Ogie Diaz, may simpleng balik-banat sa basher na nagsabing “balik chismoza” siya mula raw noong umalis sa poder niya si Liza Soberano

May netizen na nagsabing naagaw na raw ni Ogie Diaz ang trono ng pagiging King of Talk mula kay Boy Abunda. Pero kinontra ito ng basher n’ya na nagsabing nagbalik lang daw si Ogie sa pagiging showbiz reporter ngayong umalis na sa pangangalaga n’ya hawak nito noong big star na si Liza Soberano.

PHOTOS: @ogie.diaz.5 on FB and @lizasoberano on IG

May netizen na nagsabing naagaw na raw ni Ogie Diaz ang trono ng pagiging King of Talk mula kay Boy Abunda. Pero kinontra ito ng basher n’ya na nagsabing nagbalik lang daw si Ogie sa pagiging showbiz reporter ngayong umalis na sa pangangalaga n’ya hawak nito noong big star na si Liza Soberano.

Pabirong banat ang sagot ng comedian-vlogger and showbiz insider na si Ogie Diaz sa isa n’yang basher na tila nang-ismol sa trabaho niya bilang showbiz reporter.

Nag-ugat ito sa balita ng isang Kapuso fan page last February 12 sa X (formerly Twitter) na nag-renew na ng kontrata ang King of Talk na si Boy Abunda sa GMA Network.

Isang basher ng Kapuso TV host ang nag-retweet sa nasabing post para sabihing wala na umano itong kredibilidad pag dating sa pagbabalita ng mga kaganapan sa showbiz.

“HINDI NA CREDIBLE SI BOY ABUNDA! THAT’S THE TWEET! Agree?” walang pasintabing pahayag nito na naghahanap pa ng ibang netizens na sasang-ayon sa kanya.

Hindi naman s’ya nabigo dahil isang netizens ang nag-comment na naagaw na umano ni Ogie ang trono mula kay Tito Boy. 

“Trewww. Ogie Diaz is the new Asia's King of Talk and Revelation! [Face with hand over mouth emoji],” saad nito at tinag pa mismo ang X account ni Ogie. 

Mukhang ang pinagmumulan nito ay ang nag-trending kamakailan na makabagong bansag kay Ogie bilang patron ng mga “Chismis” at “Hiwalayan.” Ilang scoop kasi n’ya tungkol sa breakup ng ilang celebrity couples ang nagkatotoo.

However, isang basher ng komedyante ang lakas-loob na humirit. Sabi nito, ang pagbibigay ng showbiz reports and chika naman daw talaga ang trabaho ni Ogie noon pa man.

Binalikan lang daw n’ya ang trabahong ito nang umalis na sa pangangalaga n’ya ang dati n’yang talent at ngayo’y Hollywood actress na si Liza Soberano.

“Yan nman dati nyang work showbiz chika nga segment nya. Kasu ngaun wala na si liza, balik chismoza na ulit sya. Kakompetensya na ni cristy fermin,” pahayag nito.

Tila ba gusto nitong ipakahulugan na tumamlay na ang career ni Ogie bilang manager magmula noong mawala sa kanya ang dating alagang aktres.

Nakarating naman ito kay Ogie kung kaya’t ini-retweet n’ya ito kalakip ang maikli pero pabiro n’yang response.

“Kulang ka sa tulog, nak. [Two face with tears of joy emojis],” simpleng banat ng komedyante.

Caption

Hindi na sumagot pa ang kanyang basher.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ogie Diaz, naloloka sa bansag na “Patron ng mga Hiwalayan, Marites, at Chismis"

Ogie Diaz, pumalag sa akusa ng mga fans ng KathNiel at ni Andrea Brillantes na fake news peddler siya

Ogie Diaz, nanindigang hindi niya sinisiraan si Andrea Brillantes; “Walang p’wedeng sumira sa'yo kundi ang sarili mo.”

Matapos okrayin at isali sa listahan ng mga "Bullies of the year awardees,” Ogie Diaz, nakipag-bardagulan sa mga bashers: “O, e paano ngayon yan? Umamin ang idol nyo?”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.