Online Girl Talk nina Pops Fernandez at Sharon Cuneta, naging mala-50 Shades of Grey dahil sa mga usapang “dim lights,” “skinny dipping,” at “posas”

PHOTOS: @popsfernandezofficial & @reallysharoncuneta on Instagram,  Pops Fernandez on YouTube

PHOTOS: @popsfernandezofficial & @reallysharoncuneta on Instagram, Pops Fernandez on YouTube

Binusog ng aliw, katatawanan, at rebelasyon nina Concert Queen Pops Fernadez at Megastar Sharon Cuneta ang kanilang mga fans sa online live tsikahan nila last Wednesday, May 27, na napanood live sa YouTube.

Si Megastar ang nagsilbing special guest ni Pops, fondly called Pipay in showbiz, sa kanyang online streaming na may episode title na GIRL CHAT WITH SHARON CUNETA. Ang close friend at “imported guest” naman ni Pops na si Joy Ortega ang nagsilbing moderator nang dalawa during their game segment sa bandang dulo ng online tsikahan.

If you’re a fan of either of both of them, malamang na alam mong very close sila noong araw dahil, una, magkapit-bahay sila sa Dasmariñas Village sa Makati, kapwa sila nag-aral sa IS (International School), at ninang ni Pops si Ms. Helen Gamboa na aunt at second mom kung ituring naman ni Mega.

Kaya naman sa simula ng online show, nagbalik-tanaw muna ang dalawang singer-actresses kanilang high school life, sa mga panahong nag-uumpisa sila pareho sa showbiz, ang kani-kanilang makukulay na lovelife (bagama’t may rule silang walang banggitan ng pangaklan), hanggang sa umabot ang topic sa buhay-pamilya nila pareho, magkaroon ng kani-kaniyang asawa't pamilya, hanggang sa pumasok na nga si Joy sa streaming nila to officiate their game. 

Sa game portion ng show, humingi na ng tulong si Pipay sa kaibigan si Joy Ortega para i-host ang “How Well Do We Know Each Other Game?” Sasagutin lang ni Megastar ang mga tanong tungkol kay Pops while the Concert Queen has to answer the questions na may kinalaman naman kay Sharon. 

Ang mananalo sa laro ay magkakaroon ng chance para mag-request sa matatalo. Kahit ano daw na request basta afford at kaya ng powers nila. 

In the end, nag-tie ang dalawa kaya naman para may manalo ay humiling si Pops na magkaroon ng tie-breaker question. At well-prepared naman si Joy dahil marami pala siyang baong tanong. Suggestion ni Joy, mga “never have I ever” questions nalang daw ang ibabato niya.

'Yong safe ha,” natatawang warning ni Pops sa kalog na moderator. 

Kahit ano!” game namang say ni Mega.

Ang unang tanong ni Joy ay: “Never have you ever done skinny dipping?”

“I have,” nabubungisngis na amin ni Sharon.

“I have,” amin din ni Pops. “It’s fun.”

At hindi lang sila umamin, nag-elaborate pa.

Sharon: In Phuket [Thailand] with my husband. 
Joy: Ang saya
Pops: But it's fun. 
Sharon: I was in a private villa so I was skinny dipping. 
Joy: Daytime or nighttime?
Sharon: 'Yong may araw pa tapos dumilim na. 
Pops: Ako super night time. Hahaha! 
Sharon: Bakit? Ang ganda-ganda ng katawan mo...
Pops: Praning ako. I’m so praning. What if someone’s watching or whaterver, ‘di ba? 

Patikim pa lang pala 'yon dahil from skinny dipping, nauwi ang masayang usapan sa kani-kanilang intimate moments with their partners...or in Pops’s case, former partner/s.

Naisingit kasi ni Megastar ang mala-Boy Abunda’ng tanong na “lights on or lights off.” Naalala kasi ni Mega ang dati live session ni Pops na napanood niya kung saan pinili ni Pops ang “lights off” kapag may ka-intimate moment.

At dahil na-curious din ni Joy kaya binalingan nito si Sharon.

Joy: Ikaw, Ate Shawie?
Sharon: Hindi. Gusto ko dim [light]. Either candle light or... ’cause I like...okay.... 
Pops: Shadows and silhouettes...
Sharon: No. I like to see the eyes and the face. And if it's a little dark...you have five senses, ’di ba? So when it's a little dark, all the other senses are heightened. 

And there was a short silence among them para i-process marahil nang dalawa ang sinabi ni Sharon. 

Sharon: It’s not just about...But I like to see the face. 
Pops: Kailangang ma-experience ko uli yan. Hahaha! Kailangang ma-experience ko uli yan para...
Sharon: Ayoko nang bukas ang ilaw kasi parang...
Pops: Walang drama, '’di ba? Pag sobrang bright walang drama. 
Sharon: I like to feel... there are moments... this is SPG [Strict Parental Guidance], mga kaibigan
Pops: Nainitan tuloy ako. My God!

Joy: Ako din pinawisan
Pops: Pinawisan ako, Ate Shawie. 
Sharon: Ayoko ng brownout. Pero ayoko nang maliwanag at all. Gusto ko konting ilaw...
Pops: Tama naman s’ya. Dim. Dramatic. Silhouette. 

Nauwi na naman sa bungisngisan ang tatlo hanggang sa mabanggit ni Pops na bigla n'yang na-miss ang magkaroon ng lovelife.

Pops: Ayan tuloy...Naka-miss tuloy ako ng love. Parang all of a sudden [naisip ko], ‘Bakit ba ako walang lovelife? Bakit ba gano’n? Biglang sana magka-love life ako ngayon.’ Anyway...Hoy, Joy, behave dapat 'yang never have I ever [questions] mo.
Joy: Behave? We're adults. Come on! The questions have to evolve also. 
Pops: Pinawisan ako sa’yo, my Lord!
Sharon: I don’t think I’ve never been so comfortable talking about that. Nakakalimutan ko na may audience tayo. Hahaha!

At lalong natawa si Sharon nang ma-realize na nasa malapit lang sa kanya ang kanyang mga anak.

Muli na sana magtatanong si Joy nang makita nila ni Pops na nakatakip pa ng mukha at naka-iwas sa camera si Sharon habang tawang-tawa pa rin sa kabilang linya. 

Pops: Ate Shawie, bumalik ka dito. Tawa ka nang tawa
Joy: Balik sa pelikula, please. Kilig na kilig, o. Ang pula-pula n’ya. 
Pops: Kaya nga. D’yos ko, ’Day. Parang matatapos tayo kaagad kasi magdi-dim na s’ya ng lights in a while...

Matapos ang kanilang hagikhikan about their bedroom revelations, nauwi naman ang tanungan sa pag-inom ng alak kapag heart broken.

Joy: Never have you ever been so drunk because of a broken heart?
Sharon: I don't drink but I did get drunk because of a broken heart. Yeah.
Pops: Of course. Of course.
Sharon: Ang dali ko pa malasing. Isang baso tapos na ang usapan. Haha!

Pops: But why nga? Why do we do that? Because we think we’re gonna have fun or forget? Because the next day you get a hang-over and it sucks. 
Sharon: Exactly. 
Pops: So it's not even fun, you know. 
Sharon: Ako, hindi na aabot next day. Sumusuka na ako. Hahaha!
Pops: It's not fun. I guess you do it because at that moment you think you’re gonna have fun, right? 
Sharon: I drink because I think it will numb me for few hours. And we drink because we don’t do drugs. 
Joy: Amen. Guys get drunk, too.
Sharon: You know, my husband, [I told him] ‘I don't understand what's the big deal about alcohol?’ Sabi n’ya, ‘Wine is an acquired taste.’ Sabi ko, ‘It's the taste I don’t wish to acquire. I’m pretty happy with my juices and my iced tea.
Pops: Wine is an aquired taste. 
Sharon: You're a singer, ha. Wine can destroy your voice. Worse than cigarettes can. 
Pops: (Thumbs up) I stopped drinking nga because of my acid reflux. ’Di ba, I drink wine before? I stopped. It’s not worth it. 

At mas naging wild pa ang kwentuhan nang ibato na ni Joy ang next question na: Never have you ever been in handcuffs for any reason? Tila ang gustong tukuyin ng tanong ay kung nagka-kaso na ba sila o nahuli ng pulis. Pero iba ang naging paka-hulugan ni Megastar at nag-ala 50 Shades of Grey ang tema.

“Oh no. Never. Never been requested, so never,” patay-malisyang sagot ni Mega. “I would not request it...”

Matagal hindi sumasagot si Pops kaya Sharon called her attention.

“Oh...someone's not answering,” tukso ni Sharon

Ayon kay Pops, na-posas-an na siya sa isang eksena sa pelikula na hindi bumenta kay Sharon at Joy.

“What movie?” dare ni Joy.

“K’yems lang. Next [question]! I said yes. It's okay [na],” iwas ni Pipay.

Napa-kanta nalang si Mega habang pinipiga pa ni Joy si Pops—na biglang bumawi nang piltin nito si Mega na subukang magpa-posas na tila ba naranasan na niya.

Pops: But Ate Shawie, you should. You should! Hahaha! You should try it. 
Sharon: Baka maka-tulog, e, makalimutan akong tanggalin sa handcuffs. Baka maka-tulog. 
Pops: Once lang. Once. Wala lang. For adventure or whatever. 
Joy: (Itinaas ang kamay na animo'y naka-posas) “Honey, gising! Nakalimutan mo ako.”
Pops: Next! Ayan, sumasayaw na si Joy. Next! Game! Juskolord. Ano ba itong mga never have I ever na ito?

Dahil sa saya ng usapan, nakalimutan na nilang magtala ng scores kaya hindi naging malinaw kung sino ang winner kaya pinush na ni Pops ang makapag-request kay Sharon gaya ng naging usapan sa simula ng kanilang game.

“So, tie tayo?” tanong ni Pipay. “Gusto ko pa naman mag-request. Magre-request na lang ako maski na tie.”

Kahit naman walang contest p’wede kang mag-request sa’kin,” sagot naman ni Mega. 

Pops: Ayon naman pala pinahirapan ko pa sarili ko. 
Sharon: Wag lang lovelife. Wala akong maibibigay sa’yo.
Pops: Sabi ko, I wanna request something. Hindi naman date,  Ate Shawie. Hindi naman kailangang ihanap mo ako ng date. Wala namang gano’n...Pero single ha at certain age. Just in case you have friends. But it's not that. It's not my request. Ang request ko is sana Ate Shawie makabalik ka sa YouTube Live ko at mag-duet naman tayo.
Sharon: E, ‘di ba ise-save natin yan sa concert [natin]?. 
Pops: Pa-sample lang tayo ng isang song lang. 

In the end, bukod sa planong magsama sa isang concert pag wala ng COVID-19 pandemic, ay muling napa-oo ni Pipay si Megatar for a Part 2 online guesting, kung saan magdu-duet sila para sa kanilang mga tagahanga.

Panoorin ang kabuuan ng GIRL CHAT WITH SHARON CUNETA! ni Pops Fernandez dito:


 


 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.