Pagsasa-publiko ng mga larawan niya with Kris Aquino, hindi ipinaalam ni Vice Governor Mark Leviste; Kris, nagulat

Photos: @markleviste / @krisaquinoworld

Photos: @markleviste / @krisaquinoworld

Nang lumabas sa Instagram account ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang mga larawan niya kasama ang mag-iinang Kris Aquino, Joshua, at Bimby na kuha noong New Year nang bisitahin niya sila sa Los Angeles, California, ay kaagad itong nag-viral.

Maraming netizens ang natuwa at nagpasalamat pa sa bise gubernador for sharing the photos dahil may nakuha umano silang update sa kasalukuyang sitwasyon ni Kris, na hindi naman lingid sa publiko na may matinding pinagdadaanang medical crisis. Moreoever, ikinatuwa din nila that Kris appears to be healthier than a few months ago.

Iyon lang, hindi pala alam ni Kris, who barely posts anything lately, na ilalabas ni VG Mark ang mga pictures nila. Hindi pala naipag-paalam ni Vice Gov kay Kris na ipo-post niya ang mga pictures nila.

Nalaman nalang umano ni Kris nang padalhan siya ng kopya ng kaibigan niyang abogada. Hindi rin kasi itinag ni Vice Gov. Leviste si Kris sa kanyang post.

Dahil dito, may naging komento si Kris sa @krisqquinoworld Instagram account—ang official fan page ni Kris, which she herself recognizes— patungkol sa mga larawang inilabas ni VG Mark.

Ipinost kasi ng nasabing fan account ang isa sa mga series of photos na inilabas ng bise gubernador kasabay ng pasasalamat ng admin dito sa pagbabahagi noon.

"2023 is for healing, an outpouring of God’s blessings. 💛💛💛," masayang bungad ng @krisaquinoworld.

"Latest photo of our Queen @krisaquino, thanks to Sir @markleviste, Vice Governor of Batangas."

Addressing the Kris Aquino World admin, na mukang kilala naman n'ya personally, Kris wrote on the comment section: "I’m curious, my friend Atty Donna sent me the screenshot- so ako na ang mag co-comment: kayo ni VG Marc keep in touch? Friends kayo? Obviously, he was the 1 who sent you my pic (I wasn’t told he would).”

Kasunod noon ay nagpaliwanag siya kung bakit hindi siya nagpo-post ng mga larawan niya at halos once a month nalang kung mag-update tungkol sa kanyang kalagayan. Aniya, she wants to privately chronicle her medical journey.

“I’ve avoided posting any pics of myself because I’ve been privately chronicling my journey - hoping na after the many months na titiisin ko ang immunosuppressant therapy (i’ve researched all the warnings of how weak I’ll feel, the likelihood that I’ll have low grade fever, throw up often, weight loss, feel even more fatigued than I do now, and ‘yung possibility that I’ll lose my hair- after all the medication is what’s given to cancer patients undergoing chemotherapy- BUT for rheumatology patients ‘yung dosage is about 15%) I’d be able to show all of you in a documentary- na hindi ako SUMUKO, sa lahat ng kinailangan pagdaanan, tinuloy ang LABAN."

“This picture was from New Year’s Day- VG Marc was kind to visit us kahit malayo kami from where their family stays… walang mahanap na polka dots na shirt, sweater, hoodie or anything si Alvin [Gagui-chief of staff] ‘di siguro uso here in the (emoji US flag) thank God, sanay na kayo na ever present ‘yung pearls ko," appreciative namang pagpapatuloy niya na ang tinutukoy ay ang latest solo photo niya that Kris Aquino World posted.

Kris also took the chance na maglambing ng dasal mula sa kanyang mga followers. This time, mas lalo para naman sa mga anak niya na dadaan din daw sa medical assessment para makasigurong hindi nila nakuha ang mga sakit niya.

“THANK YOU for keeping us in your prayers- next week, we super need MORE especially for our doctors. Bimb needs to go in for a few nights confinement for his full medical assessment (he & kuya had their primary immunodeficiency genetic testing done- because both of them have the same blood type as me, like all my siblings, & our mom)…

“I’m a firm believer it’s BETTER to know early so if needed, solutions are still available. my 6’1, 15-year old (Bimby) sa pediatrics pa rin, so, magbabantay ako. Then I’ll be confined for 5 nights to confirm that my previous diagnosis of having 4 autoimmune conditions was correct & to confirm if I do have a 5th because of my recent blood panel. Thank you for being so compassionate & consistent."

Sa huli, muli niyang in-address ang admin ng kanyang fanpage at sinabihan itong s'ya na ang mismong magpapadala ng mga larawan dito, through her chief of staff na si Alvin Gagui, para umano siguradong aprubado niya na tila slight patama kay VG Mark.

“P.S. Alvin will email you pics every now & then. Para w/ my approval.”

So far ay hindi pa naman idine-delete ni Vice Gov. Leviste ang kanyang post at hindi rin siya direktang sinita ni Kris.

Samantala, may napasadahan kaming hula kay Kris na nagsabing hindi pa siya makakabalik ng bansa ngayong 2023.  This early ay tila nagkaka-totoo na ito dahil base sa talakayan nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez, at Romel Chika sa kanilang Showbiz Now Na YouTube Channel ay nagpapahanap na umano ng bahay na bibilhin si Kris doon sa Los Angeles dahil as it is ay nangungupahan muna raw ang mag-iina.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.