Paliwanag ni Alex Gonzaga sa Netizen na nangaral na gayahin niya ang pagiging generous ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena: “we [also] help to bring back the glory to God.”

PHOTOS: @cathygonzaga & @lloydcafecadena on Instagram

PHOTOS: @cathygonzaga & @lloydcafecadena on Instagram

Sinagot ng aktres na si Alex Gonzaga ang komento ng isang Netizen tungkol sa kanyang pagba-vlog at ang kinikita n'ya dito. 

Kahapon kasi, September 20, sa simpleng promo Instagram post ng actress-vlogger, isang Netizen ang ang nagkomento na sana daw ay tularan ni Alex ang mga ginagawa noon ng kanyang fellow YouTuber, ang k’welang vlogger na si Lloyd Cadena, noong nabubuhay pa ito. Recently lang kasi ay pumanaw si Lloyd dahil sa cardiac arrest na bunga ng nauna nitong pagpo-positibo sa COVID-19.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

Maayos naman ang pagkakalahad ng Netizen sa kanyang komento na ang ipinupunto ay ang pag-gi-give back sa community dahil successful naman diumano si Alex sa kanyang pagyu-YouTube. Katunayan ay isa siya sa top YouTubers ng bansa.

Ani ng Netizen: "Hope you don't mind how I wish you do what the late vlogger Lyod Cadena Cafe has been doing..... Like imagine spending so much for school supplies of school children. Giving stuffs to squatters. Yung may katuturan naman ang kinikita nyo na mula din sa tao. Yung para kang may legacy. People like to watch your vlogs...... Give back also to them."

SCREENSHOT: @cathygonzaga on Instagram

Nag-reply naman dito ang 32-year-old TV host-actress upang ipaliwanag ang kanyang panig. At dito napag-alamang active din pala sa socio-civic work si Alex na hindi alam ng karamihan dahil hindi n'ya ipino-post ang mga 'yon sa social media.

"[H]ello, we have a foundation po we have scholars we are supporting until college... as much as we wanted to show it bawal po kasi pakita ang mga mukha ng bata...we help to bring back the glory to God. 

"Thank you po for your suggestion," pagtatapos ni Alex.

SCREENSHOT: @cathygonzaga on Instagram

And in fairness kay Alex, marami din naman silang natulungan ng pamilya niya habang kasagsagan ng ECQ (enhanced community quarantine) at marami din itong kawang-gawa na hindi na lang pina-publicize, bukod pa doon sa sinasabi niyang mga scholars. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Alex Gonzaga and Luis Manzano’s cariño-brutal friendship in a nutshell

Pika's Pick: Alex Gonzaga tributes her “first and last true love,” Mikee Morada on his birthday

Pika's Pick: Alex Gonzaga celebrates 3rd anniversary as one of the country’s top YouTuber

Pika's Pick: Alex Gonzaga is proud of her “mother and father packers.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.