Pag-amin ni Alden Richards na na-fall siya noon kay Maine Mendoza, negative ang dating sa netizens

Hiling ng isang netizen, dumating na raw sana ang babaeng para kay Alden Richards para may maikuwento naman itong bago kapag natanong ito about his love life at hindi raw puro revelation from the past.

PHOTOS: @mainedcm on Instagram

Hiling ng isang netizen, dumating na raw sana ang babaeng para kay Alden Richards para may maikuwento naman itong bago kapag natanong ito about his love life at hindi raw puro revelation from the past.

Sinalubong ng negative reactions mula sa mga netizens, partikular na ang mga fans ni Maine Mendoza, ang ginawang pag-amin ni Alden Richards na na-fall s’ya dito noon.

Ipinagtapat n’ya ito kahapon, October 9, sa programang Fast Talk With Boy Abunda. Naroon ang aktor para sa i-promote ang upcoming movie nila ni Julia Montes na Five Breakups and a Romance.

Dahil sa kuwento at title ng kanyang pelikula n’ya ay natanong s’ya ni Tito Boy tungkol sa tandem nila noon ni Maine Mendoza na AlDub kung iyon ba ang kanyang biggest romance and his biggest breakup.

“Romance, yes, Tito Boy. Ang daming opportunities na dumating po sa buhay ko because of it. I’m very grateful to Maine. I’m very grateful to Eat Bulaga by all means, sincerely,” sagot ni Alden.

Doon ko po naramdaman na talagang when you work hard for something, si Lord pag may hinihingi ka, hindi N’ya ’yon ibibigay sa panahong gusto mong makuha. He always has this magic of giving you at the right timing,” pahayag pa n’ya.

Sa kabila nu’n, itinuturing n’ya rin daw na biggest breakup ang nangyari sa love team nila ni Maine.

“But breakup, Tito Boy, yes. But let’s remove the negative context of breakup in this conversation, Tito Boy, with AlDub,” aniya.

“Because it doesn’t necessarily mean that when you’re going through a breakup laging masama, laging masakit, laging malungkot,” paliwanag ng aktor.

May maganda rin naman daw kasing dulot ang paghihiwalay nila ng actress-TV host bilang magka-love team.

“It was a breakup because both of us, Maine and I, need growth. We need to, you know, parang venture into our individual lives, to learn more, and move forward,” he explained. 

Kasunod nito ay natanong na s’ya ni Tito Boy kung na-fall o nagkagusto s’ya kay Maine noon.

“Yes po. Hypocrite po ako kung hindi. Yes po. Ayaw ko pong sabihin na alam n’ya pero I did, I did confess,” pag-amin ni Alden.

Hindi na nagbato pa ng follow up question ang TV host bilang respeto umano kay Maine dahil kakakasal lang nito sa husband nitong si Arjo Atayde.

Dahil sa mga binitiwan ni Alden, nag-top trending topic naman kagabi ang pangalan nila ni Maine pero marami sa mga posts sa X [formerly Twitter] about Alden’s confession ay nagtataglay ng negative reactions.

Bakit ngayon lang daw umamin ang aktor kung kailan happily married na si Maine.

“To[o] late .,.she’s very happy and so I[n] love with [her] husband !,” komento ng isang netizen sa sinabi ng tinaguriang Asia’s Multimedia Star sa interview.

Feeling naman ng iba, ginagamit daw ng aktor ang dati nitong ka-love team para sa promotion ng pelikula nito with Julia Montes.

“[K]awawa naman si yaya dub na laging nagagamit ni alden,” pahayag ng isang netizen.

“Tama na ac__l-ng alden at todo gamit ka kay maine dahil may movie ka haha obvious na gusto ni maine start [p]a lamg. Wag kami ul*l,” maanghang na patutsada naman ng isang netizen sa aktor.

“Ang nakakabwisit laging no comment si Alden sa mga issues kay Maine pero pag kailangan nya ng promo Gamit na Gamit. Ikaw talaga ang Pabuhat at Mangga[gamit] of the year!” buwelta ng isa pa.

Ayon naman sa iba, sobrang late ang ginawang pag-amin ni Alden dahil masaya na ang taong nadadamay sa rebelasyon n’ya sa kani-kanilang mga ka-relasyon. 

“Parang ganito lang din yan. Una si Julie ngayon si Maine. Yung mga babae na ang saya na sa partner nila si Alden gngmit pa sila para sa sarili niya,” saad ng isang fan.

“[I] dont know kung masyadong honest lang si alden pero i dont think theres any need to confess that, on national tv, plus married si maine. and yes, why now?” taong ng isang X user.

Hiling naman ng isa, dumating na raw sana ang babaeng para sa Kapuso actor para may maikuwento itong bago kapag natanong ito about his love life.

“Ewan ko sayo Alden dumating na Sana para sayo hinde puro kanalang revealed Ng mga nakaraan,” wish nito.

“[L]ahat Ng ni revelation Masaya sila sa relasyon nila Sana ikaw din soon di puro ganyan Sana pag tatanungin ka ni boy jowa mo naman ilalabas mo,” pagtatapos ng netizen.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mikee Quintos, umaming “umasa” noon kay Alden Richards; “Masisisi n’yo ba ako?”

Sanya Lopez, special request ni Alden Richards para makasama niya sa Magpakailanman special

Alden Richards, gustong si Joshua Garcia ang gumanap bilang siya sakaling magka-part 2 ang life story niya sa Magpakailanman

Fans ng AlDub, kinilig sa sagutan nila Maine Mendoza at Alden Richards sa Instagram

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.