Para kay Janno, Dennis, at Andrew E., friendship ang kanilang chemistry

“Kasi para sa akin ang chemistry, hindi nagagawa overnight...’tong chemistry namin, e, taon nang pagsasama at kita ’yon sa pelikula.”—Janno Gibbs on his on- and off-screen chemistry with Dennis Padilla and Andrew E.

PHOTO: @vivaartistsagency

“Kasi para sa akin ang chemistry, hindi nagagawa overnight...’tong chemistry namin, e, taon nang pagsasama at kita ’yon sa pelikula.”—Janno Gibbs on his on- and off-screen chemistry with Dennis Padilla and Andrew E.

Namayagpag sa takilya noong 1990s ang comedy trio nina Janno Gibbs, Dennis Padilla, at Andrew E. Halos Halinhinan sa pagpapalabas ng mga solo, tandem at mga pelikulang magkakasama sila—Andrew Ford Medina: Wag Kang Gamol (1991), Mahirap Maging Pogi (1992), Mandurugas (1992), Ang Boyfriend Kong Gamol (1993), Pusoy Dos (1994), at Si Mokong, si Astig, at si Gamol (1997) to name a few.

 

Pero kahit na nag-iba na ang ihip ng hangin, napanatili raw nilang tatlo ang kanilang friendship. At mas lalo pa raw ngayon na may tulong na ng Internet.

 

May magic word kami, alam mo kung ano? Messenger,” tsika sa amin ni Andrew E. na ang tinutukoy ay ang instant messaging app ng Fabebook kung saan p’wedeng gumawa ng group chat.

 

“Dati wala e...ngayon me Messenger, ‘Pare, kumusta ka?,’ ‘Oi, kumusta?’ ’Yon ’yong bridging effect no’n.”

 

Dagdag naman ni Janno: “Alam mo, kahit wala kaming movie, even before this movie, hindi nawala ’yong communication naming tatlo. Nagtatawagan kami lagi kahit hindi kami magkakasama...for anything...personal reasons...birthday...

 

“Eto [Dennis Padilla], nagpupunta pa sa bahay namin, nagba-badminton kami.”

 

Ang tinutukoy ni Janno’ng pelikula ay ang comeback movie nila sa Viva Films, ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na nag-media conference kamakailan.

 

Patuloy ni Janno: “Pag meron akong kahit about business, pag meron akong tanong kay Maestro [Andrew] ako nagtatanong...‘Pare, okay ba itong gagawin ko? Tama ba ’tong gagawin kong kanta? Ano ba maa-advise mo?’

 

“Gano’n ka-tight ’yong friendship namin, which I think is evident in the movie. Kita. Kasi para sa akin ang chemistry, hindi nagagawa overnight...’tong chemistry namin, e, taon nang pagsasama at kita ’yon sa pelikula.”

 

Kasi para ‘yong friendship ng tatluhan...like Tito, Vic, and Joey [of Eat Bulaga!], ’yong friendship nila lumagpas pa doon sa camera,” pag-aanalisa naman ni Dennis. “Kasi kahit ’yong mga anak nila, asawa nila, magkaka-ibigan din di ba? At nakikita ’yon sa camera. Halata agad. Hindi p’wedeng magbabarkada lang kayo kunyari...hindi magre-register sa movie.”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janno Gibbs, Andrew E., and Dennis Padilla recall happy memories with Eddie Garcia


Janno Gibbs open to starring in another Pedro Penduko film


Andrew E. admits he lost his magic; but not his talent

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.