Inamin ng Kapuso star na si Pauline Mendoza na umabot s’ya sa puntong kinuwestiyon umano n’ya ang D’yos.
Inilahad n’ya ito sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong araw, May 26, matapos s’yang tanungin ng TV host na si Boy Abunda tungkol sa pagkaka-diagnose ng kanyang mommy with breast cancer.
Hindi linggid sa kalaman ng publiko na nakikipaglaban ang mommy ni Pauline sa breast cancer since 2017 dahil naibahagi na n’ya ang tungkol dito sa mga interviews n’ya before.
“It was tough, Tito Boy. Mahirap talaga,” naiiyak na sabi ng aktres nang kumustahin ng King of Talk ang naging journey ng kanilang pamilya.
Pagre-recall pa n’ya, nasa taping daw s’ya noon nang ipaalam ng mommy n’ya sa kanya na nakikipaglaban ito sa sakit.
“I remember, nalaman ko na na-diagnose ’yong mom ko nasa taping ako that time. Kasi tinago nila sa akin, e. S’yempre, nagtatrabaho ako, ’yong mom and dad ko ayaw nilang ma-stress ako. So, tinago nila sa akin,” pagbabalik-tanaw ni Pauline.
“But then, s’yempre, they had to let me know kasi mom ko ’yon. Nasa taping ako that time, tinext ako ng mom ko, ‘I was diagnosed with breast cancer.’”
Hindi daw n’ya alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na ’yon.
“Nasa taping ako nu’n tapos lahat pa ng eksena ko masasaya. At first, hindi ko alam kung paano ko s’ya na-process. Going back to that moment, biglang na-feel ko na, ’yon na nga…” saad n’ya.
Sa puntong ito na naiyak si Pauline.
“Only child kasi ako, Tito Boy. It was so hard for me.
Nu’ng nalaman ko ’yon hindi ko pinakita sa parents ko na malungkot ako, umiiyak ako,” pagpapatuloy n’ya.
Pinaghihinaan man dahil sa nakapanlulumong balita, nakahugot daw s’ya ng lakas sa kanyang ina.
“Nakita ko sa mom ko kung gaano s’ya katapang. She’s the strongest, she’s the bravest, and sobrang kakaiba s’ya, Tito Boy,” pagbibida ni Pauline sa kanyang mommy.
“Kasi nu’ng nalaman n’ya na may breast cancer s’ya, parang normal lang sa kanya, parang wala s’yang sakit at all. Kami pa ’yong natatakot ng dad ko for her,” she continued.
Inamin rin n’ya na umabot s’ya sa puntong kinuwestiyon n’ya ang D’yos kung bakit sa nanay n’ya at sa pamilya nila ibinigay ang ganu’ng klaseng pagsubok.
“And then I started to question God. Yes, I started to question Him. ‘Bakit kami? Bakit ako? Bakit si mom?’” aniya.
Nahanap naman daw n’ya ang kasagutan sa kanyang ina na s’yang pinaghuhugutan n’ya ngayon ng lakas ng loob.
“Binigay ni God sa akin ’yong answer na kay mom pa rin, kung gaano s’ya katapang. Like, whatever happens, kaya pagdaanan. So, pinagdaanan naming tatlo, with my dad, my mom, and ako,” lahad ni Pauline.
Tinaningan na rin daw ng doktor ang mommy n’ya na mabubuhay lang ito nang hanggang limang taon.
“Ngayon, ika-fifth year na n’ya. Well, sabi ng doctor hanggang five years lang s’ya to live because she has stage four breast cancer. But she’s doing okay now,” she shared.
Dahil dito ay mas tumibay daw ang pananampalataya ng Maria Clara at Ibarra actress sa Itaas.
“So, parang naniwala ako sa sabi ni God na, ‘Kakayanin n’yong tatlo ’yan.’ And binigyan N’ya ako ng faith. Naniwala ako sa Kanya na kung gaano katapang ’yong mom ko tinry ko na mas maging matapang para sa kanya, para sa aming tatlo,” pagtatapos n’ya.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber