Pagbubura ni McCoy de Leon ng lahat ng photos sa kanyang Instagram—maliban sa isang family photo nila nina Elisse Joson at Baby Felize—palaisipan sa fans

PHOTOS: @HashtagMccoyOfficial on Facebook & @mccoydeleon on Instagram

PHOTOS: @HashtagMccoyOfficial on Facebook & @mccoydeleon on Instagram

Palaisipan ngayon sa fans and followers ng aktor na si McCoy de Leon ang pag-aalis n’ya ng mga photos sa kanyang Instagram account. 

Kakapin-pansing burado na ang lahat ng photos sa IG account ng Viva actor maliban sa isang black and white photo nila ng nakahiwalayang si Elisse Joson at anak nilang si Felize. The photo was uploaded last July 2022.

Wala ring caption na nakalagay dito na p’wedeng maging clue sa pagtatanggal n’ya ng photos sa kanyang account.

Hindi tuloy mawari ng fans kung talagang deleted na o naka-archive lang ang mga photos ni McCoy.

Wala ring makapagsabi kung paraan ba n’ya ito pagso-social media detox o way ng pagmo-move on sa breakup nila ni Elisse, o kaya naman ay bagong panimula kung totoo man ang tsika na nagkabalikan silang muli.

It can be recalled na nito lang first week ng January 2023 ay pinatotohanan ni McCoy ang bali-balitang hiwalay na sila ni Elisse. Bago kasi mag-Pasko last year ay lumutang na ang espikulasyon ito.

However, nag-sorry lang ang Deleter actor sa publiko at itinanggi ang diumano’y third party ang dahilan sa pagkasira ng kanilang relasyon. Hindi rin s’ya nagdetalye pa sa dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Elisse.

Pero makalipas lang ang ilang araw ay naispatan ang dalawa na magkasama sa isang restaurant sa Tagaytay. 

Kaya naman umugong ang bagong online speculation na muli silang nagkamabutihan.

Meron din namang napaisip na baka nag-usap lang sila para maging maayos ang kanilang co-parenting setup.

Sa ngayon ay wala pang pagkukumpirma mula  sa McLisse couple kung alin ang totoo o hindi sa mga tsikang ito. Wala namang pagbabago sa laman ng IG account ni Elisse.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

McCoy de Leon, kinumpirma na ang haka-hakang hiwalay na sila ni Elisse Joson

Fans nina McCoy de Leon at Elisse Joson, nangangambang may tampuhan ang dalawa

McCoy de Leon at Elisse Joson, no pressure sa pagpapakasal: “Marami pa kaming ini-explore ngayon… Kasama na du’n ’yong kailangan mag-ipon.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.