Para kay Direk Mark Reyes, hindi mahirap ka-trabaho si Xian Lim

Direktang pinabulaanan ni Direk Mark Reyes ang nag-circulate na tsikang mahirap umanong katrabaho and actor-director na si Xian Lim. 	Kung meron mang masasabi si Direk Mark kay Xian, iyon ang perfect daw for the role ang aktor. 	"The minute they [GMA] mentioned Xian, I said 'Oh, is he available? Definitely.'

Direktang pinabulaanan ni Direk Mark Reyes ang nag-circulate na tsikang mahirap umanong katrabaho and actor-director na si Xian Lim. Kung meron mang masasabi si Direk Mark kay Xian, iyon ang perfect daw for the role ang aktor. "The minute they [GMA] mentioned Xian, I said 'Oh, is he available? Definitely.'

Direktang pinabulaanan ni Direk Mark Reyes ang nag-circulate na tsikang mahirap umanong katrabaho and actor-director na si Xian Lim.

 

Kamakailan kasi ay may isang writer ng mga GMA dramas ang nag-comment sa Facebook post ng Esquire Magazine Philippines, kung saan naging cover boy ang aktor for the month of May. Doon ay nagpahaging ang writer na mahirap nga raw katrabaho ang aktor bagama't hindi naman siya nag-detalye kung bakit. Na-pick up ito ng ilang entertainment sites kaya naging showbiz issue.

 

Dahil dito, kinapanayam namin si Direk Mark Reyes, ang director ni Xian sa sexy-thriller collab ng GMA Pictures at Viva Films, ang Playtime, where Xian is playing as a sexual predator with twisted actuations sa kanyang mga nabibiktima.

 

After the Playtime presscon proper, direkta na namin siyang natanong ukol sa umano'y di-kagandahang working attitude ni Xian. Namroblema ba sila sa set dahil sa aktor? Meron ba itong mga unjustifiable demands?

 

"Wala, wala...some changes lang in the schedule but you'll understand him, 'Direk, can we move this kasi meron akong mediacon for Love. Die. Repeat...' Theres' a reason why they had to move schedule. But other than that, wala, wala akong nakitang anuman."

 

Nakikialam ba siya sa directing, nagpapa-palit ng dialogues?

 

"No, no. Kung meron man, 'Direk, can I say this kasi I feel comfortable?' Sa natural flow lang. Very collaborative. 'Yong sinasabi ni Sanya [Lopez] sa press con kanina, na hindi niya mak'wento kasi spoiler...punchline 'yon na si Xian nag-isip. E, no'ng nilagay 'yon, tawang-tawa kami. Ang ganda. It's in the context of the scene."

 

Kung meron mang masasabi si Direk Mark kay Xian, iyon ang perfect daw for the role ang aktor despite the fact na hindi ito ang unang nasa isip niya noong dine-develop palang niyang ang Playtime during the pandemic.

 

"The minute they [GMA] mentioned Xian, I said 'Oh, is he available? Definitely.'

 

"He has the stature to play Lucas," patuloy niya. "He has to be empowering, e. And he had to had the looks 'cause he's a sexual predator, e. Kaya nga 'yong 'hero, charmer, lover [tagline namin], bagay sa kanya.  'Ang dami niyang personality kaya nga niya nabola itong ang mga babaeng ito, e. It was perfect...it was perfect casting.

 

"And we're just glad that he saw the merit in the project because it was really a tight schedule [to shoot]. Because we had our own projects, Sanya had Pulang Araw, I was starting Sang'gre and Xian had his own film projects. So, talagang military operation 'yong schedule namin."

 

Playtime, which also stars Faye Lorenzo, Sanya Lopez, and Coleen Garcia, screens in cinemas beginning June 12.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.