Nathalie Hart, klinaro ang real status nila ng Indian non-showbiz boyfriend!

Klinaro ni Nathalie Hart ang tunay na estado ng relasyon nila ng kanyang non-showbiz Indian boyfriend Mayank Sharma! Alamin ang buong storya by scrolling down below!

PHOTOS: Adam Laurena (L) and @imnathaliehart on Instagram (R)

Klinaro ni Nathalie Hart ang tunay na estado ng relasyon nila ng kanyang non-showbiz Indian boyfriend Mayank Sharma! Alamin ang buong storya by scrolling down below!

Nilinaw ng sexy actress na si Nathalie Hart ang tunay na estado nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Mayank Sharma.

Sa pocket press interview na ginanap pagkatapos ng press conference ng kanyang pelikula sa iWant na Barbara Reimagined, ang pang-apat na remake ng classic horror film na Patayin Sa Sindak Si Barbara, klinaro ni Nathalie na wala silang problema ni Mayank na ama ng kanyang nag-iisang anak na si Penelope.  Ang LDR (long-distance relationship) kasi nila ngayon ay pinaghihinalaang senyales na may pinagdadaanan sila lalo pa’t nauna na ang balitang “na-postpone” ang kanilang Indian wedding.

Si Mayank ngayon ay nasa India kung saan nagtatapos siya ng kanyang master’s degree sa Business habang si Nathalie naman ngayon ay pinapatuloy ang kanyang showbiz career dito sa Pilipinas habang nag-aaral ng filmmaking sa Film School Manila sa Makati.

Wala pong problema,” agad na paglilinaw ni Nathalie sa press. “[We are] on a break. I’m not single pero alam mo ’yong tipong I’m doing my own thing. Chill muna kaming dalawa.”

Dagdag pa ng bida ng Barbara Reimagined na pinili niya munang bumalik sa Pilipinas dahil wala naman siyang ginagawa sa India, at mas gusto niyang may ginagawa kesa nakatengga lang sa bahay.

“For us, it’s a moment na kailangan asikasuhin namin ’yong buhay naming dalawa,” paliwanag ng aktres. “Kasi siya, of course, he has to finish his master’s, as well. So, siyempre, may ginagawa rin ’yong tao. Alangan naman maghintay ako pag-uwi niya ng bahay, nag-aaral tas nandoon ako.  [...] It’s not very healthy for both parties. [...] So ngayon, at least, nandito ako, may ginagawa ako, may ginagawa siya. Parehas kaming busy. Kung ’di kami busy, mababaliw ka ng ganun, eh.

Sabi pa ni Nathalie na sinusuportahan pa rin naman ni Mayank financially ang pag-alaga sa bata. Ngunit, pagdating sa personal na gastusin ng aktres, gusto niya mismo na galing sa sarili niyang bulsa.

Siyempre, in terms of ’yong akin, gusto ko may sarili din po akong pera,” sabi ni Nathalie.

Ang Barbara Reimagined ay pinapalabas na ngayon sa streaming application na iWant. Bukod kay Nathalie, bibida rin dito sina JC De Vera at Xia Vigor.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.