Huling dalawang linggo na lamang ng teleseryeng Mars Ravelo’s Darna at para sa bida nitong si Jane de Leon, na dumaan sa matinding bashing noong mga panahong inanunsyo palang na siya ang gaganap sa iconic role na Darna/Narda, itinuring niyang bahagi ng journey niya bilang artista ang mga masasakit na naranasan.
These days, tanging pasasalamat lang daw ang laman ng kanyang puso lalo pa't naging mga Darna converts naman daw ang ibang bashers niya.
"Noong before Darna ko po kasi, s'yempre, 'Bakit siya?' 'Hindi siya deserving,'" pagbabalik-tanaw niya. "But I’m really thankful na simula na mag-air ang Darna, 'yung mga bashers ko, naging fans ko na rin.
“And ang daming sumuporta. That’s why sobrang nagpapasalamat po talaga ‘ko sa tiwalang ibinigay nila. Kahit naman po tayo, I mean, if we don’t know the person, tapos may paborito tayong character sa mga movies, tapos may bagong papalit, I think, magda-doubt tayo and magda-judge tayo. But I think, it’s not for us to judge someone and sana, maging lesson 'yun sa ating lahat.”
Sa ginanap na mediacon ng Darna sa 14th Floor ng ELJ Building kamakailan, nahingan din ng reaksyon si Jane sa pagsusuot ng Darna costume ni Celeste Cortesi sa Miss Universe pageant.
“Sobrang kinikilig talaga 'ko for Celeste and I’m really happy. Kasi, especially 'yung hair niya, hindi siya helmet and super bagay talaga sa kanya.”
Pero gaya niya noon, dumanas din ng pangungutya si Celeste nang isuot nito ang iconic costume. Maraming matatabil na dilang nag-post at nag-comment sa social media na hindi umano ito pumasok sa Top 16 dahil sa Darna costume. In short, minalas umano ito dahil dito.
“I think, it’s not about the Darna, it’s not about the costume. I think, it’s not the right time for her for now. Pero, I believe kay Celeste na meron pa siyang ipapakita sa ating lahat," pagdedepensa ni Jane kay Celeste. “Hindi lang ngayon, but soon, I really believe.”
Samantala, dahil nasa huling dalawang linggo na lang ang Darna, nakatakda na raw mapapanood ang mas matintinding giyera o sagupaan. Siya mismo ay nae-excite na umanong mapanood na ang mga nasabing eksena.
“Excited ako sa lahat ng mapapanood n'yo kasi, sobrang nakaka-excite talaga ang lahat ng eksenang mapapanood n'yo. Actually, ako rin, isa rin ako sa taong nag-aabang for that finale.
“And, nakakalungkot, patapos na siya. Kailan ba ulit ang susunod na Darna?”
Apat na taon ang naging journey ni Jane sa Darna. At kung sakali raw na ipauulit sa kanya ang role ay walang gatol na gagawin pa rin niya.
“Kasi po, malaki po talaga siyang parte sa buhay ko, ang Darna. Hindi na po talaga siya mawawala sa akin hanggang sa pagtanda ko at sa mga susunod na henerasyon.
“I’m open, sana po, movie,” nakangiting lahad niya.
Masaya rin daw si Jane sa chemistry na nabuo nilang dalawa ni Joshua Garcia sa Darna; maging sila ni Janella Salvador.
"Kami naman po ni Joshua, before Darna pa lang, nag-uusap naman kami. Casual. Hindi rin namin in-expect na magkaka-trabaho kami. But we’re super good friends naman din po kami.
"Sobrang mahirap magkaroon ng partner sa screen, ‘di ba? ‘Yung pinaka-challenge rito is 'yung chemistry n'yo together. Kung paano niyo gagawin. But, I’m really happy with Janella and kay Joshua, nagagawa namin.”
At this point, magkahalong lungkot at excitement ang nararadaman ni Jane sa pagtatapos ng Darna. Haharap na kasi siya sa new chapter ng career niya at nae-excite daw siya sa mga possibilities.
“I’m really excited kasi, parang it’s a new chapter for me. It’s been like four years siguro na nandito ako sa role na ‘to and I’m really looking forward and excited kung ano ba ang next na ipo-portray kong character.”
Si Paulo Avelino ang paulit-ulit na binabanggit ni Jane na gusto niyang makapareha in the future.
“Of course, Paulo… naku, makikita na naman niya ito [interview], nahiya ako. Pero, aware naman siya do’n,” natatawang sabi ni Jane.
“Saka sana Kuya Lloydie [John Lloyd Cruz], Papa P [Piolo Pascual], Kuya Jericho Rosales because naka-work ko siya before sa Halik.’ Sana maka-work ko again si Kuya Echo.”
YOU MAY ALSO LIKE:
Jane de Leon, patagong nag-o-overnight sa dressing room ng ABS-CBN para makatipid sa pamasahe noon
Jane de Leon recalls being emotional nang isukat sa kanya ang iconic costume ni Darna
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber