Para kay Kathryn Bernardo, "pinakamaganda sa buong mundo si Marian Rivera"

PHOTOS: @bernardokath (L) & @marianrivera (R) on IG

PHOTOS: @bernardokath (L) & @marianrivera (R) on IG

Ang Kapamilya artist na si Kathryn Bernardo ay nagkaroon ng surprise appearance sa rival network na GMA-7 para sa morning TV show na Unang Hirit kaninang umaga. 

Nakasama niya ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa morning show para i-promote ang kanilang upcoming movie na inaabangan ng lahat ang Hello, Love, Goodbye na ipapalabas sa silver screen this coming July 31. 

During the guest interview, masayang ibinahagi ng dalawa ang kanilang experience sa set at ang one month shooting nila sa Hong Kong for the said movie. 

Nabanggit din ng 23-year-old actress na ang first impression niya kay Alden ay “very mature” at ang quality na gusto naman niya sa co-actor aside from his cute dimples ay ang pagiging genuine nito as a person. 

If Kath will be given a chance to work again with any GMA artists, ang sagot nito ay ang GMA’s primetime Queen na si Marian Rivera. Matatandaang nagkaroon din ng short stint ito sa GMA-7 bago ito naging full-blown ABS-CBN artist. 

“Ms. Marian Rivera... siya lang ’yong artista na nasa-starstruck ako.” sagot nito habang nakangiti.

Hindi kami nagkasama pero nagkikita kami sometimes sa events. Nagpunta siya noong debut ko, sobrang saya ko n’on.” 

Pero for me, siya ’yong pinakamaganda sa buong mundo...si Marian Rivera,” pagpapaka-fangirl ni Kathryn. 

Naging magkatrabaho na din ang dalawang aktres noong 2010 nang ipalabas ng GMA network ang Filipino adaptation ng Koreanovela na Endless Love. Ginampanan ni Kathryn ang batang version ni Marian sa nasabing television drama series.

YOU MAY ALSO LIKE:

LOOK: Kath and Ria got matching ear piercings!

Direk Cathy Molina, nagkamali kay Alden

Kathryn Bernardo weaned Daniel Padilla off during Hong Kong filming

Watch: Laugh trip kung paano binisto ni Kakai ang pagka-trauma ni Maymay sa unang pasok nito sa sauna

Maymay gets teary-eyed after remembering OFW mom at Hello, Love, Goodbye mediacon

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.