October wedding nina Alex Gonzaga at Mikee Morada, napurnada dahil sa pagkakaroon nila ng COVID-19

PHOTOS: @cathygonzaga on Instagram

PHOTOS: @cathygonzaga on Instagram

Napaiyak na lang ang actress-TV host na si Alex Gonzaga nang malamang nag-positive silang buong pamilya sa COVID-19. 

Ito ang ikinuwento ng actress-vlogger sa kanyang latest vlog entry na in-upload last October 24 kung saan nga inamin n’ya na dinapuan ng nasabing respiratory illness ang kanyang pamilya. 

Sa nasabing video—na pinagtagpi-tagping portions ng kanilang 14-day quarantine journey—ipinaliwanag ng 32-year-old TV-host-comedian kung bakit hindi pa s’ya nagpapakita sa bagong noontime show niya sa TV5 na “Lunch Out Loud “ kung saan isa siya sa mga co-hosts kasama sina Billy Crawford, Bayani Agbayani, KC Montero, Wacky Kiray at K Brosas.

“Maraming nagtatanong sa akin kung bakit hindi pa ako lumalabas sa Lunch Out Loud,” pangunang salaysay ni Alex sa kanyang vlog. "Hindi pa ako nagpapakita sa show is because nagka-COVID po ako, and thank God, ako ay naka-survive. Actually, the whole family [survived]. Nagkaroon po ng outbreak dito sa bahay.”

Paliwanag ni Alex, ginawa n’ya daw ang vlog entry para i-share sa kanyang mga viewers ang kanilang pinagdaanan, para matuto sa kanilang “mistakes” and “recklessness.” Gusto rin umano niyang magbigay ng hope sa mga tao na p’wedeng gumaling ang isang nagkasakit ng COVID; pero gusto rin niyang magbigay-warning na totoong merong pandemic para doon sa mga hindi pa rin sumiseryoso sa bagay na ito.

Tsika pa n’ya, mukhang nakuha daw nila ang virus dahil sa pagbil-bili ng pagkain sa labas. Mayroong umanong “nag-crave” na isang kasama sa bahay na hindi niya pinangalanan. At since ito ang nagdala ng Covid sa bahay nila, kaya hinala ni Alex na nakuha nito ang virus noong time na lumabas ito.

“Nakuha namin s’ya [virus] out of pagkain sa labas which is naintindihan ko naman. Nagyaya s’ya. Nawala lang s’ya ng ilang hours, pagbalik n’ya, siguro doon n’ya nakuha…”

Una daw nahawa ang kanilang Mommy Pinty at Daddy Bonoy na kapwa positive asymptomatic o ‘yong mga hindi nakaramdam ng anumang sintomas. 

However, sila naman daw ng fiancé n’yang si Mikee Morada at ang assistant n’yang si Sofie ay pawang nakaranas ng mga mild symptoms gaya ng panghihina, slight fever, sore throat, kawalan ng panlasa at gana sa pagkain, at baradong ilong.

At sa recorded video nga na ipinakita ni Alex habang nasa Day 3 siya ng kanyang quarantine, naipaiyak ang komedyana habang sinasalaysay ang mga naantala sa buhay nila dahil sa sakit.  

“Sobrang nasira lahat ng plan ko ngayong October,” pahayag ni Alex habang umiiyak out of frustration sa video. “Gusto kong ikasal ngayon kasama ang family, konting friends. 

“Dahil sa walang kakwenta-kwentang bagay nagkaroon kami ng COVID. So, kailangan ko baguhin lahat ng plan ko. Tapos may new show ako dapat...Kasama ako dapat sa new show na noontime. Hindi rin ako naka-attend so malamang for the next two weeks dito ako sa loob ng bahay.

“Gusto mo ikasal pero hindi naman pwede,” pagpapatuloy n’ya. “Gusto mo ikasal pero ganito ang nangyari...so, hindi mo alam kung itutuloy mo pa o hindi.”

Day 4 into her quarantine nang makumpirma ni Alex na COVID positive nga siya dahil lumabas na ang test result nila. Sa  nasabing Day 4 video, mahinahon na si Alex pero malungkot pa rin dahil sa dami ng napurnadang milestone sa buhay.

Sa ngayon ay negative na sa sakit ang aktres at kanyang pamilya matapos ang kanilang pagka-quarantine at pagsunod sa mga safety protocols. 

“I surived COVID,” sey ni Alex sa bago matapos ang video. “I really, really have to be extra, extra, extra careful. And that’s why I’m showing you guys this to let you know that you can survive COVID. Kaya n’yo... ‘wag kayong mag-panic. And if ever man na hindi n’yo na nakakayanan, you consult your doctor.”

Nagbigay din s’ya ng kaunting tips kung paano malalabanan ang sakit.

“As much as possible, you have to take good care of your body. You have to boost your immune system kahit nasa loob lang kayo ng bahay. Drink vitamins. Drink kalamansi. Lahat ng C na lang kainin n’yo na,” pagbibiro pa n’ya. 

“I think okay po ‘yong isa na na-practice namin na once na nalaman naming ang isang kasamahan namin ay nag-positive [sa COVID], right then and there, nag-quarantine na po kami kaagad. We started our quarantine. 

“You always have to gargle with salt and water kung wala kayong Bactidol or anything na panglinis [ng lalamunan]. ‘Wag n’yong [gagamitin] ang dishwashing [liquid],” dagdag biro pa n’ya.

“And also, you have to rest para okay ang inyong katawan,” pagtatapos ni Alex. 

Nagtapos ang video on a positive note dahil lahat naman nang dinapuan ng COVID sa bahay nila at maging si Mikee ay nag-negative at naka-recover na sa sakit.

PANOORIN ang kabuuan ng COVID-19 journey and recovery ni Alex Gonzaga at ng kanyang pamilya dito:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.