Para kay Herlene Budol, tapos na ang issue nila ni Miss Manila Alexandra Abdon ukol sa pang-mamata nito sa kanya noon; however she insists na hindi iyon scripted

Wala raw balak si Herlene Budol na mag-pageant noon pero mas na-challenge dahil sa dinanas na pangma-mata.  She ended up winning the First-Runner Up slot. "So, siguro para lang din po ma-realize ng ibang tao na kung sino ’yung ibinababa, itinataas ng Panginoon," aniya.

PHOTOS: @herlene_budol & @alexandra.abdon on Instagram

Wala raw balak si Herlene Budol na mag-pageant noon pero mas na-challenge dahil sa dinanas na pangma-mata. She ended up winning the First-Runner Up slot. "So, siguro para lang din po ma-realize ng ibang tao na kung sino ’yung ibinababa, itinataas ng Panginoon," aniya.

Matagal na raw tinuldukan ng comedian-actress and beauty queen na si Herlene Budol ang isyu sa kanila ni Miss Manila 2020 Alexandra Abdon. 

Sinabi niya ito sa vlog ni ABS-CBN reporter Karen Davila last August 13. Ayon kay Herlene, wala siyang galit kay Alexandra dahil nagkaayos na daw sila noon pa.  

Nang sumali kasi sa Binibining Pilipinas si Herlene ay muling nabuhay ang naging isyu sa pagitan nila Alexandra that happened way back in December 2020 sa dating programa ni Willie Revillame na Wowowin

Nag-ugat ito sa isang event kung saan nagparinig umano si Alexandra kay Herlene sa pagiging "squammy" at "iskwater" ng huli.

At nauwi ito sa asaran nila on national television when Willie Revillame pitted his co-host Herlene sa guest nilang si Alexandra na noong mga panahong iyon ay kandidata na sa Miss Universe Philippines.

Tungkol sa definition ng kagandahan ang topic nila noon na nauwi sa “pangma-maliit” ni Alexandra kay Herlene na noo’y nangangarap palang na sumali sa pageant.

Ani Herlene that time, ang tunay na kagandahan ay kagandahan ng kalooban.

Hirit naman ni Alexandra, hindi umano papasa si Herlene bilang pageant contestant. Nadamay pa sa tsika ang nanay ng tinaguriang "Hipon Girl."

"Kahit magpa-pageant ang nanay ni Hipon sa bahay nila hindi s’ya qualified," banat noon ni Miss Manila sa komedyana. 

"Hindi ka qualified, Hipon. Kahit magpa-pageant ang nanay mo hindi ka makakapasok. Actually, hindi naman ’yong nanay n’ya, ’yong standards lang, qualifications medyo tagilid tayo doon."

Pinagbati rin naman sila ni Willie sa show. 

Na-call out ng netizens si Alexandra sa pangma-maliit nito kay Herlene. 

Pero depensa n'ya that time, scripted daw ang naganap na pagtatalo nila sa Wowowin. Bagay na itinaanggi ni Herlene.

At nito ngang madaling araw ng August 1, nanalo bilang first runner-up sa Bb. Pilipinas si Herlene kaya naman muling naungkat sa social media ang isyu ng "pangmamata" sa kanya ni Alexandra.

Kaya naman nang ungkatin din ito ni Karen Davila sa kanilang interbyuhan ay sinabi ni Herlene na wala siyang galit kay Alexandra dahil nagkaayos na daw sila noon pa.  

"Wala naman po akong sama ng loob sa kanya kasi dati nagkaayos na po kami. Two years ago na po ’yung isyu na iyon, parang binabalik-balikan pa po nila," sagot ni Herlene kay Karen. 

However, kinontra pa rin niya ang naging depensa ni Alexandra noon na scripted ang naging palitan nila ng salita sa Wowowin

"Sinabi niya po na scripted, pero sa part ko po kasi, hindi ako nasabihan na scripted, e. So, baka sana trinopa na lang niya ako, baka mas naging magandang tandem pa kami," saad pa niya. 

Pag-amin din ng komedyana, nasaktan daw talaga siya sa naging pangmamaliit sa kanya na iyon. 

"Nasaktan po ako, s'yempre buong pagkatao ko 'yon… Pati nanay ko dinamay niya pa, e," pagtatapat niya.

Paniwala pa ni Herlene, kalooban ng D'yos ang nangyari at napunta siya sa kinalalagyan niya ngayon. 

"Siguro Diyos na rin yung nagplano ng buhay ko kaya siguro dinala ako dito," paliwanag niya. 

"Kasi nung time naman po na iyon, wala naman akong balak [lumaban sa Bb. Pilipinas], e.

"So, siguro para lang din po ma-realize ng ibang tao na kung sino ’yung ibinababa, itinataas ng Panginoon," pagtatapos ni Herlene.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Herlene “Hipon Girl” Budol, devastated sa pagpanaw ng kanyang lola

Pika's Pick: Beauty-queen aspirant Herlene Budol thanks Queen Pia Wurtzbach for the motivation

Herlene Budol, target maging first ever Pinay Miss Grand International; kinilig nang ma-meet si MGI president Nawat Itsaragrisil

Kylie Verzosa, mataas ang kumpiyansa kay Herlene Budol

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.