Beyond MU o mutual understanding na ang relasyon ng ex-housemates ng Pinoy Big Brother Season 10 Celebrity Edition na sina KD Estrada at Alexa Ilacad na nabuo sa loob ng Bahay ni Kuya.
Paglabas nila ng PBB House noong December 26, 2021, ay sumabak na sa lock-in taping si KD at bumisita naman sa shoot niya si Alexa. Nang magkita ay hindi nila napigilang magyakap dahil sa sobrang pagka-miss nila sa isa’t isa.
Unknown to them ay nakunan sila ng video at pictures sa mga sandaling yon na agad nag-viral kamakailan. Kaya naman nagulat pa ang dalawa nang humarap sila sa virtual mediacon kamakailan para sa gaganaping Closer: The KDLex FanCon ngayong araw, Pebrero 26, nang usisain sila tungkol doon.
“Sabi ko nga, ‘Oh my God, how did they take this?’ Napapaganu'n na lang ako sa kanya (KD). Wala namang tao no'n. Hindi ko rin alam kung sino ang kumuha no'n. Ang galing.”
"Ang galing nga po, e," pag-agree naman ni KD.
‘’Yung pagkakayakap n'yo nga sa photo feel na feel namin. Pag tiningnan mo nga 'yung photo feel na feel, e," panunukso naman ng mediacon host na si Darla Sauler.
Dagdag tuksong-tanong pa ni Darla: "Sobra ninyong na-miss ang isa't isa hindi na lang [kasya ang] video call?"
"S’yempre po," natatawang pag-amin ni Alexa.
"Opo, na-miss ko talaga," sagot naman ni KD.
Natanong din ang dalawa tungkol sa matching gold rings na suot nila na kapwa nila ipinost sa kanilang respective IG stories. Bukod pa kasi ito sa white gold ring—na tinawag ng fans na promise ring—na nauna nang ibinigay ni KD kay Alexa at agad napansin ng fans na suot niya sa kanyang birthday celebration sa ASAP Natin ’To kamakailan. Inamin na rin niya sa isang Q&A sessions with her fans na si KD nga ang nagbigay noon.
The press and Darla took the chance na hingan na ng back story ang dalawa tungkol sa mga singsing na ito na tila present sa kanilang blossoming love story.
"’Yung white gold, ito 'yung bigay niya [KD], pero ito matchy lang kami," paglilinaw ni Alexa.
Urot ni Darla, ang ang story behind the “match-matchy” rings/
"Ako bumili ako," saad ng singer-actress.
"Ako rin bumili rin," say din ng singer-actor.
"Mahilig kasi kami sa alahas," dagdag-esplika ni Alexa
"Nagkataong parehas?” patuloy na urot ni Darla.
"Oo, e, sikat naman kasi 'yung Cartier na ring, 'yun ang gusto namin [pareho]," paglilinaw pa rin ni Alexa.
“Ah, talaga? Nagkataon lang o napag-usapan?" pamimiga pa rin ni Darla.
"Nagkataon lang, hindi naman [napag-usapan," sagot ng dalawa in unison.
Mas ma-elaborate ang k’wento ng white-gold promise ring. Si KD na mismo ang nagkwento na natutulog umano si Alexa sa couch—kakahintay sa kanyang matapos mag-shoot—nang isuot niya dito ang singsing na regalo umano sa kanya ng nanay niya.
"Alexa was waiting for me sa taping,” panimulang kwento ng binata. “We were filming a vlog for Squad Plus and then Lex was guesting. But after that guesting, she had nothing to do with the Squad Plus anymore. After her guesting she was just there for three minutes but she waited for me to finish all my vlogs for Squad Plus. It wasn’t short either. It took like six hours. She waited from 9 am to 9 pm. So, that’s really long.
“When everything was done, we were just sitting on the couch and she was sleeping on my shoulder—as in she was really sleeping. She couldn’t handle the antok na so I just took her hand and I took my ring and then I just put it on her finger. And then I said, ‘Oh it’s too big, but it looks nice on you.’ But when she woke up she noticed the ring."
Kahit wala sa tamang ulirat dahil sa antok, naging aware naman daw agad si Alexa na may singsing sa daliri niya. Pero agad niyang nilinaw na hindi naman daw niya inisip na promise ring iyon. Akala pa nga daw niya ay pahiram lang.
“No naman. Hindi naman ako ganun ka-advanced mag-isip,” natatawang sagot ni Alexa sa tanong kung naisip ba niyang symbolic iyon ng marriage promise.
“Of course I woke up kasi I felt him touching my finger tapos sinuot niya nga 'yung singsing. I really didn’t think much of it naman kasi he knows naman na mahilig ako sa alahas. So, naisip ko na baka sinukat lang or tinignan niya lang. I don’t know. So, I asked him and sabi ko ‘Why?’ Sabi niya, ‘Wala lang.’
"Ang labo din ng sagot,” natatawang saad niya. “Tapos sabi niya sa akin na lang daw. So, sabi ko, ’Sure ka? You can get it naman if you want it back.’ Akala ko pahiram lang. Kasi that ring is so special to him, e. He would always tell me na first ring niya 'yun—binigay ng mom niya.
“And special naman talaga 'yung Cartier na ring, grabe. So, sabi ko, ‘Sure ka ba? Sure ka na? Last chance. Akin na ‘to!’
“Binigay naman niya. Hindi pa rin ako makapaniwala. I always ask him, ‘Uy if you want it back you can get it, ha.’ I always ask him that kasi alam ko naman na special talaga ’yun so nahihiya din ako tanggapin," kuwento ng aktres.
First time ever daw sa part ni KD na magbigay ng ring sa kahit sinuman.
“First time I’ve given a ring,” diin niya. “Kasi I have somewhat of a sentimental value sa mga rings ko and my accessories because all of them have a certain meaning to me—especially the first ring, that’s the most loved ring that I have. I think giving it to Lex was like a symbol. It’s very symbolic talaga,” saad naman ni KD.
Hindi na nag-elaborate ang binata kung ano ang sinisimbulo pero mukang gets naman na nating lahat.
Pero bagama’t napaka-cozy na nila sa isa’t isa at mataas na ang inilevel up ng kanilang relasyon ay nilinaw nilang hindi pa officially sila. At mutual decision daw nila na wag munang pasukin ang mas malalim pa sa kung anuman ang meron sa kanila sa ngayon.
“Not yet. Actually kasi ...how do I say it?,” kuma-calibrate na panimulang explanation ni Alexa. “Of course, there’s something blossoming or on the way there or something like that. Like a picture, it’s developing.
‘But we really had this talk and I really told him na I don’t want him to get into anything serious or I don’t want him to get into a relationship yet because with so many things happening to us right now, it can get overwhelming as well. So, I thought that the smart and mature thing to do was to just focus on our work. It sounds so showbiz pero ’yun kasi talaga.”
Baka daw ma-diskaril pa pag hinaluan nila ng mas malalim ang mga bagay-bagay.
“Kasi honestly it can be a bit stressful naman talaga,” patuloy ni Alexa. “So, sabi ko if we add a relationship on top of that, it might be hard to handle na. So, I think it would be better to just enjoy each other’s company, enjoy whatever we have right now. Hello, we just got out of the [PBB] house. So, we don’t have to rush into things right away.”
But you’re getting there? Susog ng press.
“Sa totoo lang, p’wede na nga, e,” pagtatapat ni Alexa. “Pero for me lang kasi talaga—especially for him because he’s new to all of these and I really want him to enjoy this...what’s happening to his career, what’s happening to him...and I just want everything to go so smoothly. I just think it’s the more mature thing to do."
Sinang-ayunan naman ni KD ang lahat ng binitiwang statement ni Alexa pero may paglililinaw na pahabol siya: “But we can still date.”
Samantala, ang Closer: The KDLex FanCon, presented by ABS-CBN Events and Kumu, ay mapapanood na ngayong gabi, 8PM, via KTX and SKY Pay-Per-View.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/