Palaban pa rin sa mga maiinit na eksena ang seasoned actor at nagbabalik-Viva na si Joko Diaz sa sexy-psycho-thriller movie na Kinsenas, Katapusan.
May mga daring scenes kasi sila doon ng katambal n’ya na si Ayanna Misola, ang showbiz newbie na napanood na rin sa mga pelikula ng Viva na Pornstar 2 at Siklo.
Actually, nagbigay-pakitim na siya sa Siklo at Hugas (na streaming na this Friday, January 14 sa Vivamax).
Pero first time ng aktor na magkaroon ng batang kapareha sa pelikula na a ng kuwento ay may elemento ng May-December love affair.
Kaya natanong s’ya ng entertainment press during the virtual media conference ng movie kamakailan kung ano ang ginawa n’yang paghahanda para sa kanyang ginampanang karakter at sa mga maiinit sa eksenang hinihingi ng istorya.
“Nag-usap muna kami ni Boss Vic [del Rosario], nag-usap kami ni Direk [GB Sampedro] kasi it was a good project,” lahad ni Joko. “Hindi ko s’ya p’wedeng hindian kasi hindi ko pa nagagampanan ’tong role na ito, e.
“We set some boundaries lang tapos nu’n, wala na, okey na. Nakasakay na agad ako du’n sa project. Sabi ko, ‘Ride ako d’yan. Kung okey sa inyo, okey din sa akin.’”
“Nagtitiwala ako sa direktor at sa ating Boss Vic dahil hindi naman s’ya magbibigay ng isang proyekto na alam n’yang hindi ko kakayanin,” dagdag pa niya.
Kung nagpa-sexy man daw s’ya sa ilang movies niya during his younger years, ibang atake naman daw ang ginawa ng former action star sa Kinsenas, Katapusan na dapat abangan ng mga Vivamax fans.
“Dati po nagpa-sexy na din ako sa mga pelikula ko pero hindi ganito na may mga twist na parang… Iba ’to, e. Iba ang atake ko dito sa movie na ’to. Medyo [daring], e, ang concept namin sa pelikulang ito,” paglalarawan pa n’ya.
At dahil nabanggit n’ya ang boundaries, nausisa ng press si Joko kung ano ang limitations na sinet n’ya sa pelikulang ito.
“Secret po,” natatawang tugon n‘ya.
“Wala naman tayong boundaries, e. It’s just that we have to talk about it before we shoot it. Mag-uusap muna kami ni Direk or ni Boss Vic. ‘Boss, ano kaya ang magandang atake natin dito? Hanggang dito lang tayo sa pelikulang ito,’” esplika ng aktor.
“Kasi sa totoo lang, I’m here to help the new ones and ’yon ang assignment ko, e. Kumbaga, ’yon ang assignment ko sa pelikulang ito. I have to help ’yong mga bagong pasok [sa industriya] para rin naman ma-establish nila ’yong sarili nila.
“And I’m thankful na ibinibigay sa akin ni Boss Vic ’yong opportunity na ’yon para rin for me to have work sa kanya.”
At dahil may maiinit nga silang eksena ni Ayanna sa Kinsenas, Katapusan, natanong pa si Joko kung ano ang reaksyon ng pamilya n’ya dito.
“’Yong sa akin po, alam ng misis ko, pinaliliwanag ko sa pamilya ko na trabaho ito,” sagot n’ya.
“Ibinigay ni Boss Vic, ipinagkatiwala sa akin. ’Yong binibigay na trabaho sa akin ni Boss Vic hindi naman po konting pera ang isinusugal n’ya sa amin. Malaking pera po ang isinusugal n’ya sa amin ng boss namin kaya kailangang tapatan ko po ’yon ’yong binibigay sa aking tiwala,” paglalahad pa n’ya.
“Kaya pag ginawa ko ’yon [sexy scenes], sinasabi ko naman sa pamilya ko na, ‘Trabaho lang ’to. Pagkatapos nito uuwi ako sa inyo at maayos ang magiging buhay natin.’”
Positive remarks naman ang ibinigay ni Joko sa mga baguhang artista na kasama n’ya sa pelikula. Kinumusta kasi ng press ang naging working relationship nila habang ginagawa nila ang movie.
“I’m very happy na hindi sila hambog. Hindi sila ganu’ng tao and they give respect to their seniors,” pagbibida ng aktor sa kanyang mga co-stars.
“And they come early which is good because s’yempre wala tayong gustong paghintayin sa set. Sabi nga nila we are being paid to wait. Pero kung [pinapupunta] sila ng alas otso, dumadating sila ng alas otso. It’s not a problem with me. They bring their craft to work so…perfect,” pagtatapos ni Joko.
Bukod kay Ayana Misola, kasama rin ni Joko sina Angela Morena, Jamilla Obispo, Janelle Tee, at ang nagbabalik-pelikula ring si Kier Legaspi sa Kinsenas, Katapusan na mapapanood na simula February 4 sa Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber