Ngongo character ni Jerald Napoles sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam, hindi daw inilagay doon as a ridicule

“Hindi ako natakot na tumatakay ng [tungkol sa] person with disability dito sa katauhan ni Ngongo, ni Jerald, because it’s about time that we move on from saying that when you give spotlight to a person with disability sa mga movies and [TV] series na you’re doing that just to ridicule...hindi ganoon ang character ni Ngongo.”—Direk Darryl

Photos: Darry Yap Facebbok | Vivamax

“Hindi ako natakot na tumatakay ng [tungkol sa] person with disability dito sa katauhan ni Ngongo, ni Jerald, because it’s about time that we move on from saying that when you give spotlight to a person with disability sa mga movies and [TV] series na you’re doing that just to ridicule...hindi ganoon ang character ni Ngongo.”—Direk Darryl

Hindi na bagong pag-usapan na sanay na sanay na ang writer-director na si Darryl Yap sa mga bashing at hate campaign ng Netizens.

Na-bash siya dahil sa kontrobersal na mga titulong Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar, Titiling, at Revirginized. Pati ang diumano ay “problematic” poster ng Tililing—kung saan ipinakitang naka-dila ang mga main characters ng pelikula—ay maigting na tinutulan maging ng mental health advocates sa pangunguna ni Liza Soberano, and later on, ng Anxiety and Depression Support Philippines (ADSP).

Pero ang laging katwiran ni Direk Daryll, ay panoorin muna daw sana ang pelikula bago husgahan. Ang Tililing, for instance, ay “kampi,” kung tutuusin sa mental health advocacy dahil tinalakay dito ang abusive environment na isang mental health institution na ang story umano ay inspired sa tunay na naranasan ng isang kamag-anak mismo ng may akdang si Daryll.

This time, pinupuna naman ang paglalagay niya ng isang ngongo o ’yong may cleft palate na character sa paparating niyang pelikulang Ang Babaeng Walang Pakiramdam (ABWP). Hindi na raw napapanahon at hindi na politically correct gamitin sa mga pelikula as comic relief ang mga ganitong karakter.

But Direk Da (Darryl’s nickname), during the ABWP virtual con, refused to discuss kung ano ang kabuuang karakter ni Jerald Napoles sa pelikula, opposite his real-life sweetheart na si Kim Molina, who is playing the title role.

“Pag idinetalye ko ang character ni Je, parang kinuwento ko na ang buong pelikula,” paiwas na sagot niya.

Basta daw at siya mismo ay naiyak nang todo sa isang big scene ni Je sa movie.

He also assured the press na hindi inilagay ang karakter ni Je bilang ngongo para kutyain. Kabaligtaran nga daw ang intension.

“Hindi ako natakot na tumatakay ng [tungkol sa] person with disability dito sa katauhan ni Ngongo, ni Jerald, because it’s about time that we move on from saying that when you give spotlight to a person with disability sa mga movies and [TV] series na you’re doing that just to ridicule...hindi ganoon ang character ni Ngongo.

“They [people with cleft palate] are living and they are actually part of a community at paano sila maintindihan ng tao nang hindi ganoon ka-sensitive.

“I think pag napanood na ’yong pelikula, ’yong mga may cleft palate, ’yong mga persons with disability will agree na they are the most sensitive people because of what they are coping with on a day-to-day basis... sa kanilang nararamdaman physically, sila pa ’yong madalas nabu-bully, sila pa ’yong madalas nakakatanggap ng panlalait.

Dagdag paniniguro pa niya: “His character is done with utmost sensitivity and respect This [ngongo character] is actually a complete opposite of Tasha [Kim’s] character na wala namang pakiramdam.”

(Ang character kasi ni Kim ay mayroong Congenital Insensitivity to Pain, which is an extremely rare disease, thus the title).

Sumegunda din ang mag-dyowang KimJe sa sinabi ng kanilang director. 

“Kami rin naman hindi namin tatanggapin ’yong project kung alam naming mari-ridicule ’yong mga persons with disability,” ani Kim. 

“Oo kasi may mga kaibigan akong gano’n [may cleft palate],” say naman ni Je.

Samantala, mukang nangangamoy hit—virtual version—ang moneymaker tambalang Darryl Yap-Kim Molina (of #Jowable) na Ang Babaeng Walang Pakiramdam dahil as of presstime ay meron ng 10M views sa Facebook ang official trailer 2 nito matapos itong i-release kagabi lang (May 12).

It will start streaming on Vivamax, ktx.ph, and iWantTFC starting June 11.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

“Ang sakit-sakit pala...”—Darryl Yap on his works being pirated

Darryl Yap, pinadalhan ni Sharon Cuneta ng LV bag worth $5,000!

Nag-viral na wedding announcement nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, requirement pala ng simbahan

Vice Ganda, hindi hirap financially pero aminadong malaki ang nawala dahil sa pandemic

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.