Ogie Diaz, suportado si Toni Gonzaga sa controversial Bongbong Marcos interview nito; Toni, malaki ang kikitain

Tanong ni Ogie Diaz sa mga bashers ni Toni Gonzaga: “Ano ba ang gusto nilang ikorek ke Toni, e, nagtatanong lang naman ’yong tao?”

PHOTOS: @celestinegonzaga on Instagram; INSET: @ogie_diaz on Instagram

Tanong ni Ogie Diaz sa mga bashers ni Toni Gonzaga: “Ano ba ang gusto nilang ikorek ke Toni, e, nagtatanong lang naman ’yong tao?”

Hindi natinag ang comedian and talent manager na si Ogie Diaz sa pagsuporta sa TV host-actress na si Toni Gonzaga after nitong umani ng backlash sa pag-i-interview nito kay Bongbong Marcos sa kanyang YouTube channel.

Marami kasi ang hindi natuwa sa ginawa ni Toni sa pagbibigay daw nito ng platform sa anak ni dating pangulong Ferdinand Marcos para diumano pabanguhin ang pangalan ng kanyang late father sa kabila ng mga issue umano nitong plunder, corruption, at iba pa sa loob ng dalawampung taon nitong panunungkulan. 

Lumikha ng online debate ang nasabing interview sa pagitan ng mga Marcos supporters at mga anti-Martial Law sa social media. 

Naglabas din ng open letter para kay Toni ang Ateneo Martial Law Museum at hinimok siyang interview-hin  din daw ang mga biktima ng Marcos atrocities noong ito pa ang namumuno sa Pilipinas. 

Sey ni Ogie, dapat daw ay ipagpatuloy lang ni Toni ang ginagawa nitong pag-i-interview sa mga personalidad kung wala naman s’yang inaapakang tao. 

Sabi ko kay Toni ay ituloy mo lang ’yan hangga’t wala kang tinatapakan,” pahayag ni Ogie sa kanyang vlog kahapon, September 21 na coincidentally ay 49th anniversary ng declaration ng Martial Law noong 1972.

Maging s’ya daw ay hindi rin nakaligtas sa bashing. May mga kinukuwestiyon raw kasi sa kanya kung ano ang alam n’ya sa mga nangyari noong panahon ng Martial Law sa Pilipinas. 

Kahit nga ako bina-bash ako, e,” lahad n’ya sa vlog. “‘Wala kang alam sa kasaysayan ng Martial Law.’”

Suggestion ni Ogie, mas mainam daw na mas pagtuunan ng pansin ng mga Filipino ay kung paano reresolbahin ang mga kinakaharap na problema ng bansa sa kasalukuyan.

Sabi ko nga, ‘Bakit ’yong Martial Law ang pinag-aanuhan natin? Kung ano ang mga issue ngayon ’yon ang ating harapin,’” mungkahi ni Ogie. “’Yon ang dapat nating harapin at bigyan ng solusyon. Alam n’yo na ’yan. Mararamdaman n’yo na sa paligid ’yan.

Kung s’ya man daw ang nasa kalagayan ni Toni ay gagawin n’ya rin ang ginawa nitong pag-i-interview. 

“For as long as na hindi ko sinusulsulan or sinasahugan or binabatbatan pa ’yong ini-interview ko. Hindi ’yong parang ini-spoon feed ko ’yong ini-interview ko. Hindi. Hayaan n’yo s’yang magsalita.

Pagtatapos ni Ogie, “Hindi naman po nangangahulugan na kami dito ay binabalewala ang Martial Law.”

Nauna nang ipinagtanggol ni Ogie si Toni sa kanyang Facebook post last September 16, just a few days matapos mag-trending ang interview nito with the younger Marcos. 

Doon, pinagtatakhan naman ng manager ni Lisa Soberano kung bakit ipinagtutulakan umano ng mga bashers ang ipa-interview kay Toni ang mga biktima ng Martial Law.

“Kahit naman ako si Toni Gonzaga, bakit ko iinterbyuhin ang mga Martial Law victims?” tanong ni Ogie sa kanyang FB post.

“’Andu'n na ako—na wala ako doon [noong panahon na ’yon]. Na naiintindihan ko sila. Na somehow, alam ko din yon, kahit 2yo pa lang ako at that time at nalaman ko lang nung malaki na ako...Na nakikidalamhati tayo.”

Nag-suggest pa s’ya na gumawa rin ng kanilang YouTube channel ang mga against sa ginawa ni Toni at doon nila kontrahin ang mga inilahad ni Bongbong sa online show. 

“Ano ba ang gusto nilang ikorek ke Toni, e, nagtatanong lang naman ’yong tao?” pagpapatuloy n’ya. 

“Kung feeling ng ibang netizens at historians na mali si Toni, mali ng claim si Bongbong Marcos, eh di gawa rin kayo ng youtube channel, tirahin n'yo si Toni, boldyakin n'yo si Bongbong. 

“Ilabas n'yo yung mga itinatago n'yong ebidensiya ng mga biktima ng Martial Law at ipamukha n'yo kay Toni o kay Bongbong at i-remind n'yo uli yung sambayanang Pilipino sa madilim na kasaysayan ng bansa nu'ng Martial Law. Di ba, mas okay yon? Mas kumpleto n'yong maipe-present ang kasaysayan noon.”

Tinawag din n’yang OA o nag-o-over acting ang mga nagko-call out sa actress at pilit na pinai-interview sa kanya ang mga Martial Law victims. 

“Pero 'yung i-demand n'yo kay Toni na interbyuhin din niya ang mga biktima o pamilya ng mga biktima ng Martial Law, di ba, ka-oe-yan yan?” ani Ogie. “Unless pagbigyan kayo ni Toni. Choice niya na yon, dahil siya may-ari ng channel niya.”

Dahil sa mga banat ng netizens against Toni ay mas nakinabang pa daw ito dahil mas na-curious ang tao na panoorin ang pinagde-debatehang interview n’ya kay Bongbong. 

At present nga ay umani na ng mahigit 6.4 million views ito. 

“Tingnan n'yo, kakasita n'yo kay Toni, ang daming na-curious, pumunta sa yt channel ni Toni, pinanood nila yung Bongbong interview, nakadagdag pa ng views,” tila may paninisi pa sa tono Ogie sa mga bashers ng aktres. 

“So, ano? Dapat ba may isyu rin nu'ng unang panahon si VP Leni Robredo para manganak din ang number of views nito sa one-on-one interview nito with Toni a few weeks ago?” patanong na pagtatapos n’ya. 

 

Kahit naman ako si Toni Gonzaga, bakit ko iinterbyuhin ang mga Martial Law victims? Andu'n na ako. Na wala ako doon....

Posted by Ogie Diaz on Thursday, September 16, 2021

Sa taas nga ng views ng Bongbong interview ni Toni na idagdag pa sa bilang at amount ng ads na pumapasok kada view, Toni is simply laughing all the way to the bank ngayon. No wonder, unaffected siya.

Hindi nga ba at dalawang beses nang pa-simpleng ipinagmalaki ni Toni sa kanyang Instagram Stories ang laki ng views at pagte-trending ng kanyang BBM interview?

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.