Pagta-trabaho sa nursing home sa Amerika, napakinabangan ni Ai-Ai delas Alas sa pagganap ng role na may Alzheimer's disease

Ang Litrato ay kuwento ng kakaibang pagkakaibigan ng isang lolang nakalagak sa home for the aged (played by Ai-Ai delas Alas) at ng kanyang caregiver.

Photos: @msaiaidelasalas

Ang Litrato ay kuwento ng kakaibang pagkakaibigan ng isang lolang nakalagak sa home for the aged (played by Ai-Ai delas Alas) at ng kanyang caregiver.

Muling magpapakitang-gilas sa akting ang tinaguriang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas sa latest starrer niyang Litrato na handog ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carillo.

Ani Ai-Ai, first daw niyang gaganap bilang isang lola na may Alzheimer's disease. At para daw maging kapani-paniwala, hindi lang daw siya pinatanda sa movie bagkus ay inaral niya pati ang boses at maging paglakad ng isang senior citizen na may dementia o mild memory loss.

Hirit pa niya, nahirapan nga raw ang production kung paano siya pagmumukhaing matanda.

“Sila ang nahirapan na patandain ako. Wow! 'E, di ikaw na,'” lahad niya na may halong pagbibiro.

Nakatulong din daw na nagtratrabaho siya sa isang nursing home o geriatric facility sa Amerika bilang activity director kaya may peg siya sa kanyang role.

"'Yung iba do’n, 'yung mga characters nila, nakuha ko, so parang medyo madali 'yung kung sino ang kokopyahin ko sa kanila. Iyong isang nakilala ko, kung ano 'yong iyak doon [sa pelikula], ganoon siya umiyak. Sa kanya ko kinopya 'yon," aniya. "Kasi bawal kaming sabihin 'yong mga pangalan. Ano siya medyo Chinese-Vietnamese.

"Tapos tuwing...Meron kasing para  nagvi-videocall sila ng mga kumare niya..," patuloy na kuwento ni Ai-Ai. "Kasi noong meron pang Covid, doon ko siya nakikita kasi ako 'yong naghahawak ng video call. So, talagang nakikita ko kung paano siya umiyak," dugtong niya.

At dahil Litrato ang pamagat ng kanyang pelikula, nabanggit ni Ai-Ai na napaka-importante ng mga litrato sa kanyang buhay.

Aniya, sa mga litrato daw kasi nakapaloob ang mga magaganda at maging mga di kagandahang alaala ng nakaraan.

Iyong mga magaganda raw ay nakatago hindi lang sa alaala niya kundi pati sa puso. Iyong iba naman daw na may kirot na hatid ay itinapon na raw ng nanay niya.

“Actually, hindi ako 'yung nagtapon. Noong araw, 'yung mga publicity namin ni Miguel [Vera]...Marami akong mga pictures at write-ups noon. Ang nanay ko ang nagtapon para hindi raw mabasa ng mga anak ko kung ano 'yung nangyari sa buhay ko," paliwanag niya.

"'Yung mga picture ko na buntis ako, 'yun ang favorites ko," patuloy na kuwento niya. "Talagang makikita mo 'yung bata na nasa loob mo, tapos makikita mo ang tiyan mo, tapos darating ang panahon na wala na 'yung bata, nagiging maliliit, tapos nagiging matanda na sila. 'Yun ang classic sa akin."

"Lalo na 'yong kuha pa ni Raymund Isaac," pahabol niya.

Samantala, sa ngayon ay she's creating new memories with husband Gerald Sibayan. At ang dasal lang ng aktres  ay talagang makasama niya a pagtanda ang asawa.

"Minsan naman, hindi natin masasabi kung sino ang mauuna sa amin dahil sa agwat ng edad namin...but with God's grace, kami pa rin sana ang magkasama hanggang huli."

At Litrato ay nagsisilbing reunion movie nila ng paborito niyang direktor na si Louie Ignacio. Si Direk Louie ang nagbigay sa kanya ng kanyang mga international best actress awards—una ay sa 2017 Asean International Film Festival and Awards sa Malaysia para sa pelikulang Area; at sa 39th Oporto International Filmfest sa Portugal para sa Cinemalaya movie na School Service.

Aniya, malaking tulong daw ang naging guidance ni Direk Louie para mabigyan niya ng justice ang kanyang role.

Ang Litrato ay kuwento ng kakaibang pagkakaibigan ng isang lolang nakalagak sa home for the aged at ng kanyang caregiver.

Mula sa direksyon ni Louie Ignacio at sa panulat ni Ralston Jover, tampok din sa pelikula sina Ara Mina, Liza Lorena, Quinn Carillo, at Bodjie Pascua.

Ang pelikula ay palabas na sa mga piling sinehan sa buong bansa simula July 26.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ai-Ai delas Alas, pinalalakas ang loob ni Betong Sumaya na umaani ng bashing dahil sa pagtanggap ng Eat Bulaga hosting job

Ai-Ai Delas Alas and Gerald Sibayan exchange sweet messages on their 9th anniversary as a couple

Ai-Ai delas Alas, nag-sorry na kay QC Mayor Joy Belmonte; “Pag nagtampo ka sa akin parang nagtampo ka sa sarili mo. E, ’di ba, magkamukha tayo?”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.