Matapos ang halos dalawang taong hiatus ay tuluyan na ngang nagbabalik-showbiz ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez.
Kabilang s’ya sa nag-perform kahapon, February 11, sa musical-variety show na All-Out Sundays kung saan ipinakilala s’ya bilang isa sa mga artistang “single again.”
Doon ay kinanta n’ya ang “Ridin’ Solo” ni American singer-songwriter Jason Derulo na tila akma sa status ng puso n’ya ngayon.
At pagkatapos nga ng kanilang opening number ay kinumusta ni Julie Anne San Jose ang naging buhay n’ya sa Amerika.
“S’yempre, tahimik, masarap, and rejuvenative. Kaya gusto ko magpasalamat sa lahat ng GMA bosses at hinayaan nila akong magpahinga muna nang napakatagal,” sagot ni Tom.
Pinasalamatan din ng aktor ang kanyang pamilya at ang talent manager si Popoy Cartitativo.
“Sa mga mahal ko sa buhay d’yan sa Amerika, thank you so much. At s’yempre, happy birthday and thank you sa mahal na mahal kong manager, Popoy Caritativo. I love you, Poy,” dagdag pa n’ya.
Kasunod nito ay natanong naman s’ya ni Rayver Cruz kung ready na ba ang puso n’ya na ma-in love muli.
“And bro, since Valentine’s season naman ngayon, ang tanong naman ng lahat sa’yo, handa ka na bang tumibok-tibok ang puso mo ulit?” diretsahang tanong ng actor-dancer sa kanya.
Hindi naman ito direktang sinagot ni Tom pero sinabi n’yang masaya at thankful s’ya ngayon.
“Naku! Ang masasabi ko lang, punong-puno at masaya na ang aking puso kaya I’m very, very thankful,” pagtatapos n’ya.
Matatandaang lumipad pa-Amerika si Tom noong 2022 kasunod ng kontrobersyal na hiwalayan nila ni Carla Abellana.
Ilang buwan lang kasi after nilang maikasal noong October 2021 ay nauwi sila sa breakup.
Sa Amerika na naglagi ang aktor kung saan din s’ya nag-file ng divorce para maging legal ang separation nila ni Carla.
At nitong nakalipas na January 27, nag-post ang manager n’yang si Popoy sa social media ng photo nilang dalawa na kinunan umano sa Mandaluyong. Pagpapatunay ito na nakauwi na s’ya sa bansa.
YOU MAY ALSO LIKE:
Tom Rodriguez, nagbalik-bansa na; ready na kayang makaharap muli si Carla Abellana?
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber