Pagpapalitan nina Vice Ganda at Ion Perez ng monthsary gifts, nag-trending 

PHOTO: @privatebenjamin n Instagram ost

PHOTO: @privatebenjamin n Instagram ost

Trending ngayon ang latest vlog entry ni Vice Ganda na in-upload last September 5 kung saan sumalang sila ng kanyang boyfriend na si Kuya Escort Ion Perez sa Find me a Gift Challenge para sa kanilang monthsary.

Kinakiligan ng viewers ang nasabing vlog kaya naman patok ito sa Netizen. As of this writing nga ay nakapagtala na ito ng 1.3 million views. 

Ang siste ng challenge, kailangang hindi lumagpas sa P1K ang mabibili nilang regalo para sa isa't sa. 

While on his way to the mall, panay pa ang joke ni Ion sa mga naiisip n'yang iregalo kay Vice.

"Bibilhan ko s'ya ng dalawang kilong tuyo [dried fish]," biro n'ya. "Kapag nagsara 'yon [mall], uubusin ko na lang 'yong isang libo sa fish ball, tsaka kikiam, tsaka hakdog."

Na-challenge naman daw si Vice sa kakaisip para sa gift hunting pakulo nila as their vlog content na s'ya rin pala ang nakaisip. 

"Na-stress ako," pag-amin ng comedian-TV host. "Wala ako maisip to think ako ang nag-isip ng challenge na 'to ha. 

"Sobra s'yang adik sa bisekleta lately. May mabibili bang pangbisekleta ng 1000?"

Nang makarating sa mall, unang naispatan ni Ion ang mga tumblers na hindi naman pasok sa kanyang budget. 

Nagpunta naman sa store ng bicycles and accessories si Vice na gulong gulo kung ano ba ang bibilhin. At worried pa s'ya na baka daw hindi magustuhan ni Ion. 

"Parang sa budget na 1000 wala tayong maa-achieve. Kung meron man hindi worth it," pahayag pa n'ya sa vlog.

At dahil nandu'n na rin lang, na-engganyo na s'yang bilhan si Ion ng helmet worth P14K na labas na P1K gift hunting challenge nila. At nakapag-decide din s'ya na grip na lang ng bike ang iregalo sa kanyang dyowa.

Couple bracelets naman based sa kanilang zodiac signs with lucky charms for good health and prosperity ang nabili ni Ion. 

"Ang ganda. Meaningful. Simple pero rock," komento pa ng model-turned-actor sa kanyang pinamili. "Ito ang sinasabi ko sa inyo. Ito 'yong maa-appreciate ni Meme. Maa-appreciate n’ya ‘to.

Habang pabalik na sa kanilang meeting place, nagpahayag din ng kompyansa si Vice na okey ang kanyang gift para sa kanyang boyfriend.  

"Gusto mo todo, 'di ba? S'yempre gusto mong ibigay todo. E, since 'di naman makakatodo [dahil] may limit kaya feeling mo waley. Pero in reality, hindi naman 'yon waley kasi may purpose naman s'ya. At tsaka it comes from the heart."

Matapos silang magkita at makakain ay nagpalitan na ng monthsary gift ang celebrity couple.

Ipinaliwanag din ni Ion ang mga symbols sa bracelets na binili n'ya. Gaya ng sinabi ng saleslady, sinabi n'yang si Vice dapat ang maglagay ng bracelets sa kanya. 

Para naman kay Vice, si Ion ang dapat na maglagay nu'n sa kamay ng blockbuster comedian. 

"Tapos ito 'yong sa'yo. Kaya lang 'pag sinuot mo 'to wala nang tanggalan ha. Baka pag-uwi natin tatanggalin mo na," pagwa-warning pa ni Ion sa kasintahan.

However, nabasag naman ang excitement ni Vice dahil tila sablay si Ion sa zodiac sign n'ya. Aries na symbol ang nabili ni Ion samantalang Pisces naman daw si Vice. 

"Pisces ako. March 31 ako [pinanganak]," sey pa ni Vice kay Ion.

"So ibabalik ko 'to? O, sige, bukas. Nasa akin pa naman ang resibo," disappointed na tugon ng aktor.  

"Charot. Aries ako," bawi ni Vice kaya nagtawanan sila dahil nagbibiro lang pala s'ya.

Paliwanag naman ni Ion, accessories ang napili n'yang iregalo dahil alam n'yang magugustuhan ito ng kanyang Meme. 

"Kasi may mga accessories akong simple lang pero nagugustuhan mo," tsika pa n'ya sa video. "Hindi ganu'n kamahal pero hinihiram mo minsan. Sinusuot mo. Kaya ito 'yong naisip ko. Accessories. Baka mas ma-appreciate mo."

Kinilig naman si Vice at sinabing: "Thank you. Thank you very much."

Nang s'ya na ang magbibigay ng regalo, nag-worry na naman si Vice at baka hindi daw pasok sa taste ni Ion ang nabili n'ya para rito.

Nang maibigay ng It's Showtime host ang regalo, dito nakahanap ng tyempo si Ion para gantihan ang pangpa-prank ni Vice sa zodiac sign n'ya kanina. 

"Hoy buksan mo 'yong ano..." tila natatarantang bitaw ni Vice dahil akmang inuuwi ni Ion ang regalo nang hindi binubuksan.

Tugon ni Ion kay Vice: "Aba! Sa akin 'to."

"Ito... Sira-ulo naman 'to. Sinisira ang content [ng vlog]," sey naman ni Vice. 

In the end, binuksan din ni Ion ang monthsary gift at nagustuhan naman ang grip para sa kanyang bisekleta.

"'Yan ang binigay ko sa'yo, para 'pag nagba-bike ka, kahit hindi tayo magkasama, hawak-hawak mo ako kasi hawak mo yan [grip], e. Para parang hawak-hawak mo rin ako 'pag nagba-bike," pakilig na paliwanag ni Vice kay Ion. 

Nagsimula sa biruan at asaran sa It's Showtime sina Vice Ganda at Ion Perez hanggang sa umamin ang sila sa kanilang tunay na relasyon kasabay ng 10th anniversary ng Kapamilya noontime program noong October 2019.

Panoorin ang kabuuan ng gift hunting challenge nina Vice Ganda at Ion Perez dito:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.