Nag-viral na wedding announcement nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, requirement pala ng simbahan

PHOTOS: @carlaangeline & @akosimangtomas on Instagram

PHOTOS: @carlaangeline & @akosimangtomas on Instagram

Viral ngayon ang tungkol sa marriage bann na inilabas ng San Guillermo Parish Church ng Batangas tungkol sa kasalang Tom Rodriguez at Carla Abellana. Ipinost kasi ng parish sa kanilang official Facebook account ang tungkol dito, kahapon, May 12.

PHOTO: @SanGuillermoParish on Facebook

Ang marriage bann ay ang pag-aanunsyo ng simbahan ng “couple’s intention to marry.” 

Ang sinumang tutol sa kasalan at may sapat na dahilan para hindi dapat matuloy ang kasal ay p’wedeng makipag-ugnayan sa simbahan. 

Dahil sa anunsyo, nalaman tuloy ng publiko na malapit na palang maganap ang kasalang Tom at Carla. 

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang nasabing marriage bann ng #TomCar couple.

Maraming fans ang kinilig at nagpaabot ng kanilang congratulatory messages and well wishes dahil on their road to forever na daw talaga ang mahal nilang reel and real #TomCar love team. 

May mga netizens namang naka-relate sa marriage bann ng celebrity couple dahil meron din daw sila noon bago sila ikinasal. 

However, meron din namang mga nabahala dito. Maliban kasi sa kanilang real names, petsa at venue ng kasal, ay nandoon din ang pangalan ng kanilang mga magulang.

Maaari daw kasing magamit sa fraudulent schemes ang ilang detalye na nakasaad sa marriage bann lalo pa’t public figure sina Tom at Carla. 

Sa kanya namang Instagram Story kahapon, sinabi ni Carla na required ang wedding bann sa mga magpapakasal na Katoliko gaya nila ng nobyo n’yang si Tom.

“Hello, everyone! A WEDDING BANN is a Church Requirement for Catholics getting married in any and all Catholic Churches in the Philippines,” sey ng Kapuso actress.

“It is a necessary step to be able to secure a Wedding Permit. Please see the definitions below. Thank you!”

SCREENSHOT: @carlaangeline on Instagram

Sa ibaba ng kanyang paliwanag ay ang kahulugan ng marriage bann mula sa Brittanica at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. 

Matatandaan na na-engage sina Tom at Carla noong October 2020 na kanila namang isinapubliko last March. Nakatakda silang ikasal, base sa marriage bann, sa October 23.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Tom Rodriguez, sigurado na kay Carla Abellana; in-love din daw sa leche flan ng aktres

Carla Abellana desperately calls for help to rescue dogs from dog-meat traders 

Tom Rodriguez, kina-career ang pag-aaral ng Mandarin Chinese

Tom Rodriguez shares allegedly being “possessed” on set

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.