Payo ni Iza Calzado sa isa sa bibida sa Sang’gre na si Angel Guardian: “You have to keep a good head on your shoulders ‘coz it can get overwhelming.”

Dahil sa role niyang Amihan sa Encantadia 2005, mas kuminang ang pangalan ni Iza Calzado sa showbiz. Kaya naman ipinapasa n’ya ngayon ang basbas kay Angel Guardian na s’yang magmamana ng brilyante ng hangin na nasa pangangalaga n’ya noon. Sana ay maging maganda rin umano ang takbo ng career nito tulad nang nangyari sa kanya.

PHOTOS: @izacalzado & @itsangelguardian on Facebook

Dahil sa role niyang Amihan sa Encantadia 2005, mas kuminang ang pangalan ni Iza Calzado sa showbiz. Kaya naman ipinapasa n’ya ngayon ang basbas kay Angel Guardian na s’yang magmamana ng brilyante ng hangin na nasa pangangalaga n’ya noon. Sana ay maging maganda rin umano ang takbo ng career nito tulad nang nangyari sa kanya.

Pinayuhan ng seasoned actress na si Iza Calzado ang isa sa bibida sa upcoming GMA primetime series na Encantadia Chronicles: Sang’gre na si Angel Guardian.

Ang young actress kasi ang napili para gumanap sa role na Deia, ang bagong tagapangalaga ng brilyante ng hangin na minsan ding naging role ni Iza sa Encantadia noong 2005 kung saan gumanap s’ya bilang si Sang’gre Amihan. Nagkataon din na ang pangalang Deia ay sadyang ipinagpa-alam pa ni Direk Mark Reyes kay Iza para ipagamit kay Angel.

Kaya naman pagkatapos ng media conference proper para sa movie nilang Shake, Rattle, and Roll Extreme recently, natanong ng entertainment press si Iza kung ano ang advice na ibinigay n’ya kay Angel.

Ayon sa aktres, malaking blessing umano ang role na naipagkaloob kay Angel. Siya man daw kasi ang nabiyayaan ng maraming blessings mula nang gawin niya ang role na Amihan. 

(Ang kaibahan lang, si Deia, ayon kay Angel ay hindi taga-Lireo ayon sa bagong istoryang iprinisinta umano sa kanila.)

Basta sabi ko sa kanya, s’yempre, bagong season ito ng karera n’ya, ’di ba? Matagal na kasing artista si Angel. Pero, s’yempre, iba pag binigyan ka ng malaking papel, bagong role,” lahad ni Iza sa press.

Kasabay nito, mas malaki na raw ang magiging demand sa oras at effort ng aktres kaya naman dapat daw ay nakahanda ito sa mga pagbabagong iyon.

Iba ang pressure na kasama n’yan. Iba ang oras mo. Mas mapapagod ka kasi as a lead, mas maraming maa-assign sa’yo na sequences. Mas maraming demands, basically,” pangre-real talk n’ya.

Kaya naman dapat ay mas maging mapagpasenya at mas maging humble pa umano ito. 

“And I was telling her, ‘You have to keep a good head on your shoulders because it can get overwhelming. ’Yon lang ang sinasabi ko sa kanya,” saad n’ya.

“Just make sure that you have people grounding you so that kayanin mo at ma-navigate mo ’yong bagong season ng buhay mo.”

Natanong din ng press people si Angel, noon ay katabi ni Iza, kung ano’ng ang nararamdaman n’ya na s’ya ang napili bilang bagong tagapangalaga ng brilyante ng hangin at may blessing pa s’ya mula sa isa sa mga original Sang’gres na si Iza at nanay din ng hiniraman ng pangalan ng nkantang karakter na si Deia.

Naku, sobrang saya ko po. Nakita ni Ms. Iza kung gaano ako kasaya, actually,” sagot ni Angel.

Nagpapasalamat umano s’ya sa seasoned actress dahil sa warmth na ipinaramdam nito sa kanya noong ipinaalam n’ya rito na s’ya ang gaganap na Deia. 

“I’m just grateful to Ms. Iza kasi ganyan s’ya, very warm, very loving when she could just ignore me. Alam mo ’yon? Parang, ‘Okey, ito si Deia. Ito si Deia.’ Say some advice and then bye. But she’s not like that. She’s very warm,” paglalarawan n’ya sa aktres.

“You’re very inspiring,” pag-a-address pa n’ya kay Iza.

Tsika pa ni Iza, naging emosyonal sila ni Angel nang sabihin nito sa kanya na ito ang gaganap na Deia noong last day ng shooting nila ng SRR Extreme. 

‘Alam mo, Ms. Iza, na-cast po ako doon sa bagong Sang’gre.’ And then sabi n’ya, ‘Alam n’yo po ’yong character ko pangalan po ng anak ninyo,’” pagre-recall pa ni Iza sa sinabi  ni Angel.

Talagang ako, ‘Oh, my God.’ What were the chances, di ba? ‘Ikaw si Deia?’ Tapos sinabi ko sa kanya. Doon lang n’ya na-realize na galing pala talaga kay [Baby] Deia [Amihan ang name ng character n’ya],” pagpapatuloy n’ya.

Tapos ’yon, we had an emotional moment. And I gave her all my well wishes.”

Gaya ng sinabi n’ya kanina, ito na ang tingin n’yang opportunity ni Angel para mag-level up ang showbiz career nito.

S’yempre, we all need, you know, a lot of support when we’re in this phase in our lives. Marami kasi tayong mga artista na matagal nang nand’yan and all they really need is that one opportunity,” aniya. 

“God has blessed you with this opportunity. Alagaan mo s’ya,” pagtatapos ni Iza.

Sa kabilang banda, never pa raw na-meet ni Angel ang anak n’yang si Deia Amihan kung saan nanggaling ang pangalan ng kanyang magiging karakter pero pinaplano na raw nila ang meet up na ito. 

Samantala, mapapanood ang Shake, Rattle, and Roll Extreme ni Iza Calzado at Angel Guardian, kasama sina Paolo Gumabao, Rob Gomez, Elle Villanueva, and more, simula November 29 sa mga sinehan nationwide. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dahil kay Baby Deia, Iza Calzado, hindi pa kayang mag-teleserye

Iza Calzado, naiyak nang maalala ang late father niyang si Lito Calzado sa muling pagtapak niya sa GMA Network

Baby Deia Amihan ni Iza Calzado, namana ang pagiging “sang’gre” n’ya

Angel Guardian is the first-ever Ultimate Runner of Running Man Philippines

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.