Matapos ang ilang araw na pagkawala ng kanyang Facebook page, heto’t active na muli sa nasabing social media platform ang controversial online personality na si Rendon Labador.
Naibalik na kasi ang na-delete n’yang account last September 7 na ayon sa kanya ay kagagawan daw ng mga fans nina Coco Martin at Vice Ganda.
At ngayong nakabalik na s’ya sa FB, nagpahiwatig ang self-proclaimed motivational speaker na pe-preno muna s’ya sa pandadaot sa mga artista na normal n’yang ginagawa in the past.
“I’m back!!! Namiss nyo ba ako? Kumusta kayong lahat, Pilipinas??? Lab lab muna tayong lahat, ayos ba?” pahayag n’ya sa kanyang FB post with matching hashtags #LabLabLabador #StayMotivated.
Ganu’n pa man, tila hindi n’ya natiis na hindi makahirit kay Joey de Leon na kontrobersyal ngayon dahil sa “lubid joke” nito sa noontime show na E.A.T.
Dahil may bagong parinig kahapon, October 1 sa kanyang bashers ang tinaguriang Henyo Master, pinuna s’ya ni Rendon.
Narito ang parinig ng veteran comedian sa kanyang post sa X [formerly Twitter]:
“AYON KAY @michaelbitoygma ,ISINATULA NG @AngPoetNyo
‘Mahirap na ngayong magpatawa.’
Marami na ngayong namumuna,
Tingin nila mas magaling sila,
Sila ang dapat narito pala!
Eh ano ang tawag sa kanila?
Kung sa lugar mo’y ang tagal mo na?
Mas kwela sila palagay nila Ayunnn…INGGITERO’T INGGITERA!”
Maikling panawagan sa kanya ni Rendon sa isang comment section: “Joey De Leon mag bago ka na, ako nga nag bago na #LabLabLabador [Redd heart emoji].”

May banat din si Labador sa showbiz writer/host and insider na si Cristy Fermin na nagsabi umanong wala naman daw naghahanap sa kanya after ma-delete ang FB page n’ya.
“Ikaw tlagang matanda ka, hindi ka na natuto. Pasalamat ka nag bago na ako… #LablabLabador [Red heart emoj],” pahayag n’ya laban kay Manay Cristy.

Pinatatawad na rin umano n’ya si Vice Ganda at humiling na sana ay mag-public apology ito.
“Pinapatawad ko na si Vice Ganda sa mga nagawa niya, lab lab muna tayong lahat # LabLabLabador [Red heart emoji,” sabi n’ya sa kanyang Instagram Story.
“Huwag mo nalang uulitin at sana mag public apology ka na. Ako ay nakiki usap sayo, para sa taumbayan.. para sa kabataan [Folded hands and red heart emojis],” mensahe pa n’ya kay Vice.

Sa kanyang latest IG Story, sinabi ni Rendon na, “Sarap sa pakiramdam na nagbago na #LablabLabador [Red heart emoji].”

YOU MAY ALSO LIKE:
Rendon Labador, may hamon kay MTRCB chairperson Lala Sotto: "Tatay mo o kapakanan ng Pilipinas?"
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber