Pagbe-beso nina Brad Pitt at Jennifer Aniston sa SAG awards, nagpakilig ng fans

Kapwa nanalo sa SAG Awards sina Brad at Jen. Si Brad ay male supporting actor in a motion picture for Once Upon A Time In Hollywood at si Jen as female lead actress in a drama series for The Morning Show.

Photos: Instagram

Kapwa nanalo sa SAG Awards sina Brad at Jen. Si Brad ay male supporting actor in a motion picture for Once Upon A Time In Hollywood at si Jen as female lead actress in a drama series for The Morning Show.

Kinilig ang Netizens na makitang magkasama ulit sa isang big Hollywood event ang ex-couple na sina Brad Pitt at Jennifer Aniston.

Nag-cross paths ang dalawa sa katatapos lamang na 26th Screen Actor’s Guild (SAG) Awards na ginanap sa Shrine Auditorium and Expo Hall in Los Angeles, California.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Elle Taiwan (@elletaiwan) on

Kinasal ang dalawa noong 2000 at nag-divorce in 2005. Pero naka-move on na sila, nagkaroon ng closure at ngayon ay good friends na sila.

Kung noon ay nag-iiwasan ang dalawa sa red carpet, lalo na nung ma-involve romantically si Brad sa aktres na si Angelina Jolie pagkatapos nilang gawin ang pelikulang Mr. & Mrs. Smith.

Pero ngayon, nagagawa na nilang magtawanan at magbiruan. Nag-throwback ang ilang netizens noong unang makita sa red carpet ng SAG Awards ang dalawa as husband and wife 20 years ago.

Tuloy umaasa ang netizens, lalo na fans na BradJen, na baka may chance na magkabalikan ang dalawa. Hiwalay na kasi si Brad kay Angelina at divorced na si Jennifer sa mister nitong si Justin Theroux. 

Anway, kapwa nanalo sa SAG Awards sina Brad at Jen. Si Brad ay male supporting actor in a motion picture for Once Upon A Time In Hollywood at si Jen as female lead actress in a drama series for The Morning Show.

"Let's be honest, it was a difficult part. The guy who gets high, takes his shirt off, and doesn't get on with his wife. It's a big stretch. Big,” sey ni Brad sa kanyang acceptance speech.

The camera then cut to a shot of Aniston, who clapped for her ex-husband’s win.

Noong si Jennifer naman ang nanalo, nahuli si Brad na nakangiti at pinapanood ang pagtanggap ng kanyang ex-wife ng SAG trophy sa backstage monitors.

“Caught this pretty cool moment when Brad stopped and watched Jen win her Sag Award, he couldn't stop smiling," wrote E! reporter Jason Kennedy on Twitter.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Nevanta (@nevantamedia) on

 

Kilig overload na noong magkita na backstage ang mag-ex at nagbatian. 

Iba’t ibang memes at comments sa Twitter ang dumagsa dahil sa photos ng dalawa.

 

Heto pala ang complete set of winners ng SAG Awards 2020:

Outstanding Cast in a Motion Picture: Parasite
Male Actor in a Leading Role: Joaquin Phoenix (Joker)
Female Actor in a Leading Role: Renee Zellweger (Judy)
Female Supporting Actor in a Motion Picture: Laura Dern (Marriage Story)
Male Supporting Actor in a Motion Picture: Brad Pitt (Once Upon A Time in Hollywood)
Stunt Ensemble in a Motion Picture: Avengers: Endgame

Male Actor in a Drama Series: Peter Dinklage (Game of Thrones)
Female Actor in Drama Series: Jennifer Aniston (The Morning Show)
Male Actor in a Comedy Series: Tony Shaloub (Marvelous Mrs. Maisel)
Female Actor in a Comedy Series: Phoebe Waller-Bridge (Fleabag)
Female Actor in a Miniseries: Michelle Williams (Fosse/Verdon)
Male Actor in a Miniseries: Sam Rockwell (Fosse/Verdon)
Ensemble in a Drama Series: The Crown
Ensemble in a Comedy Series: The Marvelous Mrs. Maisel
Stunt Ensemble in a Comedy or Drama Series: Game of Thrones

Life Achievement Award: Robert de Niro

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Joker ni Joaquin Phoenix, wagi sa dami ng Oscar nominations

Quentin Tarantino, hindi raw magiging producer at director kung hindi dahil sa hit sitcom na The Golden Girls

Cameron Diaz, nanay na!

Taron Egerton at Awkwafina, surprise winners sa Golden Globes

Madonna, nag-New Year with new bf?

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.