Nagbabalik-showbiz na si Claudine Barretto, walang pagsisising pansamantalang iniwan ang entertainment industry

PHOTO: @asteramoyo on Instagram

PHOTO: @asteramoyo on Instagram

Wala daw pagsisisi ang nagbabalik-showbiz na si Claudine Barretto nang pansamanatala niyang iniwan ang pag-arte para mag-focus sa pagiging nanay sa apat n’yang anak. 

Ito ang inilahad ng multi-awarded actress sa virtual media conference last June 7 para sa comeback movie n’ya na may titulong Deception, kung saan makakasama n’yang muli ang dating nobyo at screen partner na si Mark Anthony Fernandez

Paliwanag ni Claudine, masakit daw sa kanya na iwan ang showbiz pero kinailangan n’ya daw gawin para sa kanyang mga anak lalo pa't isa s'yang single mother. 

“It was very painful decision for me,” pag-amin n’ya sa entertainment press. “When Raymart [Santiago] and I, nu’ng naghiwalay kami, I felt that I really had to step back from show business because kailangan ako ng mga anak ko.

Dagdag pa ng celebrity mom, “I didn’t want them to feel na one day pag gising nila wala na silang nanay, wala na silang tatay. It was very painful decision but, of course, at the end of the day, my priority will always be my children.”

Bilang single mom, challenging daw on her part ang pagpapalaki sa mga anak pero hindi naman daw s’ya nakaramdam ng pagsisisi na nagpahinga muna sa pag-arte sa harap ng kamera. 

“And looking at them [her kids] now individually… S’yempre, iba-iba ang needs [and] personalities nila, and mga gusto nila, I try to really make time [and] to go out of my way and I always pray talaga na, ‘Lord, help me to be the mother that I should be for Santino, Sabina, Quia, and Noah,’” pagbabahagi pa ni Claudine.

“I four have kids. They’re such a blessing to me. And I would never ever regret stepping back [from showbiz]. Stepping back lang naman.

At ngayong balik-trabaho na si Clau, bibida s’ya sa upcoming movie na Deception kung saan gaganap s’ya bilang Rose, isang sikat na artista na makukulong dahil sa pagpatay sa kanyang asawa na gagampanan naman ni Mark Anthony. 

After many years ay makakalaya ni Rose at mami-meet n’ya si Ethan na malaki ang pagkakahawig sa hitsura ng kanyang asawa. Doon iikot ang k’wento ng pelikulang Deception. 

“I say yes to this project because it’s different, the story is different. It’s not the typical Filipino movie that you usually get to watch,” paliwanag pa ng aktres sa press. 

Hindi rin daw n’ya mahindian ang direktor ng pelikula na si Direk Joel Lamangan na malapit daw talaga sa kanya. 

“This [movie] is directed by Direk Joel Lamangan. He’s very close to my heart. Basta pag sinabing Joel Lamangan hindi ako hihindi talaga,” aniya. 

Pagpapatuloy pa ng seasoned actress, “[It’s] a reunion [project] for Mark and I. Parang ang tagal-tagal nang pinagpaplanuhan ang reunion na ‘to [at] ngayon lang talaga nangyari so tinanggap ko talaga ‘yong film. 

“And at the same time, it’s also to support Borracho Films in which my best friend, si Atty. Ferdinand Topacio, is a producer,” pagtatapos ni Claudine.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Claudine Barretto, inilarawan kung gaano ka-protective at ka-supportive ang kanyang Ate Gretchen

Pika's Pick: Claudine Barretto directly addresses ex-husband Raymart Santiago in an IG post about responsible fatherhood

Claudine Barretto, nag-hunger strike pala noong araw para lang payagang mag-artista

Raymart Santiago, milyones na ang utang na sustento sa mga anak nila ni Claudine Barretto?

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.