noon, hand me downs ng brother ko. May only sister din po ako na s'yempre mas priority po ng dad ko," aniya.

Gayunpaman, hindi naman daw siya nagselos sa kanyang mga siblings.

Ngayon namang pamilyado na rin siya, hindi pa rin naman daw nawala sa kanya ang pagiging child at heart. Katunayan, nakabibili na rin daw siya ng mga fancy toys mula sa kanyang sariling kita.

Although mas alam na aw niya ang mga dapat i-priority sa ngayon. Kaya naman pag bibili siya ng laruan, he makes sure it's something his son Scott would enjoy, but at the same time ay mae-enjoy nya rin,

"Hindi naman sa nabago pero mas bumalik po ako sa pagiging bata. Kaya marami akong nabibiling...lagi po akong pumupunta sa toy stores nowadays. I buy a lot of cars. I buy a lot of hot wheels kasi di lang siya bagay na kayang enjoy-in ng mga bata pero ako nae-enjoy ko rin, e.

"So, habang nag-eenjoy ang anak ko sa hot wheels, I'm also enjoying playing with little cars. Ang dami pong nagbabago pero ang masasabi kong nag-stay is 'yong character ko. Iyong morals ko po. Siguro with the schedule, the lifestyle change and that's really a factor sa pagiging ama. Magbabago po talaga ang responsibility mo pero iyong pagkatao ko, same pa rin," paliwanag niya.

Sa naturang press launch, natanong si Joaquin kung ano ang tips na maibabahagi niya sa mga nabanggit na aspiring artists  na hosts ng show para mahasa pa ang kanilang talento sa panahon ng social media.

Pero pag-amin niya, kahit daw tumutulong siya sa family-owned multimedia company na itinayo ng amang si Isko Moreno, hindi pa rin daw niya itinuturing ang sariling social media savvy.

"Just stick on your socials," aniya. "Focus on your social media. I don't know what to say. Di po ako magaling sa social media hanggang ngayon. I'm one of those younger generations na hindi masyadong nakaka-adapt," pakli niya.

"Nakita ko naman po sila as mga baguhan. They have a great future ahead of them. Wala po akong kailangang ibigay na advice. I can see their talent from here. Kaya, kumbaga ako, I started 17 years old. These guys are just starting now and it's good na marami silang parents who are with them. When I joined showbiz, they're [his parents] already working, so iyon. Isa siya sa malaking part na lagi silang nandiyan para sa iyo," hirit niya.

Incidentally, marami ring mga baguhang artists ng bagong-tatag na NET25 Star Center ang nagsipag-perform sa Kids Toy Kingdom Show launch at ilan dito, gaya din ni Joaquin, ay galing sa angkan ng mga artista gaya nina Bo Bautista (anak nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta) at Nathan Reyes (Ara Mina's nephew. Kaya naman natanong din si Joaquin kung may maibabahagi ba siyang payo sa mga ito ngayong pinasok  na rin nila ang showbiz.

"Just be your own person. Kasi ang pagkatao mo ang ibinebenta mo. Don't try to be somebody that you are not. Always try to be you," aniya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Baby Scott nina Joaquin Domagoso at Raffa Castro, nag-first birthday na!

Joaquin Domagoso, tensyonado sa pagiging multi-awarded actor; “It’s like a lot of people are waiting for you to fail."

Joaquin Domagoso, iniyakan ang pagbubuntis ng girlfriend na si Raffa Castro: “I’m so young. Ano mabibigay ko sa anak ko at this age?”

Joaquin Domagoso’s well-acclaimed debut movie That Boy In The Dark hits local theaters

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.