Hindi raw aksidente ang pagiging tatay ng aktor na si Diego Loyzaga dahil nasa plano na raw talaga n’ya ang maging isang ama.
Sinabi n’ya ito sa one-on-one tsikahan nila ng TV host-actress na si Toni Gonzaga sa latest episode ng online show nito sa YouTube na Toni Talks.
Napag-usapan kasi nila ang subtle announcement ni Diego sa social media last June na isa na s’yang ama.
Ayon sa Viva actor, nasa point na raw talaga s’ya ng kanyang buhay na gusto na n’yang magkaroon ng anak.
“It was just in my bones, like in my DNA na na-feel ko na rin na parang I need to have a kid. Parang feeling ko I needed a kid here na,” lahad n’ya kay Toni.
Pakiramdam daw kasi n’ya ay tumatanda na s’ya kung kaya naman ito na raw ang tamang panahon para magka-baby.
“I don’t want to get too old [bago maging father]. Sumasakit na minsan ’yong likod ko. I’m losing my hair already,” natatawang sabi pa n’ya.
Kaya naman mali raw kung iisipin ng mga tao na aksidenteng nabuntis lang n’ya ang hindi n’ya pinangalang non-showbiz partner n’ya sa Australia dahil nakaplano raw talaga ang pagbuo nila ng pamilya.
“She was planned. She was a hundred percent planned,” pahayag n’ya na ang tinutukoy ay ang five-months-old daughter nilang si Hailey.
(Sa isang interview with the press, sinabi ng excited lolo na si Cesar Montano na Hailey ang pangalan ng apo n’ya kay Diego.)
Katunayan, alam daw ang mommy n’yang si Teresa Loyzaga ang plano n’yang ito.
“I’ve been saying it to her for years, years. And she just kept on saying, ‘Basta if you’re happy with your relationship, with your partner,’” pagbabahagi n’ya sa motherly advice nito sa kanya.
“‘Because it’s a never-ending relationship na ’yon, kayong dalawa until the end of your time,’” dagdag pa niya sa payo ng ina pertaining to his lifelong relationship sa kanyang anak.
Natupad naman ang plano n’yang ito isang araw matapos ang kaarawan n’ya noong May 21.
“We almost share the same birthday which is funny enough. She gave me pa a day. May 21 ako, May 22 [s’ya],” lahad pa n’ya tungkol sa kapanganakan ng kanyang baby.
“She went into labor at 10PM on my birthday. So I spent the night of my birthday in the hospital with my partner. Ironic, ’di ba? She gave me pa one day,” natatawang dagdag pa n’ya.
Dahil proud na isa na s’yang daddy at feeling blessed sa pagdating ng kanyang anak, gustong-gusto raw n’ya itong ipagsigawan noon pa sa social media bilang best birthday gift n’ya.
“That was supposed to be my post. I was supposed to either post [it on] first Father’s Day or the best birthday gift ever,” he said.
However, may nanira umano sa plano n’yang ito at walang pasintabing inunahan s’ya sa pagsasapubliko sa pagdating ng anak n’ya.
“Kaso nga lang, inunahan ako ng isang, I don’t know if she’s a tabloid [writer] or whatever here in the Philippines. Anyway, that’s off topic,” pagtatapat ng aktor.
“And you can’t get that back. ’Di ba, it’s annoying. And you don’t get it [the moment] again, di ba? Yeah, it was annoying,” pagpapakatotoo pa n’ya.
Pero sa totoo naman daw talaga ay kating-kati na s’ya that time na i-announce sa publiko ang magandang blessing na dumating sa kanya.
“I was excited. I was ecstatic to post, actually, to be honest. Silang lahat ’yong, ‘Wait lang. Kalma lang,’” pagre-recall ni Diego.
“I was like, ‘Okay. We're in a different country naman.’ She gave birth in Australia. I know we were safe. We have nothing to worry about. Walang mali-leak. Walang mauuna [na mag-announce].”
Pero dahil lumabas na iyon sa publiko, wala na rin umano s’yang nagawa kundi magsalita na rin about it.
“When it happened, wala din. Like you said, I let it go pretty quickly. I was like, ‘You know what?’ Let’s do it on Father’s Day.’ I had to post na rin,” aniya.
“So now, people think I came out because somebody else leaked information. But no, not really. Someone ruined my moment so I had to come out and say it na rin.”
Samantala, natanong naman s’ya ni Toni kung anong nakikita n’ya sa tuwing tinitingnan n’ya ang kanyang baby.
Dito, sinabi ni Diego na nakikita n’ya ang kanyang sarili sa anak at natutuwa s’yang naipaparanas n’ya rito ngayon ang hindi umano n’ya naranasan noong baby s’ya.
Lumaki kasi s’yang hiwalay na ang parents n’ya.
“I think I see me. I see baby me, e, physically. And also, I guess… I don’t mean this in any bad way. I didn’t really grow up, you know, in one household with my dad. So, when I see my baby parang I’m already doing something that I didn’t get to experience myself,” he shared.
“Again, I don’t mean that in a bad way. It’s not like my dad had a choice, ’di ba? We moved away.”
Iyon umano ang maipapangako n’ya sa anak niya, ang maging isang present dad.
“I think I said that I promised her to give her the things I didn’t have. A father,” saad n’ya.
Tiniyak n’ya ito lalo na raw ngayon na nasa formative years ang kanyang baby girl.
“It was my partner, the mother of my child told me na sobrang importante pala din ’yong ages one, two, three…toddler stage and then mga eight, nine years old. That’s where they really build their character,” sabi ni Diego.
S’ya raw kasi, teenager na n’ya bago na-meet ang father n’yang si Cesar.
“I met my dad when I was 13 na, for the first time. I was a different person kaya kami lagi nagko-collide noon,” pagbabaliktanaw pa n’ya.
“It took me…[until] I reached 28 [years old] or a couple of years ago to finally understand my dad as a human, as a parent, as a father, as everything. And now, sobra kaming nagkakasundo.”
Ayaw umano n’yang matulad ang childhood ng anak n’ya sa kanya.
“I don’t want my daughter to go through all of that also, na me and my baby mama, we’re not together living [under] the same roofs like partners,” he said.
“I call her partner because obviously, she’s my partner. Hindi kami kasal, if you get what I mean. Pero hindi ko ipaparamdam sa anak ko ’yong naramdaman ko,” dagdag pa ng aktor.
Naging bubog daw kasi n’ya ’yon habang lumalaki s’ya.
“When I was growing up, I never really thought na I was looking for a father figure. But as I got older, I realized, ‘Ah, ’yon pala ’yong kulang,’” aniya.
“That’s why there are sometimes question marks on how I should do things, my character, what I really want,” he went on.
“I guess you picked that up from the dad. And I want to be there for my daughter. I want her to… ‘These are my hobbies, if you like this, you know, try what I do. If you don’t, whatever you do, you like, I’ll support you,’” pagtatapos n’ya.
YOU MAY ALSO LIKE:
Diego Loyzaga, isa ng proud daddy!
Pika's Pick: Cesar Montano earns a master's degree in Public Safety Administration at 60!
Sunshine Cruz, game maka-trabaho ulit ang ex-husband na si Cesar Montano basta walang love scene
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber