Okay lang daw kay Cindy Miranda kung itatakwil siya ng Bb. Pilipinas dahil sa pelikulang Adan

“Nasa puso ko pa rin ang pagiging beauty queen. Pero ngayon, desidido na akong maging aktres.”  Caption: “Utang na loob ko ’yong confidence na meron ako sa Binibini [Pilipinas]. Kung sino ako ngayon, kung ano ’yong si Cindy ngayon.  “At gusto kong malaman nila na ito na ’yong Cindy na nagsimula sa Binibining Pilipinas, ito na siya ngayon. Ayaw ko naman na isipin nila na sexy star ako or bold star ako. Gusto ko sana mapanood nila, [tapos] sabihin nila na actress ako.”

Photos: Instagram

“Nasa puso ko pa rin ang pagiging beauty queen. Pero ngayon, desidido na akong maging aktres.” Caption: “Utang na loob ko ’yong confidence na meron ako sa Binibini [Pilipinas]. Kung sino ako ngayon, kung ano ’yong si Cindy ngayon. “At gusto kong malaman nila na ito na ’yong Cindy na nagsimula sa Binibining Pilipinas, ito na siya ngayon. Ayaw ko naman na isipin nila na sexy star ako or bold star ako. Gusto ko sana mapanood nila, [tapos] sabihin nila na actress ako.”

Isa si Bb. Pilipinas Tourism 2013 Cindy Miranda sa mga certified beauty queens na nakapag-cross over sa showbiz. At marami-rami na ring siyang nagawang pelikula.

But she will soon be adjudged as a lead star, opposite Rhen Escaño, in Adan, kung saan gaganap silang lovers. During the movie’s press conference last week, inamin kapwa nina Cindy at Rhen na ibinigay at ipinakita na nila ang “lahat” sa pelikulang ito. 

Kumbaga: all-our sexy scenes checked; anatomy exposure, checked; crafty acting, checked.

Kaso, tila do-double whammy siya sa Binibining Pilipinas organization. Bukod kasi sa nagpa-sexy na siya sa movie, na against the rules diumano ng prestigious pageant body; lesbiyana pa ang role niya.

Pero alam naman daw ni Cindy ang pinasok niya. Of course, kinabahan daw siya sa mga p’wedeng repercussions sa pagiging beauty queen niya. Pero feeling din niya, it’s time to step up in her acting career at Adan ang tamang vehicle at ngayo0n ang tamang panahon.

“Of course, sobrang thankful po ako na napili po ako sa movie na ito,” simulang paliwanag ni Cindy. “Hindi po ako magsisinungaling, hindi ko po sasabihin sa inyo na hindi ako kinabahan kasi binasa ko po ’yong istorya... s’yempre everyone knows that I am a beauty queen at isa ito sa rules ng Binibining Pilipinas na ‘Hindi ka p’wedeng mag-sexy or else itataboy ka namin.’ I remember that. 

“Sabi ko nga no’ng binasa ko ’yong istorya, sabi ko, ‘Kung hindi ako aalis dito sa comfort zone ko na ito at sa level na ito, kailan pa ako le-level up? This is the chance, this is the opportunity. Hindi ito ibibigay sa akin palagi. Pero ang kailangan ko lang gawin, gawin ito nang maganda, magaling... kasi kung gagawin ko lang ito na maghuhubad lang ako at wala lang, ang cheap lang tingnan I don’t think worth itong gawin.”

Cindy says Adan, despite its unconventional theme, has all the elements of a quality movie—lovely, well-written story by Yam Laranas, handed over to tasteful director Roman Perez to execute.

“Sabi ko dahil napakaganda ng istorya, Yam Laranas ito, Direk Roman ito, bakit hindi ko ipagkakatiwala ang sarili ko?” balik-tanong ni Cindy. “At no’ng pinili nila ako, sabi ko kung nagtiwala sila sa akin, I think kailangan mas pagkatiwalaan ko ang sarili ko na kaya ko itong gawin kaya nila binigay sa akin ito.”

At dahil tinanggap niya ang hamon ng Adan, handa rin daw siya sa anumang magiging reaksyon at desisyon ng mga taga-Binibining Pilipinas regarding this.

“Kaya ’yon ’yon, nag-decide ako na kahit na ano man mangyari, kung itaboy man ako ng Binibining Pilipinas, hindi man nila ako i-invite sa mga coronation nights or kahit anong event, okey lang po. Nasa puso ko pa rin ang pagiging beauty queen. Pero ngayon, desidido na akong maging aktres talaga.”

Dinagdag pa niyang sanay naman daw siya sa rejections dahil it wasn’t an easy climb for her, too, noong sinusubukan palang niyang pasukin ang mundo ng beauty pageantry.

“Sanay naman po akong itaboy, ma-reject... so, okey lang po ’yon. pero hindi maalis sa akin ’yong, you know, pagiging Binibining Pilipinas. Nasa parte ko na po ’yon. Pero ngayon naman dahil gusto kong maging aktres—magaling na aktres, hindi lang seksing aktres—ito na ’yon. Minsan, sana po maging best actress ako

Kung susuportahan nila ako, mas magiging masaya ako. At kung hindi naman, okey lang din ’yon kasi alam ko sa loob nila, na sa puso nila, kilala nila ako. At kung hindi man tama sa rule nila, maintindihan ko.”

Paano raw kya kung maparatangan siyang walang utang na loob?

“You know, utang na loob ko ’yong confidence na meron ako sa Binibini [Pilipinas].  Kung sino ako ngayon, kung ano ’yong si Cindy ngayon. 

“At gusto kong malaman nila na ito na ’yong Cindy na nagsimula sa Binibining Pilipinas, ito na siya ngayon. Ayaw ko naman na isipin nila na sexy star ako or bold star ako. Gusto ko sana mapanood nila, [tapos] sabihin nila na actress ako.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.