NCAA courtside reporter and Sparkle star Lexi Gonzales, dream maging newscaster

Bata palang daw si Lexi Gonzales ay mahilig siyang manood ng mga news programs kaya up to now ay nasa bucket list niya ang maging newscaster. "I really watch all the news shows ng GMA, from Imbestigador pa dati to Saksi sa pinaka-late nang gabi. I think nagsasaing ako, nanonood ako ng 24 Oras...Ang daming shows na talagang inaabangan ko dati."

Photos: @lalexigonzales

Bata palang daw si Lexi Gonzales ay mahilig siyang manood ng mga news programs kaya up to now ay nasa bucket list niya ang maging newscaster. "I really watch all the news shows ng GMA, from Imbestigador pa dati to Saksi sa pinaka-late nang gabi. I think nagsasaing ako, nanonood ako ng 24 Oras...Ang daming shows na talagang inaabangan ko dati."

Hindi lang pala ang pagiging aktres at courtside reporter for NCAA (National Collegiate Athletics Association) ang gustong gawin ni Lexi Gonzales. Pangarap din niyang maging isang newscaster balang araw.

Sa naging panayam sa StarStruck Season 7 First Princess sa podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel, naikuwento ni Lexi na mahilig siyang manood ng mga news programs kahit noong bata pa siya.

“Bata pa lang po ako, I really watch all the news shows ng GMA, from Imbestigador pa dati to Saksi sa pinaka-late nang gabi. 

“I think nagsasaing ako, nanonood ako ng 24 Oras, and of course, Art Angel. Ang daming shows na talagang inaabangan ko dati.

(Ang Art Angel ay ang dating informative show ni Pia Arcangel sa GMA.)

“And then, sabi ko, ‘Ano kaya ang feeling na ganito ang trabaho?’ Bukod pa roon, you raise an entire generation e. Like ako, I was raised by really great newscasters, lahat naa-absorb ko dati because of you guys.”

Dahil inspired si Lexi sa kanyang mga favorite news programs kaya naisip niyang pag-aralan someday ang maging isang broadcast journalist.

"Someday I wanna be a person na nag-aambag ng malaki sa lipunan natin. Up until now I want to be a newscaster someday.

“Pero s'yempre mag-aaral muna ako and really go through a lot of challenges and training muna,” sey pa ng 23-year old Sparkle star.

Sa ngayon ay nate-train humarap at magsalita ng live sa harap maraming tao si Lexi sa pamamagitan ng kanyang pagiging courtside reporter for NCAA.

Ang tawag kay Lexi sa NCAA ay “Ang Celebrity Student Reporter ng Cavite City.”

“Being a courtside reporter kasi is not easy, so I really have to invest time and knowledge. 

“S'yempre po, I have to report right, hindi puwedeng mali. And it’s a new world din for me, e, so medyo nag-a-adjust pa po ako up until now.”

Dahil sa bagong trabaho, nadiskubre nga ni Lexi na ang isang courtside reporter ay hindi lang nagbabasa ng game report kundi involved din ito sa anumang mangyari sa live game.

“You have to be quick on your feet, kailangan alam mo kung ano ang nangyayari kapag may na-injure, kailangan alam mo agad, kung sino ang na-injure, ano'ng injury, saan na-injure—left knee, right knee? Nasiko? Nagagalit na si coach. Dapat alam mo 'yun. So it’s not really an easy job, it’s hard.

“Being a courtside reporter is different kasi other than we write our own reports, kailangan din kilala mo lahat, kilala mo lahat ng nasa court, lahat ng players, lahat ng coaches, physical therapist...so, mahirap siya, mahirap siyang trabaho 'tsaka you have to give way, you have to be smart.”

Ang ibang kasama ni Lexi bilang NCAA Courtside Reporters ay sina Hannah Arguelles, Glycel Ann Galpo, Alyanna Ysabelle Faustino, Liezl Anne Nierves, Monique Angelika Santos, Diana Marie Igual, Arlove De Jesus, Kristine San Agustin, Julia Mae Ong, Fatima Faye Reyes, and Stephanie Benito.

 

Huling napanood si Lexi sa GMA Afternoon Prime teleserye na Underage at bilang backstage host ng Battle Of The Judges.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.