Paolo Contis, ayaw pasaway sa paghalik sa anak kahit may balbas siya. “Wala kayong paki-alam, anak ko yan!”

PHOTOS: Anna Pingol & @paolocontis

PHOTOS: Anna Pingol & @paolocontis

Humaling na humaling si Paolo Contis sa six-month-old baby nila ni LJ Reyes na si Baby Summer.

Pareho lang naman daw sila ni LJ, his partner of four years, na gigil kay Summer, nagkakataon lang na mas ma-post siya sa social media ng mga ganap nilang mag-ama kaya mas mukhang gigil siya sa bata. Pero kung babad, ay mas di hamak daw na mas maraming bonding moments si LJ sa panganay nila dahil hindi pa muna ito masyadong lumalabas ulit sa TV at pelikula.

At dahil siya nga ang laging wala sa bahay kaya aminado si Paolo na adik na adik nga siya kakyutan ni Summer pag umuuwi na siya.

“Oo pag may baby talaga gano’n,” nakangiting kwento ni Paolo na naka-tsika ng entertainment press sa grand media conference ng film directorial debut ng kaibigan niyang si Michael V. na Family History, kahapon, July 2, sa Quezon City. 

“Ngayon si LJ okey naman siya, busy lang siya ngayon with her business ’yong Mapp, ’yong app niya [about moms], tapos s’yempre puro sa bahay na muna siya. Pero kahit sa bahay lang ’yong business niya, busy din ’yon, e.”

Ani Paolo, sinusulit lang niya ang bawat moment sa anak habang baby pa ito dahil paglaki raw nito ay baka hindi na pumayag magpa-kulit sa kanya. Type niyang kulit-kulitin ito habang wala pa raw laban. Sa mga pictures and video posts ni Paolo sa Instagram, kita kung gaano sila ka-bonded ni Baby Summer at kita ring kung pa’no niya ito papakin ng halik. At dahil likas na komedyante si Paolo, lagi ding tampok si Baby Summer sa mga pa-kwelang post ni Paolo. 

Hindi lahat ay pabor sa ginagawa ni Paolo, lalo na sa pag-kiss sa bata habang may stubs o balbas pa siya.

“May mga taong [nag-react noong] hinalikan ko ’yong bata noong isang araw… ‘May balbas, bawal siyang halikan.’ Wala kayong pakialam anak ko yan, e,” pabiro pero seryosong bitiw ni Paolo.

“Pag nangati yan, makakalimutan naman niya yan pagtanda diba? So, habang p’wede pa anuhin mo na at saka s’yempre magto-toothbrush ka naman, e. At saka wala ka naman gagawing ikakasama…”

Ayon kay Paolo, tinutusok pa raw niya talaga ng balbas ang anak para makulitan ito.

Suggestion namin, paa at kamay nalang ang halikan niya.

“Ay, anu ka, hindi. Anak ko siya, gagawin ko lahat ng gusto ko sa kanya. . . Hahaha! Diba kasi totoo? Ang cute diba? Tapos wala siyang ginagawa?”

Muli, sabi niya, minsan lang naman daw ganoon ang edad ng anak niya kaya susulitin na niya.

“Oo kasi s’yempre pagtanda noon hindi mo na magagawa ’yon, e diba? Hahaha… ‘Dad, don’t do that!’ Gaganunin ka no’n pagtanda-tanda…Inglisera, ‘Get out of my room, Dad.’ Hahaha!” 

Six months old na si Summer kaya p’wede na ring ipasyal-pasyal.

At kamakailan lang ay isinama nila ito sa beach excursion ng pamilya sa Siargao. Ani Paolo, napapak ng lamok ang anak niya doon.

“Oo, pinapak ng lamok!” natatawang balik-tanaw ni Paolo. “Pag uwi namin sa Manila, may event kami kasama siya. Dyina-ketan [jacket] ko kasi baka sabihin ano hindi kami okey na magulang. . . hahaha!”

Too early to tell daw kung sa tingin niya ay mag-aartista din si Summer pero kung siya ang masusunod ay ayaw daw niya.

“Wag na, wag na muna, hindi ko naman iniisip ’yon, ano lang naman ’yon, ’yong mga posting naman, e, s’yempre ini-enjoy mo ’yong moments na share it to the people pero ibang usapan…mag-aral muna siya bago ano…pag trip niya.”

One thing lang ang sure daw siya sa ngayon, tila ka-attitude daw niya ang anak.

“Sa nuances ako, e,” pahuling kwento ni Poalo. “’Yong taas-kilay na gano’n? Grabe mag-taas ng kilay pag naiirita. Hahaha!”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Paolo Contis makes fatherhood funny with Instagram memes

LJ Reyes struggles with work-family balance

LJ Reyes juggles showbiz and motherhood in glam photo

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.