Para kay Boss Vic ng VIVA: “Good materials can build new superstars but big stars cannot guarantee a success with a lousy material.”

“Umuunlad ang local movie production. Ang kailangan lang natin magandang material. Kaya kami sa Viva ang focus namin ’yong k’wento ang priority, then of course good directors and then the rest would follow... the stars.”—Boss Vic

Photos: Melo Balingit

“Umuunlad ang local movie production. Ang kailangan lang natin magandang material. Kaya kami sa Viva ang focus namin ’yong k’wento ang priority, then of course good directors and then the rest would follow... the stars.”—Boss Vic

Sa ginanap na VIVA Vision 2020 event kamakailan kung saan inilatag ng entertainment giant ang mga film projects na nakatakda nilang gawin sa buong taon, ay nagmistulang Business 101 ang ilang bahagi ng Question and Answer between the entertainment press and the VIVA bosses.

Isa kasi sa mga naitanong kay VIVA Chairman Vic del Rosario, Jr., ay kung wala raw bang kakayahan ang mga producers na gaya niya na mag-lobby sa gubyerno para babaan ang singil sa mga sinehan. 

“I think ’yong question ng admission [price] hindi naman sa gubyerno, e. I think it’s between basically sinehan ang nagdi-dicate at saka producers kung magkano ang admission price,” lahad ng VIVA boss na kilala sa showbiz as Boss Vic. 

Pero ultimately, gubyerno pa nga rin ang may say dito.

“Ang problema kasi mataas pa rin ’yong ating amusement tax,” patuloy ni Boss Vic na may halong hinaing. “Like sa ibang bansa wala naman entertainment tax. Dito sa atin meron. Ang masama niyan nahinto pa ’yong Cinema Evaluation Board na rebate na ’yon nga gusto namin ipaglaban dahil tingin namin kailangan ng local production ang incentives pag dating sa taxes na ngayon ay nawala naman.”

Para mas maliwanag, Boss Vic illustrated how a movie’s total gross is divided.

“You have to remember na for every peso na pumapasok kinakaltasan muna ng amusement tax ’yon bago namin hatiin, e. So, sa huli 40% ’yong napupunta sa producer. 

“So, if you talk of 500million, ang take home ng production no’n 200 lang. ’Yong 200 napunta sa sine, ’yong 100—pag festival ha, ’yon ang nado-donate sa Mowelfund... may beneficiary tayo. Pero kung normal showing napupunta yan sa local government.”

Ganunpaman at kahit pa sabihin hit-and-miss ang pagpo-produce ng pelikula, VIVA remains committed both sa business at sa art side ng filmmaking. Hindi pa rin daw siya naniniwalang the local film industry is dying. Kaya nga for 2020, 34 ang estimated target ang kanilang ipapalabas theatrically at sa iba pang platforms.

“Sa ngayon mga 2 to 3 [movies] a month talaga,” say ni Boss Vic. 

“Kailangan mag-produce kami. Dahil hindi lang naman ang sine ang nagre-require ng madaming produkto ’yong advent ng streaming natin o OTT [over-the-top] na tinatawag, e, lalong lumakas ang demand for content lalong-lalo na sa local. So, kasama ’yon sa pag ano...[forecast].

“Umuunlad ang local movie production,” with conviction na deliver ni Boss Vic. “Ang kailangan lang natin magandang material. Kaya kami sa Viva ang focus namin ’yong k’wento ang priority, then of course good directors and then the rest would follow... the stars.

Good material can build new superstars but big stars cannot guarantee a success with a lousy material.”


YOU MAY ALSO LIKE:

Viva, uubos ng 1Billion this year; 34 movies ang gagawin!

VIVA bosses, may mga klinaro: na pitong taon na silang No. 1 sa MMFF at hindi kakulangan ng magagandang local materials ang dahilan kung bakit sila nag-a-adapt ng pelikula

Yassi Pressman, excited sa upcoming movie kasama sina Arjo Atayde at JC Santos

Anne Curtis celebrates 23 years with VIVA; speaks words of gratitude for the media company that took chance on her and promises that she will always be a VIVA star in all stages of her life

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.