Nagbabalik-Viva na si Jay Manalo, miyembro pala dapat ng US Navy kung hindi naiwan ng barko

“Mga ilang buwan ko ring iniyakan ’yon kasi ang tagal kong in-apply ’yon, US Navy. Tapos biglang naiwanan ako ng barko. Sa Manila pa ako,  kailangan 8:00 clock [in the morning], nasa formation na. Nasa akin pa ’yong draft list ko ng US Navy. Draftee ako ng US Navy.”

Photos: @vivaartistsagency | screengrab from Zoom conference

“Mga ilang buwan ko ring iniyakan ’yon kasi ang tagal kong in-apply ’yon, US Navy. Tapos biglang naiwanan ako ng barko. Sa Manila pa ako, kailangan 8:00 clock [in the morning], nasa formation na. Nasa akin pa ’yong draft list ko ng US Navy. Draftee ako ng US Navy.”

Certified Batang ’90’s sa showbiz si Jay Manalo dahil noon siya nagsimula at namayagpag alternately bilang action at sexy star.

Technically ay 1994 siya nagsimula by being introduced in the film, Brat Pack ng Viva Films. Si Gary Estrada ang nagbida doon.

Dahil oozing with sex appeal, nabigyan din siya ng mga sexy roles sa Gayuma (1995) at sa titular role bilang Totoy Mola (1997) na dala-dalang tatak niya up to now.

Pero kalaunan ay naging serious actor na din at kinilala sa acting talent ng mga award-giving bodies gaya ng FAMAS at Urian.

Pero ni sa hinagap ay hindi inakala ni Jay—na isang half-Filipino, half-Vietnamese na laking Tondo—na magiging artista siya. Hindi niya naisip noong nag-uumpisa siya na ito ang magiging professional career niya. Noong na-discover siya noong araw ng kasamahan naming namayapang movie writer na si Ray Cañete ay sinubukan lang niya dahil wala na siya choice.

Naipasa raw kasi niya ang draft ng pag-u-US Navy pero noong araw ng alis ay naiwanan siya ng barko.

“Actually, nu’ng panahon na nagkakilala kami ni Ray [Cañete] noon, na-draft ako sa US Navy. Naiwan lang ako ng barko... 1992—January 30. Birthday ko mismo. Naiwanan ako ng barko sa Subic.

“Actually, mga ilang buwan ko ring iniyakan ’yon kasi ang tagal kong in-apply ’yon, US Navy. Tapos biglang naiwanan ako ng barko. Sa Manila pa ako,  kailangan 8:00 clock [in the morning], nasa formation na.

“Nasa akin pa ’yong draft list ko ng US Navy. Draftee ako ng US Navy.”

Frustrated, sinubukan niya ang alok ng pag-a-artista. Pero ang nasa puso naman daw niya noon ay maging professional basketball player.

Kaya gaya ng ibang mga kabataang artista ngayon na hindi pa sure kung ano ang gustong tahakin, dumaan din talaga si Jay sa “pasaway-sa-manager” stage na tumatakas sa natanguang commitments para unahin ang pagba-basketball. 

It took him five years and basketball accident para malinawan na pang-acting talaga siya.

“Kasi ang pino-pursue ko talaga noon, kung matatandaan mo o alam mo, na basketball talaga.

Diba, minsan pinagpapalit ko ang basketball kesa sa shooting at taping? Hindi ako a-attend ng taping o shooting makapag-basketball lang ako. ’Yon ’yong dati kong ano talagang gustong gawin. 

“And then, nasasabi naman nila [mga producers and directors] na p’wede, p’wede ka pa mag-improve. So, ’yon, ang nasa mind ko. ’Yon. Sige lang, sige lang, sige lang... pero hindi ko akalain na ganu’n pala, doon rin pala ako mapupunta. 

Kumbaga sa ano parang kinaltukan siguro ako ni Lord. ‘Uy, isang career lang ang hatakin mo kasi magka-kontra yan— basketball at pag aartista. Sa basketball, hindi ka p’wedeng magpuyat, sa pag aartista puro ka puyat. 

“So, ’yon naaksidente ako sa basketball... sa tuhod. Nasira ’yong tuhod ko. Siguro ’yon ’yong pang-gising sa akin. Mamili ka na lang alin d’yan sa dalawa. Doon na nagbukas ang mind ko. ‘Sige, dito na lang ako.’”

Kahapon, June 23, ay pisikal na nag-homecoming si Jay sa opisina ng Viva sa Ortigas Center para pumirma ng management contract at para sumagot ng mga katanungan sa virtual press conference na inihanda sa kanya ng Viva Artists Agency.

Pagtatapat ni Jay sa online presscon, kung hindi raw siya kinuha ng Viva at patuloy na lalaylay ang career ay nakahanda naman daw siyang mag-retiro.

Pero mukang hindi pa oras dahil may need pa ang showbiz sa versatility niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Xian Lim-Jennylyn Mercado project, kasado na sa GMA-7

Priscilla Almeda, dinepensahan ang nobyong si Jomari Yllana sa isyu ng sustento sa mga anak nito sa ex-partner na si Joy Reyes

Christian Bables, umaming nabiktima ng “Popstar Meal” fan-made ad

Multi-hyphenate na si Kean Cipriano, pagiging tatay ang favorite role of all

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.