Nagbabalik-Kapuso na si Boy Abunda, at home pa rin sa GMA-7: “Lahat ng aking katrabaho ngayon ay mga taong malapit sa aking puso.”

“Natutuwa lamang po ako...because I am working with the people I am familiar with. Lahat ng aking katrabaho ngayon ay mga taong malapit sa aking puso. At kahit naman napakahaba ng panahon na hindi tayo nagkasama-sama nang pormal, hindi po nawala ang aming mga relasyon. All these years they remained friends.”—Boy Abunda on his GMA comeback

PHOTOS: @gmapinoytv & @therealboyabunda on Facebook

“Natutuwa lamang po ako...because I am working with the people I am familiar with. Lahat ng aking katrabaho ngayon ay mga taong malapit sa aking puso. At kahit naman napakahaba ng panahon na hindi tayo nagkasama-sama nang pormal, hindi po nawala ang aming mga relasyon. All these years they remained friends.”—Boy Abunda on his GMA comeback

Umaapaw ang pasasalamat ng tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda ngayong pormal na s’yang pumirmang muli ng kontrata sa Kapuso Network.

Makalipas ang dalawang dekada ng pamamalagi n’ya sa ABS-CBN ay heto’t nagbalik na s’ya sa GMA-7 kung saan s’ya nagsimula ang kanyang talk show career.

Matatandaang isa s’ya sa mga naging hosts ng showbiz-oriented talk show na Show & Tell noong 1994 kasama nina Gretchen Barretto, Ai-Ai delas Alas, and Lolit Solis, bago ito pinalitan ng StarTalk noong 1995 kung saan isa rin s’ya sa naging presenter and interviewer hanggang noong 1999. 

At kahapon nga, December 15, natapos na ang matagal ng ispekulasyon na sya'y magbabalik-Kapuso Network dahil nagkaroon na ng contract-singing si Boy sa GMA-7 na dinaluhan ng mga executive heads ng network sa pangunguna nina Lilibeth Rasonable at Janine Nakar, habang present naman via Zoom ang mga big bosses na sina Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, President and COO Jimmy Duavit, and CFO Felipe Yalong.

Napasalamat si Boy sa muling pagtitiwala at full force na pag-welcome sa kanya sa Kapuso network.

Mula ho sa aking puso, maraming salamat po sa inyong tiwala sa aking kakayahan bilang isang presenter, bilang isang talk show host, bilang isang interviewer. Maraming salamat sa inyong paniniwala po sa aking pagkatao at maraming salamat po sa ma-kapusong pagtanggap n’yo po sa akin dito sa GMA-7. I am grateful,” pahayag ng tinaguriang King of Talk.

Sisikapin daw n’yang suklian ang tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA-7.

Hindi po ako mangangako… I will commit to working hard, to doing the best I can to be able to deliver the best entertainment, the best interviews, the best shows that I am going to do for GMA-7. Salamat,” dagdag niya.

Sa puntong ito ay umiral ang pagiging humble ni Tito Boy, as he is fondly called in showbiz, sa kabila ng dekadang karanasan n’ya sa TV hosting.

Ako’y natutuwang magbalik dahil hindi ko alam kung anong mangyayari. In spite of years that I have spent as a talk show host, as an interviewer, I am still in an unknown space,” lahad n’ya. 

Pero pamilyar ako dito sa uncertain space na ito dahil dito lumalabas ’yong pangil, dahil dito lumalabas ’yong lahat ng naipon mong galing at natutunan, pero bukas pa rin na magkamali pero sinisiguro natin na makakaahon.

Bukod pa doon, at home din daw s’ya agad sa kanyang pagbabalik dahil makakatrabaho n’ya ang mga nakatrabaho n’ya noong nag-uumpisa s’ya sa telebisyon. Nasa GMA-7 pa rin kasi ang mga ito at tumaas na ang kanilang mga posisyon. 

Natutuwa lamang po ako, Atty. Gozon, Mr. Yalong, Jimmy, because I am working with the people I am familiar with. Bang [Arespacochaga] was my first executive producer po when I did Show & Tell dito sa GMA-7. Janine [Nakar] was my production manager for StarTalk,” pagbabahagi pa n’ya. 

Lahat ng aking katrabaho ngayon ay mga taong malapit sa aking puso. At dahil kahit naman napakahaba ng panahon na hindi tayo nagkasama-sama nang pormal, hindi po nawala ang aming mga relasyon. All these years they remained friends.”

Napa-throwback din ang iconic showbiz talk show host noong panahong nagpaalam s’ya sa GMA-7 para tanggapin ang offer ng kabilang estasyon. 

Nu’ng ako’y nagpaalam noon sa GMA-7… I don’t know if you remember this, [Jimmy]…. Tuwang-tuwa ako kasi sabi ko…hindi naman ako seryoso nu’n, e. I was also an emerging artist-manager during that time. I was managing Ariel Rivera and Company, Monique Wilson, Vernie Varga, and so many other artists,” pagre-recall n’ya. 

Pumunta ako sa opisina at nagsabi akong ako ay may offer to do a talk show. Hindi ako pinigilan nina Jimmy. Hahaha! Sabi nila Jimmy, ‘Go. If it’s good for you, go. But let’s not say good bye. We run in circles. Let’s just say we’ll see each other again.’

At nangyari nga. Ako’y nagbabalik. At ako ay natutuwa na buong puso pa rin akong tinatanggap ng dati at bago kong tahanan.”

Hindi naman nakaligtaan ni Tito Boy na pasalamatan ang D’yos sa panibagong blessing na ito sa kanyang career na masasabi ngang in full circle na. Ganu’n din sa kanyang pamilya, at mga taong tumulong sa naging journey n’ya mula noon hanggang ngayon.

Nais ko ring magpasalamat talaga sa D’yos. Ang galing N’ya, ang galing N’ya… Nais ko ring magpasalamat, ialay ang pagkakataon na ito, lagi naman sa buhay ko, sa nanay ko, sa pamilya ko. Sana nandito sila. Pero maraming salamat, 'Nay. Dahil sa kanya narito ako,” lahad n’ya. 

At maraming salamat din sa mga taong naging bahagi ng paglalakbay ko. People have been part of my journey. Dahil sa inyo…you know who you are. 

Dahil sa inyo ako’y nandito. I am who I am. Nakatapak pa rin sa lupa. I am where I am. Nasa GMA-7. Blessed dahil tinulungan n’yo ako. 

“I’ve been the beneficiary of the kindness and generosity of so many people so I give back every time I can. Narating ko ang aking narating dahil tinulungan ako ng napakaraming tao.

Nagpa-abot din s’ya ng pasasamat sa mga advertisers at mga manonood sa kanilang ibinigay na suporta at pagtangkilik. 

Nais ko ring magpasalamat sa mga advertisers. Maraming maraming salamat. Dahil sinuportahan nila tayo sa lahat ng ating mga palabas. Napakarami nating mga kaibigan sa mga ahensya, sa mga brand. Hindi ako makakalimot. We were able to do what we are doing because of your support. Maraming salamat,” pahayag ni Tito Boy. 

At sa sambayanang Pilipino na rin sa walang-sawang pagsuporta at sa kanilang pagpapatuloy sa akin, sa aming lahat, sa kanilang mga tahanan at pati na rin sa kanilang mga puso. 

Mabuhay po tayong lahat at maraming salamat,” pagtatapos n’ya. 

Abangers na ang lahat kung anu-anong show ang gagawin ni Tito Boy ngayong nasa GMA-7 na siyang muli.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.