Para kay Rayver Cruz, “perfect” si Julie Anne San Jose; “S’ya ’yong wife material na hinahanap ng kalalakihan. Kaya napakaswerte ko na ako ‘yong minahal niya.”

Ayaw aminin ni Rayver Cruz kung gaano na ba talaga sila katagal ni Julie Anne San Jose bilang magkarelasyon. Ito ay para magkaroon naman daw ng konting mystery kung anong meron sa kanila ng singer-actress.

PHOTOS: @rayvercruz on Instagram

Ayaw aminin ni Rayver Cruz kung gaano na ba talaga sila katagal ni Julie Anne San Jose bilang magkarelasyon. Ito ay para magkaroon naman daw ng konting mystery kung anong meron sa kanila ng singer-actress.

Pakiramdam ng actor-dancer and TV host na si Rayver Cruz ay swerte s’ya sa pagkakaroon ng karelasyon in the form of Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.

Iyan ang ipinahayag n’ya nang maka-tsikahan s’ya ng entertainment press nitong January 9 right after ng media conference proper nila for his upcoming primetime series with Jasmine Curtis-Smith na Asawa ng Asawa Ko.

Very vocal kasi ang Kapuso actor sa pagsabing sure na s’ya na si Julie Anne na ang babae para sa kanya kung kaya’t natanong namin s’ya kung ano-ano ba ang mga katangian ng aktres kung kaya ito napamahal nang husto sa kanya.

Kaya naman inisa-isa ni Rayver sa amin ang mga magagandang qualities ng singer-actress and All-Out Sundays performer.

Sobrang lovable n’ya na tao, napakabait, napakalambing, napaka-genuine, napakabuti ng puso, mabuting anak, mabuting kapatid. For me, she’s perfect,” pagbibida ng binata sa kanyang kasintahan.

Ayon pa sa kanya, ang mga gaya ni Julie Anne ang babaeng pinapangarap ng mga lalaki para mapangasawa.

“S’ya ’yong wife material na hinahanap ng kalalakihan. Napaka-swerte ko na kay Julie ’yon. And napaka-swerte ko rin na ako ’yong minahal n’ya,” nakangiting lahad pa n’ya.

Going strong din umano ang relasyon nila at hindi sila affected sa magkakasunod na balitang hiwalayan ng mga celebrity couples bago matapos ang 2023.

Hindi naman po [kami naapektuhan]. Happy po kami. Hindi naman kami nangangamba sa mga..alam mo naman, mga ganu’n,” sabi ng Kapuso leading man.

Hindi rin daw kasi nila ini-entertain balitang gaya nito sa kanilang relasyon. 

Saka hindi dapat iniisip ’yong mga negative thoughts especially pag nasa isang relationship. Everything happens for a reason naman and si Lord naman…If you put God at the center of your relationship magiging matibay kayo,” saad n’ya.

Samantala, ayaw pang aminin ni Rayver kung gaano na ba talaga sila katagal na magkarelasyon ni Julie Anne.

Siguro sa akin na lang ’yong specific answer para medyo may konting mystery sa amin ni Juls. Pero [we’re] getting there. Tumatagal na din,” nakangiting katwiran n’ya.

Nang matanong naman s’ya kung ready na ba s’ya na maging isang daddy ay oo ang naging sagot binata. Mahilig daw kasi talaga s’ya bata.

Oo naman. Ilang years na lang din… Hindi ko naman gustong maging hindi maging tatay dahil tuwang tuwa ako sa mga pamangkin ko,” he said.

“Eventually, how many years from now, gusto ko rin magkaroon ng sarili kong pamilya,” dagdag pa n’ya.

At nang matanong na kung gaano karaming anak ang gusto n’ya, hindi na muna sumagot specifically si Rayver.

Kung anong iuukol ni Lord. At saka kung gaano karami ’yong savings,” natatawang pagtatapos ng aktor.

Mapapanood si Rayver katambal si Jasmine sa teleseryeng Asawa ng Asawa Ko.

Kasama nila rito sina Liezel Lopez, Martin del Rosario, Gina Alajar, Joem Bascon, Luis Hontiveros, Bruce Roeland, Quinn Carillo, and more.

Mapapanood ang Asawa ng Asawa Ko simula January 15 sa rebranded na GMA Prime.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, at Boobay, nakauwi na sa bansa matapos muntik maipit sa kaguluhan sa Israel

Rayver Cruz, niregaluhan ang kanyang "my love" na si Julie Anne San Jose ng isang collectible electric guitar worth almost $5,000!

Julie Anne San Jose and her family throw a surprise birthday party for Rayver Cruz

Attention Rayver Cruz: Para kay Julie Anne San Jose, non-negotiable ang cheating

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.