Sa mga artista ngayon, isa talaga si Barbie Imperial sa noon pa man, ay hindi tumatalikod sa anumang intriga at tanong sa kanya.
Sa kanyang latest YouTube vlog, muli niyang sinagot ang ilan nga sa mga intriga sa kanya. Isa na rito ang pagkaka-link niya kay Daniel Padilla noong December 2021 na pumutok noong Enero na ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Barbie, ngayon lang daw talaga niya ia-address ang naging isyu na ito, na dinedma niya noon, tungkol sa kanilang dalawa ni Daniel na pina-ingay ng kontrobersyal na internet personality na si Xian Gaza.
Ito kasi ang naglabas ng larawan na kuha sa bahay ni Karla kung saan makikikita doon si Barbie habang nagba-vlog ang Beks Battalion na sina MC Mwah, Lassy Marquez, at Chad Kinis. Dahil doon ay nabigyan na ng ibang kahulugan ang presence ni Barbie doon lalo pa’t mainit ang balita noon na kahihiwalay lang nila ng boyfriend niya at that time na si Diego Loyzaga.
At sa vlog nga ay sinagot niya ang assumption na kaya umano siya pumunta sa bahay ni Karla Estrada that time ay dahil may “something” sila ng boyfriend ni Kathryn Bernardo.
“Ngayon ko lang yata sasagutin ‘to,” saad niya. “Nanahimik kasi talaga ’ko. As in, noong time na ‘yon, noong nangyari ang tsismis na ’yon, siyempre nahiya ako.
“Unang-una kay, Kath. Kasi, ano ang iisipin niya, ganito-ganyan,” saad niya.
May dahilan daw si Barbie kung bakit siya nagpunta sa bahay ng ina ni Daniel nang maintriga nga siya na baka may something sila ng anak nito.
Halos kabi-break lang daw nila ng ex-boyfriend na si Diego Loyzaga no’ng time na ’yon at isa raw si Karla sa itinuturing ni Barbie na malapit sa kanya at napagsasabihan niya ng mga nangyayari sa kanya.
“Ako po, pumunta ko sa bahay ni Tita Karla kasi first, kaibigan ko si Tita Karla. And si Maggie (Ford, dalagang anak ni Karla), kaibigan ko rin.
“Pumunta ko ro’n, as in, sobrang kaka-break pa lamang ni Diego noon. And ang mga kaibigan ko talaga na pinupuntahan, si Ate Ara (Mina), isa rin si Tita Karla.
“Noong pumunta ko kay Tita Karla, kasi wala si Mama dito. So, ayoko kasi ng kapag kaka-break ko lang, emotional ako, pupunta ’ko sa gimikan, iinom, hindi gano’n.
“Lalapit ako do’n sa parang mom talaga na mag-advice. Para fair talaga mag-advice. Si Tita Karla kasi, kakilala niya rin si Diego, parang anak-anakan niya rin si Diego. So, pumunta ko ro’n na wala nga si DJ do’n.”
Pag-uulit pa niya, “Wala si Daniel do’n. Ang nando’n lang, si Tita Karla at ibang families ni Tita Karla, si Maggie...at nando’n din ang Beks Battalion. So, for me, parang ‘talaga ba? Kung may gagawin akong masama, nando’n ang Beks Battalion. Nasa vlog pa ‘ko. Ang bongga ko naman,” natawang sabi niya.
Wala raw talagang katotohanan ang isyung ’yon sa kanila ni Daniel at nirerespeto raw niya ang KathNiel.
Sey nga niya: “Wala, walang truth ’yon. At nirerespeto ko kung ano ang meron kay Kath at DJ. And sa lahat naman ng couple, nirerespeto ko.”
Mas natawa naman si Barbie sa sumunod na tanong sa kanya na nag-comfort daw sa kanya si Daniel at niyakap pa umano siya nito nang malamang nag-break na sila ni Diego noon.
“Saan galing ’to?,” natawang sabi niya.
“No, not true. Hindi ko rin ma-explain kasi ngayon ko lang nalaman ’tong tsismis. Pero hindi, hindi totoo.”
YOU MAY ALSO LIKE:
Palitan ng mensahe nina Xian Gaza at Barbie Imperial sa social media, benta sa netizens
Breakup ng DiegsBie couple (Diego Loyzaga and Barbie Imperial), kumpirmado na
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber