Paulo Avelino, saksi sa pagiging “head turner” ni Kylie Verzosa sa Singapore

Napatunayan daw ni Paulo Avelino na ibang level talaga ang beauty ni Kylie Verzosa. Napapalingon daw kasi ang mga kalalakihan sa Singapore sa tuwing dumadarating o naglalakad ito.

Photos: Instagram

Napatunayan daw ni Paulo Avelino na ibang level talaga ang beauty ni Kylie Verzosa. Napapalingon daw kasi ang mga kalalakihan sa Singapore sa tuwing dumadarating o naglalakad ito.

Mismong ang aktor na si Paulo Avelino daw ang makakapagpatunay na head turner ang beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa.

Sinabi niya ito sa naging media conference nila recently for their upcoming movie Elevator, a collaboration project ng Rein Entertainment, Cineko Productions, at Viva Films.

Tumagal kasi ng 10 days ang shooting nila sa Singapore at palaging sila ang magkasama sa shooting location. Dahil dito, natanong ang Kapamilya actor kung ano ang mga na-discover niya sa kanyang leading lady.

Dito na nasabi ni Paulo na ibang level talaga ang beauty ni Kylie. Napapalingon daw kasi ang mga kalalakihan sa Singapore sa tuwing dumadarating o naglalakad ito. 

"Ang na-discover ko kay Kylie, kasi nag-shoot kami sa Singapore, ano talaga s’ya, head turner," nakangiting pahayag ni Paulo.

Pagbibiro pa niya, nakaramdam umano siya ng hiya na pumuwesto sa tabi ng aktres dahil baka raw mapag-initan siya ng mga nagkaka-crush dito.

"Kumbaga, minsan nahihiya na akong tumabi sa kanya kasi lahat ng lalaki sa kanya nakatingin. Baka mapa-away pa ako, e," natatawang saad niya.

Wala namang nasabi si Kylie sa compliment ni Paulo kundi: "Wow!"

Sa part naman ng aktres, sinabi niyang accomodating umano at hindi  snob sa kanyang mga fans.

Hangga't maaari, ina-accommodate umano niya ang kanyang mga ito if ever na gusto nilang magpa-picture sa kanya.

"I would never say no to a photo kasi fan din ako ng ibang tao, e. At kapag nag-no sila sa akin, parang mahu-hurt ako. So, sinabi ko sa sarili ko na never ako magno-no sa mga photo," sey ni Kylie. 

Anyway, matutunghayan ng publiko ang pagiging head turner ni Kylie sa movie'ng Elevator kung saan gaganap siya bilang mistress ng isang mayamang businessman habang mai-in love naman sa  kanya ang character ni Paulo na isang elevator boy. 

Mapapanood ang Elevator starting April 24 in cinemas nationwide nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Tanong ni Kim Chiu kay Paulo Avelino: "Ano ba 'yung love? Nakalimutan ko na. Ipapaalala mo ba sa akin?"

Paulo Avelino, may bubog sa mga namimirata ng shows nila; “Wag niyo pong gawing normal ang pamimirata ng mga palabas.”

Paulo Avelino at Janine Gutierrez, naghiwalay na naman ayon sa tsikang nakalap ni Ogie Diaz

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.