Patricia Javier, ayaw nang payagan ng anak na magpa-sexy

Kahit napanatili ni Patricia Javier ang kanyang ganda at sexy figure sa kabila ng kanyang edad at pagiging mommy, tutol na raw ang anak n’yang si Robert na magpa-sexy pa s’ya sa mga pelikula.

PHOTOS: Anna Pingol

Kahit napanatili ni Patricia Javier ang kanyang ganda at sexy figure sa kabila ng kanyang edad at pagiging mommy, tutol na raw ang anak n’yang si Robert na magpa-sexy pa s’ya sa mga pelikula.

Off-limits na raw ang actress-beauty queen na si Patricia Javier sa pagpapa-sexy dahil hindi umano ito aprubado sa panganay na anak n’ya. 

Iyan ang nai-tsika n’ya sa amin kamakailan during the victory party ng panganay n’yang si Robert Douglas Walcher IV nang makauwi ito mula Bangkok, Thailand kung saan itinanghal itong Mister Teen International.

Natanong kasi namin, ngayong papasukin na rin ng anak n’ya ang showbiz, ay kung may idea ba ito sa pagpapa-sexy na ginawa n’ya noon sa mga movies.

Kuwento ni Patricia, noon pa man ay naging open na daw s’ya sa elder son nila ng American chiropractor husband n’yang si Doc. Rob Walcher

Bata pa lang si Robert, ipinaliwanag ko na talaga sa kanya na, ‘Oh, I’m a sexy [star], ah. That’s part of my work.’ Ganu’n,” lahad ng aktres.

Wala naman daw itong issue sa binatilyo nilang anak. 

Pero sabi naman ng anak ko, ‘That’s you’re past, Mom. Ginawa mo ’yan noon pa.” They’re very ano naman, they’re proud of me,” saad pa n’ya na isinali ang mas nakababatang anak na si Ryan.

Iyon nga lang, hindi na daw ito payag ang panganay niya na magpa-sexy pa s’ya ngayon. Ito ay kahit na papasa pa rin s’ya sa panlasa ng viewers dahil napanatili n’ya ang kanyang ganda at sexy figure. In fact, ilang mga kasabayan o ka-edaran niya ang aktibo pa rin sa pagpapa-seksi partikular sa Vivamax.

“‘Pero ngayon, Mom, this time, sana iba naman ’yong roles mo. Mommy ka na.’ Ganu’n,” pagbabahagi n’ya sa naging hiling umano ni Robert.

Sa kabila nito, patuloy daw n’yang naa-appreciate kapag napupuri s’ya sa way ng pagmi-maintain n’ya at pag-aalaga sa kanyang sarili. 

“Flattered po ako sa comment n’yo sa akin. Pero siguro sa ngayon, as a mom din, s’yempre, hindi natin [dapat] pabayaan ang sarili natin kahit mommy tayo. Kailangan we still look good kasi pina-follow tayo ng mga kids natin,” pagtatapos ni Patricia.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Patricia Javier documents son Robert Walcher IV’s Mr. Teen International journey in Thailand

Pika's Pick: Patricia Javier and husband Dr. Rob Walcher build their dream home

Pika's Pick: Patricia Javier and family had a Vikings-themed photo shoot to celebrate the Walcher couple’s 15th wedding anniversary

The Butcher | Happy for Patricia Javier’s success

EXCLUSIVE: Patricia Javier at Doc Rob Walcher, jackpot sa isa’t isa

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.