Newbie actor Chad Solano, humataw sa bed scene kaya nakasira ng dalawang kama sa shooting ng Bata Pa Si Sabel

May protesta ang newbie actor na si Chad Solano matapos siyang ibuko ni Direk Reynold Giba at kanyang mga co-stars na nakasira s’ya ng dalawang kama habang kinukunan ang isang mainit na eksena sa Bata pa Si Sabel. Hindi lang naman daw kasi s’ya ang nasa kama that time.

PHOTOS: @chaddmorenoofficial on Instagram

May protesta ang newbie actor na si Chad Solano matapos siyang ibuko ni Direk Reynold Giba at kanyang mga co-stars na nakasira s’ya ng dalawang kama habang kinukunan ang isang mainit na eksena sa Bata pa Si Sabel. Hindi lang naman daw kasi s’ya ang nasa kama that time.

Umaatikabong daring scenes daw ang dapat aabangan ng mga manonood sa upcoming movie na Bata Pa Si Sabel, ayon mismo sa direktor na si Reynold Giba.

Sinabi n’ya ’yan sa media conference nila kamakailan para sa nasabing sexy-drama-thriller movie matapos silang matanong ng entertainment press kung may bago bang love scenes silang ipapakita sa pelikula na never pang napanood sa Vivamax. 

“Yes, definitely po. May mga bagong bed scenes…na sobrang lala. Kinakabahan na talaga kami,” natatawang sagot ng isa sa mga cast members na si Angela Morena.

Bukod naman daw sa mga mapupusok na eksena ay magugustuhan din daw ng mga manonood ang kuwento ng kanilang pelikula.  

Kaabang-abang po. And hindi lang ’yong bed scenes, e…’yong kuwento talaga ng Bata Pa Si Sabel sobrang iba, sobrang ganda,” aniya. 

Sinasabi pa lang sa amin ’yong kuwento, I am so amazed and happy sa film na ’to. And yeah, Bata Pa Si Sabel is a blessing to us.”

Dinugtungan naman ito ni Direk Rey at sinabing matitinding bed scenes nga ang masasaksihan ng viewers sa movie.

And speaking of matitinding bed scenes, nakasira pa daw ng dalawang kama ang isa sa mga aktor sa pelikula na si Chad Solano habang kinukunan nila ang isang maselang eksena. 

Talagang madami. Just to give you an idea ha. Here’s a trivia, dalawang beses… Bukod sa kuwento na sinabi ni Angela na marami ring eksenang bago na ipapakita dito, dalawang beses nakasira ng kama si Chad,” natatawang pagsisiwalat ni Direk Rey. 

Isang part ’yon na iba talaga ang makikita nilang sex scenes/bed scenes dito sa pelikulang [Bata Pa Si] Sabel,” dagdag pa n’ya.

Hindi naman nakatanggi si Chad sa tila panlalaglag sa kanya ng kanilang direktor. 

’Yan na nga po, e. Alam din po ’yan ni Rash [Flores],” sagot ng newbie actor. 

Patulay lang daw ’yon na mabubusog ang mga mata ng manonood. 

Marami silang aabangan sa Bata Pa Si Sabel and first time n’yo sigurong makikita sa Vivamax. Sa Bata Pa Si Sabel n’yo lang mapapanood ’yang eksena na ’yan. ’Yon lang po,” natatawang sabi pa ni Chad. 

Pero protesta n’ya, hindi lang naman daw s’ya ang nasa kama that time kaya ’yon bumigay. 

Grabe naman kayo. Bakit, ako lang ang nakasira ng kama? Ilan ba tayo sa kama?” tanong n’ya sa kanyang co-stars. 

Apat po kami sa kama nu’n, e. Apat kami sa kama kaya ibig sabihin hindi lang po ako ang nakasira. Bale, apat po kaming nakasira nu’n. Si Micaella [Raz], si Benz [Sangalang], ako…sino pa ba? Si JC [Tan],” pagde-detalye ng moreno actor. 

Komento naman ni Angela sa mga sinabi ni Chad, “Hala, nandamay pa s’ya.

Tumanggi rin ng mga kapatid at co-stars ni Angela na sina Micaella at Stephanie Raz sa pandadamay ng aktor.

Hindi, Chad. Ikaw lang daw talaga ’yon. Ikaw daw talaga sabi ni Direk,” sey ng mga ito. 

“Moment mo ’yon, e,” pagdidiin naman ni Direk Rey sa aktor. 

Wala namang nagawa si Chad kundi ang matawa na lang. Pero hindi pa rin n’ya inamin na solo n’yang nasira ang dalawang kama. 

Ang pagkakaalam ko po doon is isa lang po ang nasira kong kama…kami ni Micaella sa eksena namin nu’n. Haha!” natatawang pahabol n’ya. 

Anyway, matutunghayan ang tinutukoy nilang eksena kung saan nakasira ng dalawang kama si Chad sa pelikula nilang Bata Pa Si Sabel na mapapanood simula ngayong December 2 sa Vivamax. 

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.