No-filter trailer ng Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, patok sa Netizens

Kahit openly ay ayaw mo ang bold and daring at matabil na si Darryl Yap—na nag-aalmusal ng bashing—ay siguradong curious ka din kung what this movie is all about.

Photos: @viva_films

Kahit openly ay ayaw mo ang bold and daring at matabil na si Darryl Yap—na nag-aalmusal ng bashing—ay siguradong curious ka din kung what this movie is all about.

As of 9:00 PM ngayong araw, January 9, ay nakapagtala na ng 4.6 millions views sa Facebook Page ng Viva Films ang official trailer ng pang-opening salvo nila sa 2021—ang Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar—na in-upload lang kagabi. 

Ang riot na pelikula, na mula na naman sa malikot na imahinasyon ng #Jowable director na si Darryl Yap, will be screened on January 29 sa kabubukas lang at mainit-init pang VivaMax, ang streaming platform ng Viva.

Nabuo ni Direk Darryl ang pelikula dahil din sa pangarap—pangarap niya raw kasing mai-direk at maka-trabaho si Rosanna Roces na isa sa apat na bida niya sa pelikulang ito. The other three ay ang mga diyosa rin ng kani-kanilang panahon na sina Alma Moreno, Ara Mina, at Maui Taylor. First time magsama-sama ng apat na pantasya ng bayan sa isang project at ayon na rin sa kanila, nakabuo sila ng sisterhood dahil sa movie.

Damay na din sa sisterhood ang mga baguhang sina Aj Raval, Anna Jalandoni, at Rose Van Ginkel na siyang mga nagsiganap as “pornstar trainees” noong apat. Yon kasi ang plot, kailangang mag-build up ng bagong pornstar at ang mga ungol veterans na sina Alma, Osang, Ara, at Maui are tasked to train them how to be one.

Kung normal lang ang panahon at bukas ang sinehan sa buong bansa ay nangangamoy blockbuster din ito gaya ng #Jowable. Trailer palang kasi ay aliw na aliw na ang mga nakapanood with matching may nostalgia effect pa sa ibang mga dating pumantasya kina Ness, Osang, Ara, at Maui.

Sa mga comments ay maraming nagto-throwback at binabalikan ang kanilang teen years at pumupuslit sila para panoorin ang mga pelikula ng kani-kanilang idolo. Ilan sa mga ito ang up to now ay naitago pa ang mga FHM copies nila kung saan nag-cover sina Ara at Maui noong early 2000.

Ani Direk Darryl, maraming part ng pelikula ang natural na natural dahil pinag-adlib lang niya ang mga artista niya—who are actually playing themselves. Parang nag-reunion lang talaga ang apat para sariwain ang mga karanasan nila sa pagbo-bold star nila noong araw. At maski daw siya ay nagugulat nalang sa mga sine-share ng apat during takes.

Now palang ay marami na talagang nag-aabang dahil casting palang, ulam na. Bagong-bago at original ang concept at para mapapayag ni Direk Darryl ang apat na balikan ang nakaraan nila sa movie industry kahit na milya-milya na ang ni-level up nila sa career at sa buhay, there must be something na naka-kiliti rin sa kanila.

Kaya kahit openly ay ayaw mo ang bold and daring at matabil na si Darryl Yap—na nag-aalmusal ng bashing—ay siguradong curious ka din kung what this movie is all about.

At masa-satisty ang curiosity na yan sa January 29, sa VivaMax.

Meanwhile, sa mga di pa nakapanood ng trailer, kindly click the link below:

 
Paglaki ko, gusto kong maging #PORNSTAR

P*** ng pelikula, Puso ng Artista Noon, Hubog ng Katawan Ngayon, Hubad na Katotohanan Alma Moreno, Ara Mina, Maui Taylor and Rosanna Roces in Paglaki ko, gusto kong maging #PORNSTAR From the writer and director of the blockbuster hit, #JOWABLE, Darryl Yap. Cumming soon on January 29, 2021! Only at Vivamax Gusto mo bang sumilip? (https://www.vivamax.net)

Posted by VIVA Films on Friday, January 8, 2021

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.