Panganay ni JC de Vera na si Lara, ate na to Baby Girl No. 2; nagre-request na raw agad ng baby brother

Kahit matagal naging unica hija ng mag-asawang JC at Rikkah de Vera si Lana, hindi naman daw ito nagselos sa pagdating ng kanyang baby sister. Matured daw kasi si Lara at five. In fact, ito nga raw ang humiling ng kapatid. "Actually, siya 'yong nag-request na magkaroon ng kapatid kaya pinagbigyan namin siya agad-agad. Right after the pandemic. Ang nakakatawa pa raw, nang malaman ni Lara na babae ang kapatid, nang-urot naman daw ito sa kanila ng misis niya na bigyan na rin siya ng baby brother.

Photos: @akosijcdeberat

Kahit matagal naging unica hija ng mag-asawang JC at Rikkah de Vera si Lana, hindi naman daw ito nagselos sa pagdating ng kanyang baby sister. Matured daw kasi si Lara at five. In fact, ito nga raw ang humiling ng kapatid. "Actually, siya 'yong nag-request na magkaroon ng kapatid kaya pinagbigyan namin siya agad-agad. Right after the pandemic. Ang nakakatawa pa raw, nang malaman ni Lara na babae ang kapatid, nang-urot naman daw ito sa kanila ng misis niya na bigyan na rin siya ng baby brother.

Walang pagsidlan ng tuwa ang Kapamilya actor na si JC de Vera nang isilang ang kanilang ikalawang supling ng non-showbiz wife niyang si Rikkah Cruz noong nakaraang buwan.

Katunayan, sa kanyang Instagram account noon, sinabi niya na excited na siya sa mga naghihintay na oportunidad sa kanyang second child na si Laura sa pagdating nito sa mundo.

Ayon kay JC, goal daw talaga niya ang magkaroon ng masayang pamilya at malulusog na mga anak.

“Ang wish talaga namin ay makagawa ng tatlo [na anak]," pagtatapat niya. "And right now, kalalabas pa lang noong isa so, di pa namin napag-uusapan. Hopefully in two to three years, may development na kung gagawa uli kami,” natatawang dagdag niya.

However, hindi naman daw kasama sa goal niya na buntisin ang kanyang misis hanggang sa siya ay magkaroon ng junior. 

“Hindi naman. Kailangang pinag-uusapan iyan with my partner. With my wife,” lahad niya.

Naibahagi rin niya ang kanyang parenting style lalo pa’t limang taon na ang kanyang panganay na si Lara Athena.

“Well, I would say na we’re a balanced family. Sometimes ako iyong strict, sometimes ako iyong spoiler. Same goes with my wife. Minsan siya iyong talagang malakas mang-spoil and at the same time, siya iyong parang police talaga sa bahay,”  kuwento niya.

“So, it’s a very well-balanced family. Ako, as a dad, I just want the best for my kids. Ako iyong tipong tatay na magtratrabaho para sa lahat ng bagay na puwede kong maibigay sa family...not only the material things but also, alam mo iyon, iyong love na dapat nilang maramdaman simula paggising nila hanggang sa pagtulog,” dugtong niya.

Mukhang enjoy sa pagiging daddy itong si JC. Sa katunayan, naa-appreciate daw niya ang kanyang mga natututunan as a parent na mas nagpapatatag sa kanyang pagkatao. 

“S'yempre, hindi naman tayo perfect na parent. Nobody’s perfect. I try to be one at alam mo 'yon, everyday, marami akong natututunan sa sarili ko. Sa pagiging good husband at good father. So, 'yong learning ng isang parent will never stop hanggang sa umalis na sa poder iyong mga anak ko,” patuloy niya.

At ngayong ate na ang kanilang panganay, ipinagpapasalamat daw ni JC na napalaki nila na malawak ang pang-unawa ng kanilang Baby No.1.

“I’m proud to say na 'yong panganay ko is intelligent emotionally. S'yempre normal lang ang pagseselos pero it’s up to the parents kung paano mo tuturuan 'yong mga bata. Kung paano mo siya aalalayan emotionally,” ani JC.

“No'ng lumabas 'yong sister niya (referring to Lara Athena), she was very happy. Actually, siya 'yong nag-request na magkaroon ng kapatid kaya pinagbigyan namin siya agad-agad. Right after the pandemic," natatawang dagdag-kuwenyo pa ni JC. "Sabi namin, 'Yeah, gagawa kami ng kapatid mo. That’s why wala naman kaming naging problem,” pahabol niya. 

Ang nakakatawa pa raw, nang malaman ni Lara Athena na babae ang kapatid, nang-urot naman daw ito sa kanila ng misis niya na bigyan na siya ng baby brother.

“Sabi namin, 'That’s not easy.' Of course, we still have to plan. Ngayon nasa planning stage kami as to what’s gonna happen in the next three years,” lahad pa niya.

Samantala, career-wise, proud din si JC na sa kabila ng mga lipatan ng talents ay hindi siya nababakante sa mga acting projects. Aniya, trinabaho naman daw niya 'yon ang he's just reaping the rewards now.

“S'yempre, I made a spot in the industry. Alam mo 'yon, my goal is to be a versatile actor, a reliable one pag dating sa mga director at mga produksyon kaya s'yempre nabibiyayaan tayo ng mga projects kasi they know I’m a soldier and I’m  a professional at that,” esplika niya.

Sa ngayon, isa na namang challenging role ang gagampanan niya sa teleseryeng Nag-aapoy na Damdamin na co-production ng ABS-CBN at TV5.

“I tackle the role very maturedly," aniya. "Iyong decision-making na ginagawa ng character is really matured. Kasi 'yong tema ng aming palabas is pride and ego ang pinaiiral. In my case, in my character, kaya ko nasabi na very matured, tina-tackle niya 'yong revenge plot and at the same time you’re falling in love with your enemy.

"So, di pa 'yon nangyayari sa personal. So, dito, kailangan mo iyong ma-experience. So that’s the main challenge kung paano talaga itatawid iyong ganoong emosyon sa bawat eksena. Masyadong malalim. Masyadong taxing. Pero, I’m pretty sure na makaka-relate iyong mga viewers dahil at one point in their lives they have to make tough decisions,” pagtatapos niya. 

Sa revenge drama series na Nag-aapoy na Damdamin, ginagampanan ni JC ang papel ni Phillip na naipit sa tunggalian kay Lucas (Tony Labrusca) sa kagustuhan ng huling makaganti sa una. Sa kanilang away, madadamay sina Olivia/ Claire (Jane Oineza) at Melinda (Ria Atayde.) 

Kasama rin sa cast sina Joko Diaz, Kim Rodriguez, Maila Gumila, Carla Martinez, Aya Fernandez, at Nico Antonio.

Mula sa direksyon nina FM Reyes at Benedict Mique at sa ilalim ng JRB Creative Production, mapapanood na mainit na seryeng ito simula sa Hulyo 25, Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 3:50 ng hapon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z , at TV-5.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.