Paul Salas, kinumpirmang “dating” sila ni Mikee Quintos

Matatandaang nakasama ni Paul Salas si Mikee Quintos sa fantasy romance series na The Lost Recipe, kung saan ang aktres ang kanyang best friend at love interest. However, si Kelvin Miranda ang talagang ka-loveteam ni Mikee doon. Samantala, kasalukuyang napapanood si Mikee sa afternoon teleserye na Apoy Sa Langit, habang si Paul naman ay kabilang sa upcoming fantasy-action series na Lolong.

PHOTOS: @paulandre.salas & @mikee on Instagram

Matatandaang nakasama ni Paul Salas si Mikee Quintos sa fantasy romance series na The Lost Recipe, kung saan ang aktres ang kanyang best friend at love interest. However, si Kelvin Miranda ang talagang ka-loveteam ni Mikee doon. Samantala, kasalukuyang napapanood si Mikee sa afternoon teleserye na Apoy Sa Langit, habang si Paul naman ay kabilang sa upcoming fantasy-action series na Lolong.

Napa-amin ang aktor na si Paul Salas na officially dating na sila ng Apoy Sa Langit actress na si Mikee Quintos.

Naganap ang pag-amin na ito ng Kapuso hunk sa recent episode ng Mars Pa More kung saan s’ya natanong ng hosts na sina Iya Villania and Camille Prats kung may “something” ba sila ni Mikee.

Matatandaan kasing na-link ang dalawa nitong mga nakalipas na buwan dahil sa beach photos na ipinost nila sa kani-kanilang Instagram account. 

Noong December last year pa kinunan at naipost ang mga beach photos pero hindi iyon nakaligtas sa mga mapanuring mata ng mga Marites. 

December 19 nang mag-post si Paul habang December 20 naman nag-upload si Mikee. Kahit kapwa solo sila sa kanilang mga photos ay tila parehong pareho ang kanilang beach location. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mikee Quintos (@mikee)

At nang matanong nga sa morning show kung “may “something” ba sa kanila ng aktres, proud na sumagot si Paul ng: “Meron. Hahaha!”

Paliwanag n’ya, he and Mikee are taking it slow. 

Ano kami… ’Di kami nagmamadali pero dating kami. Dito ko lang sinabi ’yan sa Mars [Pa More],” nakangiting lahad ni Paul. 

Matatandaang nakasama ni Paul si Mikee sa fantasy romance series na The Lost Recipe kung saan ang aktres ang kanyang best friend at love interest. However, si Kelvin Miranda ang talagang ka-loveteam doon.

Kasalukuyang napapanood si Mikee sa afternoon teleserye na Apoy Sa Langit, habang si Paul naman ay kabilang sa upcoming fantasy-action series na Lolong.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Dave Bornea, pressured na tapatan o higitan ang success ng mga past team-ups ng ka-loveteam niya ngayong si Mikee Quintos kina Kelvin Miranda at Sef Cadayona

Dingdong Dantes at Marian Rivera, sina Paul Salas at Jillian Ward ang respective choices na gaganap sa kanila sakaling gawing pelikula ang love story nila

Kelvin Miranda recalls time when he could not attend JS Prom because “Wala po akong pambili ng susuotin ko. Wala akong pang-arkila.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.