Nueva Ecija board member Jason Abalos at Vickie Rushton, nagpa-prenup shoot sa Pantabangan Lake para makahikayat ng turista doon

Tila may kasamang hugot ang back story ni Jason Abalos kung bakit nila pinili ni Vickie Rushton na mag-prenuop shoot sa Pantabangan Lake.    “Pinalubog ang lumang bayan ng Pantabangan para bigyan daan ang pagpapagawa ng Hydroelectric Power Plant noong panahon ni President Marcos,” aniya.   Dahil sa nangyari ay nabigyan ng patubig daw ang mga farmlands sa mga kalapit-bayan at nagkapagbigay ng kuryente sa iba’t ibang lugar ang itinayong planta ngunit nawalan naman ng ikinabubuhay ang mga tao sa Pantabangan dahil nga lumubog sa tubig ang kanilang bayan.  Dahil dito, hinihikayat niya ang lahat na bisitahin sila as tourists para umano may dagdag na pagkakitaan ang mga kababayan nila doon.

PHOTOS: @jason.abalos.94043626 on Facebook

Tila may kasamang hugot ang back story ni Jason Abalos kung bakit nila pinili ni Vickie Rushton na mag-prenuop shoot sa Pantabangan Lake.   “Pinalubog ang lumang bayan ng Pantabangan para bigyan daan ang pagpapagawa ng Hydroelectric Power Plant noong panahon ni President Marcos,” aniya.  Dahil sa nangyari ay nabigyan ng patubig daw ang mga farmlands sa mga kalapit-bayan at nagkapagbigay ng kuryente sa iba’t ibang lugar ang itinayong planta ngunit nawalan naman ng ikinabubuhay ang mga tao sa Pantabangan dahil nga lumubog sa tubig ang kanilang bayan. Dahil dito, hinihikayat niya ang lahat na bisitahin sila as tourists para umano may dagdag na pagkakitaan ang mga kababayan nila doon.

 

Pinusuan ng mga netizens ang ikatlong batch ng prenup photos ng magkasintahang Jason Abalos at Vickie Rushton na ibinida ng aktor sa kanyang mga  social media accounts kagabi, August 16.

Filipiniana ang naging tema ng photoshoot nila kung saan lumabas ang kagwapuhan ng actor-turned-politician sa suot n’yang barong, while Vickie was a stunning bride-to-be in her white terno.

Mas naging dramatic pa ang mga larawan dahil napili nilang prenup shoot venue ang Pantabangan Lake sa Nueva Ecija.

Ayon kay Jason, pinili umano n’ya nasabing location dahil gusto n’yang ma-showcase ang potential nito bilang tourist destination. 

“Pinili ko ang Pantabangan kung saan ako pinanganak, para maipagmalaki sa lahat ang ganda nito,” lahad ng newly-elected board member sa kanyang social media post.

Kasunod nito ay ang kanyang tila hugot sa malungkot na nakaraan ng Pantabangan kaya ito naging lawa.

“Pinalubog ang lumang bayan ng Pantabangan para bigyan daan ang pagpapagawa ng Hydroelectric Power Plant noong panahon ni President Marcos,” aniya. 

Dahil sa nangyari ay nabigyan ng patubig daw ang mga farmlands sa mga kalapit-bayan at nagkapagbigay ng kuryente sa iba’t ibang lugar ang itinayong planta. 

However, nawalan naman ng ikinabubuhay ang mga tao sa Pantabangan dahil nga lumubog sa tubig ang kanilang bayan. 

“Kasabay nito ay nawalan ng sakahan na pangunahing kabuhayan ng mga Pantabangeño. Napatubigan ang mga sakahan sa mga kalapit na bayan, at nakapag supply ng kuryente na makakadagdag sa pangangailangan ng bansa,” tila may hugot na pahayag ni Jason. 

Kaya naman gusto n’ya umanong mapasigla ang tourism sa lugar para mabigyan ng hanapbuhay ang mga kababayan n’ya doon.  

“Hangang sa ngayon, ang tanging maaasahan na ng mga kababayan ko ay ang palakasin ang turismo. Kaya iniimbitahan ko kayong lahat sa aming bayan,” saad ng Kapuso actor. 

“Marami ditong Water sports na pwede gawin. Malinis ang simoy ng hangin at magaganda ang tanawin, twing summer at [pag] mababa ang level ng tubig ay nagpapakita ang lumang simbahan sa gitna ng tubig,” pagtatapos n’ya. 

 

Pinili ko ang Pantabangan kung saan ako pinanganak, para maipagmalaki sa lahat ang ganda nito. Pinalubog ang lumang...

Posted by Jason Abalos on Tuesday, August 16, 2022
 

Hi Missis 🙂 (practice lang, lapit na din naman haha)

Posted by Jason Abalos on Tuesday, August 16, 2022

Last August 2020, sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic, ay nai-feature ang lugar na ito sa magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho. Bahagya kasing bumaba ang water level ng lake that time kaya’t muling nasilayan ang bahagi ng lumubog na simbahan doon na s’yang tinutukoy ng aktor.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Jason Abalos and girlfriend Vickie Rushton call out airline for lost and damaged luggage and delayed response to their complaint; airline apologized

Pika's Pick: Jason Abalos in now a coffee farmer

Jason Abalos, ayaw ipapanood kay Vickie Rushton ang sexy-drama movie niyang Silab

Pika's Pick: Jason Abalos and Vickie Rushton belatedly announce their engagement!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.