Inulan nang samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang muling pag-imbita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa TV host at komedyanteng si Willie Revillame na kumandidato sa pagka-senador
Ang paghimok ng pangulo ay idinaan sa isang short video na in-upload ni Direk Bobot Mortiz sa kanyang Instagram kahapon, June 13. Dito ay makikitang muling kinukumbinse ng pangulo ang kilalang matulunging Wowowin host na pasukin na rin ang pulitika.
“Iba talaga pag tumutulong! Isip isip Willie! Bahala sayo si Lord!” pahayag pa ni Direk Bobot sa nasabing IG post.
(Malapit si Direk Bobot kay Willie at siya rin ang nagsisilbing direktor ngayon ng programa nitong Wowowin sa GMA-7.)
Narito ang sinabi ng pangulo sa video:
“Willie, si Mayor ‘to. Kumusta ka? Matagal na tayong hindi nagkita pero paligi kitang naalaala dahil gusto ko sanang maging senador ka.
“Sabi ni Bong [Go] medyo nagdadalawang-isip ka. Pero ganu’n pa man open ‘yong slot until the last minute kung ayaw mo na talaga.
“P’wede na tayong mag-usap uli. Sana, in the meantime, more success sa programa mo at sa mga tao. At bilib ako sa appeal mo sa masa.
“Mabuhay ka! Ikaw ang dapat na maging presidente.”
However, marami sa mga nakapanood sa video ay tutol na tumakbo sa pagka-senador ang Kapuso TV host dahil p’wede naman daw nitong ipagpatuloy ang kanyang public service nang hindi pumapasok sa pulitika.



Sa ngayon ay wala pang tugon si Willie sa imbitasyon na ito ni Duterte.
YOU MAY ALSO LIKE:
Willie Revillame, napa-throwback sa kanyang showbiz journey as he celebrates his 60th birthday
Pika's Pick: Meryll Soriano introduces new baby to Lolo Willie Revillame
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber