Parents ni Denise Esteban, bababa mula Baguio para panoorin ang screening ng launching movie niyang Kara Krus; aktres, kabado

Bagama’t kabado dahil manonood ang mga magulang niya sa special screening ng kanyang launching movie na Kara Krus, there’s a part of Denise Esteban na kampante rin naman dahil maipagmamalaki naman daw niya sa mga ito ang ipinakita niyang galing sa pagda-drama at sa pag-portray ng dual character.  Married woman kasi na may split personality disorder ang karakter kaya naman hindi lang paghuhubad ng aktres ang dapat abangan sa pelikula kundi ang kanyang improved acting skills na rin.

PHOTOS: Vivamax

Bagama’t kabado dahil manonood ang mga magulang niya sa special screening ng kanyang launching movie na Kara Krus, there’s a part of Denise Esteban na kampante rin naman dahil maipagmamalaki naman daw niya sa mga ito ang ipinakita niyang galing sa pagda-drama at sa pag-portray ng dual character. Married woman kasi na may split personality disorder ang karakter kaya naman hindi lang paghuhubad ng aktres ang dapat abangan sa pelikula kundi ang kanyang improved acting skills na rin.

Isang malaking “good luck” ang wish ng sexy actress na si Denise Esteban sa kanyang sarili ngayong manonood daw ang mga magulang n’ya sa screening ng kanyang upcoming movie na Kara Krus na magaganap ngayong gabi sa Quezon City.

Inilahad n’ya iyan sa exclusive virtual interview n’ya with pikapika.ph kahapon, October 26, kung saan natanong namin s'ya kung nasanay na ba s’ya sa pagdi-disrobe sa pelikula mula nang mag-desisyn syang magpa-sexy sa mga daring films ng Vivamax.

Ilang beses na rin kasi s’yang nagpaka-daring sa mga pelikulang gaya ng Kinsenas, Katapusan; Doblado, and Expensive Candy; at sa comedy series na High (School) on Sex.

Ayon sa aktres, nakakaramadam pa rin daw s’ya ng nerbiyos at pagka-asiwa sa tuwing magpapakita s’ya ng skin sa mga sexy scenes niya sa pelikula. 

Hindi pa rin nakakasanayan. Nandu’n pa rin ’yong kaba everytime na maghuhubad sa scene. Hanggang ngayon nagki-cringe pa rin akong panoorin ang love scenes [ko],” natatawang pag-amin ni Denise sa amin. 

Hindi nga daw n’ya kayang panoorin ang kanyang sarili lalo na kung sa big screen ito ipinapalabas during press screenings. 

Dito na rin n’ya nasabi na bababa mula Baguio City ang mga magulang n’ya para panoorin ang kanyang pelikula. Ito kasi ang unang beses na bibida siya kaya gusto ng mga ito na magpakita ng suporta sa kanya. 

“Actually, manonood nga po ’yong parents ko, e,” tsika ng aktres. 

However, kinakabahan daw s’ya dahil marami s’yang sexy scenes sa nasabing movie.

Kakausapin ko po muna sila bago pumunta doon. Hahaha!” natatawang sabi pa n’ya. 

“Ready naman po [na ipapanood sa kanila]. Siguro, sa tatay ko lang hindi,” natatawang dagdag pa rin ni Denise. “Kasi since nu’ng nag-start ako, ang nanonood lang talaga ’yong Mama ko. ’Yong Papa ko daw hindi nanonood. Ayaw daw panoorin… Haha! Kaya good luck.”

Gayunpaman na may kaba, there’s a part of her na kampante din naman dahil maipagmamalaki naman daw niya sa mga ito ang ipinakita niyang galing sa pagda-drama at sa pag-portray ng dual character sa launching movie niyang Kara Krus.

Married woman kasi na may split personality disorder ang karakter kaya naman hindi lang paghuhubad ng aktres ang dapat abangan sa pelikula kundi ang kanyang improved acting skills na rin.

Ibinigay ko naman po ’yong lahat ko dito kaya sana makita nila ’yon,” aniya pa.

As mentioned, ngayong gabi na magaganap ang nasabing special screening ng Kara Krus sa isang sinehan sa Quezon City. Kaya’t malamang, as of press time, ay matinding magkahalong excitement at kaba na ang naramdaman ni Denise.

Kasama ni Denise sa movie sina Felix Roco, Adrian Alandy, Joko Diaz, Andrew Muhlach, Phoemela Baranda, at marami pang iba. 

Mapapanood ang Kara Krus starting this November 4 exclusively sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.