Pangarap ni Kylie Verzosa na sumabak sa action movie, natupad na!

Dahil ayaw magmukhang malamya ni Kylie Verzosa, nag-request daw s’ya na itodo ang training nila sa mga fight scenes. At masaya raw s’ya sa naging resulta ng kanilang ginawa.

PHOTOS: @kylieverzosa on Instagram

Dahil ayaw magmukhang malamya ni Kylie Verzosa, nag-request daw s’ya na itodo ang training nila sa mga fight scenes. At masaya raw s’ya sa naging resulta ng kanilang ginawa.

Dream come true pala ang pagkakasali ng beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa sa action-fantasy movie na Penduko.

Noon pa man daw kasi ay pangarap na n’ya ang sumabak sa mga maaaksyong eksena pero hindi lang s’ya nabibigyan ng chance dahil nga palaging drama o kaya naman ay romcom ang offers na natatanggap n’ya.

Kaya naman kahit hectic na ang schedule n’ya ay hindi na umano s’ya nagdalawang-isip pa nang ialok sa kanya ang role na Liway sa Penduko.

Iyan ang inilahad n’ya sa naging grand media conference nila kamakailan para sa kanilang pelikula na kalahok sa paparating na Metro Manila Film Festival 2023.

“Actually, medyo last minute na ito binigay sa akin ng Viva. And even though my schedule was a bit packed, sobrang ginawan ko po ng paraan,” pagbabahagi ni Kylie sa entertainment press.

Chance na raw kasi n’ya ito para matupad ang matagal na n’yang pangarap.

“I always wanted to do action [films]. I’m a very active person,” she said.

Dahil challenging ang role n’ya, na malayo sa mga ginampanan n’ya sa kanyang mga naging projects in the past, s’ya na daw ang nag-request na magkaroon sila ng puspusang training. 

“I didn’t want to go to this movie unprepared. Alam ko medyo mabigat po ’yong training. The script, malalim ’yong Tagalog. So, ang hiningi ko po agad is I want to train more for action,” lahad ng aktres.

Siguro nag-train kami ng more than a month or two for just a few fight scenes,” dagdag pa n’ya.

Ayaw naman daw kasi n’yang magmukhang malamya sa mga maaksyong eksena nila sa pelikula.

“I didn’t want na pilit. Ayoko ng soft or girly girl pa rin. So I really wanted at hiningi ko po na mas mag-train pa kami more for the action scenes,” saad n’ya.

Worth it naman daw ang naging pagod nila dahil masaya s’ya sa kinalabasan ng collaboration nila nina Direk Jason Paul Laxamana at co-stars sa pangunguna ni Matteo Guidicelli.

“And I’m so happy. Even just looking at the trailer video, parang, ‘Wow! Nagawa ko pala ’yon?’” pagtatapos ni Kylie.

Mapapanood sina Kylie at Matteo, kasama sina John Arcilla, Albert Martinez, Candy Pangilinan, Marissa Sanchez, Andrea del Rosario, Aaron Villaflor, Mark Anthony Fernandez, at marami pang iba, sa Penduko simula December 25 in cinemas nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kylie Verzosa, kilig mahanay kina KC Concepcion, Heart Evangelista, at Bea Alonzo bilang Tanduay Girl

Matapos maispatan with Jake Ejercito, Kylie Verzosa, pinaalalahanan ng netizen: “Tama ka na sa Jake. Quota ka na.”

Kylie Verzosa, mataas ang kumpiyansa kay Herlene Budol

Kylie Verzosa, hindi pa handang magmahal muli

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.