Paulo Avelino, may paunang birthday gift kay Janine Gutierrez

Dahil kaka-celebrate lang ni Janine Gutierrez ng kanyang 33rd birthday nitong Linggo, October 2, ay natanong ang rumoured boyfriend niyang si Paulo Avelino sa kung ano ba ang iniregalo nito sa aktres.  “Ako, siguro ang regalo ko sa kanya… prayers.  “Good health...and even busier and better career this latter end of 2022 and 2023.”

PHOTOS: @pauavelino & @paunineofc on Instagram

Dahil kaka-celebrate lang ni Janine Gutierrez ng kanyang 33rd birthday nitong Linggo, October 2, ay natanong ang rumoured boyfriend niyang si Paulo Avelino sa kung ano ba ang iniregalo nito sa aktres. “Ako, siguro ang regalo ko sa kanya… prayers. “Good health...and even busier and better career this latter end of 2022 and 2023.”

Kung may birthday gift daw sa ngayon ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino sa rumored girlfriend n’yang si Janine Gutierrez, ito daw ay prayers for good health ng dalaga.

Sinabi n’ya ito matapos s’yang makorner ng entertainment press sa nangyaring media conference nitong October 4 para sa “killer finale” ng kinabibilangan n’yang teleserye na Flowers of Evil.

Wala kasing nakapagtanong kay Paulo tungkol sa update sa kanila ni Janine noong presscon proper kaya naman sinamantala ng press people na mausisa ang aktor nang makorner nila ito. 

Ayon sa award-winning Kapamilya star, consistent naman daw ang kanilang communication ni Janine at lumalabas pa rin sila nang magkasama.

“Okay naman [kami]. Nag-uusap… Lumalabas pa rin,” matipid na sagot ni Paulo sa nakapaligid na press people sa kanya.

At dahil kaka-celebrate lang ni Janine ng kanyang 33rd birthday nitong Linggo, October 2, ay natanong pa si Paulo sa kung ano ba ang iniregalo n’ya sa aktres.

Ako, siguro ang regalo ko sa kanya… prayers,” aniya na ikinatawa ng lahat.

“Good health,” nakangiting dagdag pa n’ya.

Pero tila may iba pa s’yang ibibigay kay Janine dahil looking forward s’ya sa magiging birthday party nito.

Hindi pa siya nagse-celebrate nang buo so makikita natin kapag may party na,” nakakabiting saad pa ni Paulo.

Sa ngayon ay hiling n’ya na mas dagsain pa ng blessings and projects si Janine hanggang sa susunod na taon.

“Even busier and better career this latter end of 2022 and 2023,” he said.

Mapapanood si Paulo, kasama sina Piolo Pascual at Lovi Poe sa final two episodes ng Flower of Evil ngayong October 6 and 7 sa Kapamilya Channel and A2Z, October 8 and 9 sa Jeepney TV, and other ABS-CBN digital platforms.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janine Gutierrez, masayang napagsama ang mommy Lotlot at daddy Monching sa isang family vacation getaway

Rayver Cruz sa breakup nila ni Janine Gutierrez: “There was no third party involved, especially from my end.”

Julie Anne San Jose, in “a good place” and “very happy” daw ngayon; wala daw planong i-unfollow si Janine Gutierrez

Jillian Robredo, winelcome to the family si Janine Gutierrez matapos mapagkamalang anak ito ni VP Leni

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.