Nikka Garcia responds to rude commenter on Jennylyn Mercado's IG

Screenshots from @nikkamgarcia and @mercadojenny

Screenshots from @nikkamgarcia and @mercadojenny

"Good vibes only." Yan ang hiling ni Nikka Garcia, asawa ng aktor na si Patrick Garcia, sa isang netizen na nag-comment ng hindi maganda sa Instagram post ni Jennylyn Mercado. 

Ang pinost ni Jennylyn ay larawan ni Alex Jazz, her 10-year-old son with Patrick. 

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

Unang nag-comment si Nikka sa larawan si Jazz, saying: "Hehe! So handsome jazz!!!! Grabe!!!😍 jen... make more babies na❤️"

Ilang netizen ang nakapansin at nag-reply sa comment ni Nikk, kabilang na ang user na si @brehlast, na sinabing "@nikkamgarcia san ba Patrick? Hahahahaha."

Tinawag ng isang netizen na "rude" si @brehlast, habang ang isa naman ay sinabing respetuhin sana niya si Nikka. 

Hindi naman pinalampas ni Nikka ang kumento ni @brehlast. Sagot niya: "@brehlast hi! Patricks with me.

"Jen is happily in a relationship with Dennis Trillo. I can only imagine their combo.

"Regardless tho jen is  beautiful so she will obviously make good looking kids no matter who she ends up with!

"Good vibes only ❤️ God bless you!" 

Taong 2015 noong ikasal si Nikka kay Patrick. May tatlo na silang anak: si Michelle, 5; Patrice, 2;  at Pia, 7 months old. 

Si Jennylyn at Dennis naman ay wala pang sinasabi kung may plano na silang magpakasal. 

Humanga naman ang commenters kay Nikka dahil sa mature niyang pagsagot. Ito ang ilan sa mga comment: