Netizens, na-bobohan kay DJ Loonyo matapos nitong ipagkamali na ang mass testing ay para sa bakuna

"It's like...gagana ba 'tong bagay na 'to sa ganitong ano... 'Di ba? I don't know kung anong gagamitin nila sa mass testing. Kung ano man yong ipapainum nila, kung ano man 'yong ipapagawa nila, it's a trial and error that is why it's a mass testing. "

PHOTOS: @djloonyo on Instagram, @MrMainit on Facebook

"It's like...gagana ba 'tong bagay na 'to sa ganitong ano... 'Di ba? I don't know kung anong gagamitin nila sa mass testing. Kung ano man yong ipapainum nila, kung ano man 'yong ipapagawa nila, it's a trial and error that is why it's a mass testing. "

Muling nag-viral ang dancer-vlogger na si Rhemuel Lunio o mas nakilala bilang DJ Loonyo matapos s'yang magbigay ng kanyang opinyon hinggil sa mass testing for coronavirus disease [COVID-19]. 

Mali kasi ang pagkakaunawa ng dancer-vlogger sa sinasabing mass testing para malaman kung positive ang isang tao sa COVID-19. Inakala nitong vaccine clinical trial ang panukalang mass testing ng bayan.

Matagal na nga kasing hiling ng mga netizens na magkaroon ng malawakanng mass testing ang gubyerno para mai-identify kung sino ang positive sa COVID-19 ng sa gayon ay mai-isolate nga anv mga ito at mabigyan ng karampatang lunas at nang hindi na makahawa sa iba. 

At nagbigay nga ng opinyon niya tungkol dito ang viral sensation na si DJ Loonyo. Ang pag-o-opinionate niya ay naganap sa Facebook Live tsikahan nila ng kanyang kapwa dancer na si alyas Mr. Mainit na kumalat ngayong araw, June3, sa social media.

Sa pag-uusap ng dalawa, nasabi ni DJ Loonyo na kawawa umano ang mga sasailalim sa mass testing gayong wala naman daw kasiguruhan kung epektibo ang “vaccine” na gagamitin.

"My question is bakit ka magma-mass testing if ever sasabihin mong itong vaccine na to is 100 percent na gagana?" tanong ni DJ Loonyo in the course of his conversation with Mr. Mainit "Bakit mo ima-mass testing? Right?"

At dahil ang pagkakaintindi ng Cagayan De Oro-born dancer ay vaccine ang ite-test sa mga tao, kawawa daw ang mga ito kung sakaling magkaroon ng kakaibang reaction sa kanilang katawan ang bakuna.

"So ibig 'yong [ima]mass testing, kawawa 'yon," pahayag niya. "Kung sino 'yong kasama doon sa mass testing na 'yon good luck kung anong klaseng reaction ang gagawin ng vaccine sa katawan mo kung kabilang ka doon sa ima-mass testing."

Dagdag pa n'ya, magiging "trial and error" daw ang mass testing dahil hindi pa naman daw napapatunayang ligtas at mabisa ang vaccine. 

"It's like...gagana ba 'tong bagay na 'to sa ganitong ano... 'Di ba? I don't know kung anong gagamitin nila sa mass testing. Kung ano man yong ipapainum nila, kung ano man 'yong ipapagawa nila, it's a trial and error that is why it's a mass testing. Kaya kawawa yong magi-intake, kawawa yong maga-undergo doon cause it's not 100 percent proven." 

Sinabi din ng China-based Filipino dancer-choreographer na hindi dapat sapilitan ang pagpapa-test. 

"It shouldn't be mandatory," pahayag ni DJ Loonyo. "It should be encouraged. Depende na sa'yo kung gusto mo i-test 'yong sarili mo o kung gusto mo paniwalaan yong ano nila, 'di ba?

"For me, 'Why would you test me?' I'm a human being. I will react kung ano 'yong ipapainom mo sa akin. Paano kung 'yong ipapainom mo sa akin magre-react nang medyo malala 'yong katawan ko? I'm dead, 'di ba? Kaya 'di ako naniniwala sa mass testing na 'yan. Kumbaga, you don't test people..."

However, nilinaw din ng 24-year-old disc jockey na nasa publiko pa rin ang desisyon kung gusto nilang sumailalim sa COVID-19 testing.

"Sorry baka ma-misinterpret tayo ng tao ah," ani DJ Loonyo. "Hindi ko sinasabi 'Huwag sila mag-mass testing.' Kayo ang bahala doon. Ito lang ang point of view ko. Should I say rapid testing o mass testing. 'Yon ;yong naririnig ko doon e. 

"Iba-iba lang 'yong pangalan but it's just mass testing...rapid testing, COVID testing, iisa lang 'yon e. They just wanna know if it's gonna work or not."

Nagbigay pa ang online celebrity ng mga theories niya na pwede umanong mangyari kung sasailalim ang isang tao sa COVID-19 test. 

"Pa'no pag-uwi mo ngayon biglang reactant pala 'yong na-take mo? Pa'no kapag may ininom[an] ka na baso or si kids or si Uno iinom [sa] the same baso and then affected na lahat. You don't know. 

"It's okay na maging metikuloso sa kung anong ini-intake natin nowadays because we're really vulnerable of these things. Lalo na kapag wala tayong alam

"Coming back to that mass testing or that swab testing, 'di ba galing 'yon sa ibang bansa? Galing sa ibang bansa 'yong mga ganun. What if 'yong swab na 'yon bago pa i-test sa sistema mo meron na palang pampa-positive [sa COVID-19] 'yon? 'Di ba? They’re  just creating something para i-prove na kailangan nang magka-vaccine.

"Kumbaga, planado. Kumbaga, bago s'ya ilagay sa bibig mo, kahit wala ka naman talagang virus pero, what if, meron na talaga [virus] 'yong [test kit na gagamitin]?"

Sabi pa niya, hindi naman daw s'ya anti-vaccine pero mas mabuti na daw 'yong nag-iingat. 

"May kanya-kanya tayong pananaw sa buhay. Sa mga nanonood ngayon, it's up to you. I'm just saying on my part na if ever magkakaroon ng vaccine, I will not take it not unless alam ko 'yong mga substance na nandun sa vaccine na 'yon." 

Dahil sa diskusyunan ng maling premise, kaya naman umani ngayon ng batikos ang online sensation na nakilala sa kanyang mga dance covers.

Ani mga netizens, nag-research or nag-google muna daw sana si DJ Loonyo tungkol sa mass testing bago ito nagkukuda online. 

May mga nagsasabi pang delikado ang ginagawa niya dahil nagpapakalat siya ng disinformation sa mga followers niya.

May mga nasabi ring pagsasayaw nalang ang asikasuhin nito—tutal ay yon naman ang kanyang forte—kesa mag-discuss ng mga bagay na hindi malinaw maski sa kanya.

 

 

Panoorin ang nagviral na video ni DJ Loonyo at alyas Mr. Mainit about mass testing:

 

SOBRANG ALARMING NITO DJ LOONYO NAKAKALOKA HAHAHA. I'M SO DISAPPOINTED. FOR A PUBLIC FIGURE HA. WALA E, MINSAN LANG TALAGA, KAPAG ANG ISANG TAO NAGSALITA NA, IT DESTROYS THE FANTASY. Doon mo sila makikilala. Iyong depth. Iyong substance. Iyong sense. Lahat ng kilig ko sa video niya nawala hahahaa. I NEVER CRINGED SO MUCH OVER AN IGNORANCE LIKE I DID WHILE WATCHING THIS CLIP. Literal akong sumisigaw ng 'PINAGSASASABI MO?!' Hahahaha iba 'to. Nasa ibang dimensyon pag iisip ni Sir. Ang hirap tapusin nu'ng video. I was even hoping na issa prank hahaha. As in pinagtiyagaan ko siya pakinggan hoping na may redemption sa dulo or at least iyong kausap niya e icocorect siya. But much to my surprise, parehas silang walang proper knowledge kung ano ang COVID Testing, Rapid Testing and most importantly, Mass Testing. In almost 3 months of quarantine, almost half a year our world is battling this pandemic, may katulad ni DJ Loonyo who has a very wide audience and has an access to the internet, na hindi alam kung ano na ang nangyayari at kung ano ang mass testing. Mas malala 'to sa confusion ni Harry Roque guys. And God knows, ilang tao pa iyong katulad niya ng paniniwala Hopefully his followers or friends reach out to him and give him a crash course about COVID19. Naiintindihan ko iyong concern niya about being a 'guinea pig' for clinical trial but you know it's completely different hahahaha sobrang nakakastress hahaha. And he was so sure sa sinasabi niya while vaping. I cant. I just can't. Let us educate one another mga kakosa. Do not let this kind of assumption slide. RESEARCH. Nakamamatay ang virus pero mas nakamamatay ang maling impormasyon. Kaya Kids, mag aral kayo maigi. Mabuti. Masipag. Never stop learning. Laging may lamang ang may alam. 2020 na at nagkakapandemic na, hindi pwedeng puro pagwapo paganda pacute lang #KeplerLoonyo

Posted by Inah Evans on Tuesday, June 2, 2020

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.