Pakiusap ni Ricci Rivero sa netizens sa isyu ng hiwalayan nila ni Andrea Brillantes: "Please respect our decision to keep it to ourselves..."

Nakiusap si Ricci Rivero sa netizens na huwag nang magdadag ng kuwento at mangdamay ng ibang tao sa isyung hiwalayan nila ni Andrea Brillantes.

PHOTOS: @riciirivero on Instagram

Nakiusap si Ricci Rivero sa netizens na huwag nang magdadag ng kuwento at mangdamay ng ibang tao sa isyung hiwalayan nila ni Andrea Brillantes.

Mukhang naghiwalay na ang basketball player-actor na si Ricci Rivero at ang girlfriend niyang aktres na si Andrea Brillantes.

Iyan ay kung pagbabasehan ang naging Twitter post ni Ricci madaling araw ng June 9.

Tila kinukumpirma kasi n'ya rito ang usap-usapan sa social media na nag-break na sila ni Andrea.

Sa kanyang tweet, inamin ni Ricci na kasalanan niya na hindi na niya isinapubliko pa ang estado ngayon ng relasyon nila ni Andrea para hindi na daw makadagdag pa ang mga komento ng publiko sa kanilang pinagdadaanan.

"I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through," pahayag ni Ricci sa kanyang tweet.

Pakiusap pa ng UP Fighting Maroon player, igalang daw sana ng publiko ang naging pasya nila ni Blythe, nickname ni Andrea.

"Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship," hiling niya.

Nakiusap din siya sa netizens na huwag na sanang gumawa ng mga kuwento at mangdamay ng ibang tao sa isyung ito.

"I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations," aniya.

Humingi rin siya ng tawad sa mga fans and supporters nila ni Andrea na dismayado sa naging breakup nila.

"I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you - for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain," pagtatapos ni Ricci.

Tila nag-ugat ito sa pinagpipiyestahan ngayon na screenshot ng Instagram Story ng beauty queen-turned-politician na si Leren Mae Bautista na ishinare niya sa kanyang IG Story. Deleted na ito sa account ni Ricci pero maagap na nai-screenshot ng netizens kaya kumalat online.

Maraming netizens ang nagsasabing may naganap na "cheating" kaya nauwi sa hiwalayan sina Ricci at Andrea, at ang itinuturo ngang third party umano ay si Leren.

Magkasama kasi sina Leren at Ricci sa isang outreach program few days ago na nagkataong birthday din ng huli.

As of this writing ay wala pang pahayag sa isyu si Andrea na base sa kanyang latest Instagram photos ay nasa Spain ngayon.

Last April 9 lang nang mag-celebrate sina Ricci at Andrea ng kanilang first anniversary.

Tiningnan namin ang Instagram accounts nila at napag-alaman namin na hindi na pina-follow ang isa't-isa.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.